ONE DAY IN MY LIFE (A Special Chapter) Part 1

95 3 0
                                    

ONE DAY IN MY LIFE

(A Special Chapter)

                    Halos three hours rin ang byahe.

                Pinili niyang umupo sa may bintana kaya naman nagtiyaga siyang maging unan ni Harry para pareho silang makatulog.

***

                “Ahh. Ang sarap ng tulog ko,” sabi ni Harry habang nag-uunat, pagkababa na pagkababa nila sa bus.

                “Aba dapat lang, pag hindi naman naging masarap ang tulog mo, eh halos maging bato na itong balikat ko. Tsk,” pagrereklamo naman niya.

                “Asus feel na feel mo naman siguro iyon. Iniisip mo siguro, para tayong nasa romantic movie scene or romantic novel kaya---“

               “Pwede ba!!!” sigaw niya para maputol na ang panloloko sa kanya ng kaibigan.“kaysa managinip ka riyan ng gising, eh sabihin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta o kaya naman ay kung anong gagawin natin dito sa Lucena!!” inis na dugtong pa niya.

                “Oh. Ok. . . Easy lang.  Ikaw naman soulmate, masyado kang excited. Napaghahalatang first date mo ito.”

               Nanlaki naman ang mata ni Khate sa sinabi nito. “A—anong sinasa ---“

                “Oh deny pa! Tara.” Sabay akabay sa kanya ni Harry. “Paano ba sinisimulan ang araw? Eh di pagkain ng almusal. Dun tayo sa Jollibee!”

                Hindi naman ganun kalaki ang branch ng Jollibee sa Grand Central Terminal sa Lucena. Hindi rin ganun karami ang tao. Kaya naman medyo nagtagal rin sila roon ni Harry habang plinaplano kung saan sila susunod na pupunta. Ang nangyari pa, siya ang nagdecide kung saan. Paano naming hindi eh first time lang pumunta ni Harry sa Lucena. Nung tinanong naman niya ito kung bakit ginusto nitong pumunta ng Lucena:

               “Wala lang. I just want to see your environment before meeting me. Yung alam mo yun – you’re routine.”

                Napangiti naman siya sa sinabi nito. Feeling kasi niya napaka-importante nito sa kanya.

                “Wow. Nakakatouch naman, ganyan ba ako kaimportante sa iyo ha, Soulmate?”

                “Wag kang feeler, gusto ko lang makakita ng bagong environment,”wika nito sabay iwas ng tingin sa kanya.

                “Ahaha. HMM! Dinedeny pa. Tara na. Gora na tayo medyo malaki ang LC para sa isang araw lang!”

***

                “Seryoso ka ba soulmate? Bahay niyo ito dati?” pangungulit na tanong pa ni Harry.

                Sa datingbahay nila sa LC sila unang pumunta at kasalukuyang nililibot ito. Habang nasa likod niya si Harry ay isa-isa niyang pinapakita ang iba’t ibang parte ng bahay. Sa madaling salit, tour guide talaga siya ngayon. Balak rin naman niyang ipaalam dito ang naging routine niya noon, na gusto rin naming malaman nito.

                “Sapakin na kaya kita riyan! Ang kulit? Kelangan paulit’ulit!” inis niyang sabi kay Harry.

                “Grabe brutal ka na ngayon! Tsk.”

Our Souls were Meant to BeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora