//One//

134 4 4
                                    

             “Hello Jenille, kamusta?” Buong siglang bati ni Khate sa kaibigan na kausap sa cellphone.

            “Kamusta??!! Ayos ka rin naman mangamusta ala-una ng madaling araw. May problema ka na naman!!” Pasigaw na sabi ng kausap.

            Si Jenille ay isa sa mga kaibigan nyang pinagkakatiwalaan sa Lucena, naging magkaklase sila noong High School at ngayong nasa Laguna na sya para mag-aral ng kolehiyo ay hindi nawala ang komunikasyon nila. Siya rin ang madalas na sabihan niya ng problema tulad ngayon.

              “Huwag mo naman akong sigawan, akala ko ba namimiss mo ko?” paglalambing na wika niya.

   “Totoo namang nama-miss kita at huwag mo na kong bolahin at sabihing miss mo na rin ako!! Diretsahin mo na kasi. Ano na naman ang problema mo? Lalaki ba?” Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan.

            “Grabe ka naman, ano ba ang tingin mo sa akin?! Babaeng wala ng ibang prinoblema kung hindi PAG-IBIG!” Narinig niya ang pagtawa ng kausap.

           “OK! Fine! Eh ano nga ang problema mo at napatawag ka?”

            “Kung makasigaw, wagas. Wala naman friend. Naalala mo nung sinabi ko sa’yo na nag-apply ako sa isa sa mga branches ng Mc Do rito. Nagsimula na kong magtraining kanina.”

            “Oh ano naman problema dun! Don’t tell me nakabasag ka ng pinggan o kaya nakahulog ng tray? O kaya naman nakabubo ng pagkain?!” Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi ng kaibigan. “Hindi yun! Hindi ganun. Ang babaw naman.”

            “Eh ano nga? Huwag mo na ngang paliguy-liguyin antok na ako!!!”

            “Kasi nga friend, ang jahe! Ang jahe talaga! Pagpupunta kasi doon sa branch sasakay kaming lahat na trainee sa isang service bus. Hindi ko masyadong alam yung lugar ng mga branches nila ditto. Kaya sabi ko sabihan nalang nila ako kapag malapit na. Hanggang sa bumaba ako sa isang branch. Sinisigawan ako ni Kuya Mark, hindi pa raw ako doon. Eh dinedma ko kaya---“

            “Wait! Sino naman yung Mark?” singit ni Jenille.

            Ipinaliwanag niya sa kaibigan na si Mark ay ang guide nila, ito rin ang may hawak ng list nila. Ang problema, si Kuya Mark niya ay nakahiligan na siyang lokohin at bolahin, kaya naman hindi niya ito masyadong pinaniniwalaan.

            “Kaya ayun! Dinedma ko, eh pagpasok ko sa branch hinanap ko ang pangalan ko sa list, wala nga. Takbo ako pabalik! Pushocks! Yung service umaandar na, eh di hinabol ko pa talaga,”narinig niya ang malakas na pagtawa sa kabilang linya. “hala sige! Pagtawanan mo pa ako! Akala ko pa naman kaibigan kita!” patampong wika niya.

            “Alam mo ba kung ano ang nai-imagine ko, Khate? Yung paghahabol ni San Shai kay Dao Ming Xi,” muling malakas na pagtawa ang naring niya.

            “NAkakainis ka naman eh!” Sigaw niya.

           “Ok nakamove-on na ko friend. Relax ka lang. Yun lang ang prinoproblema mo?!”

            “Ang jahe kaya! Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila, lalo na kay Kuya Mark.”

            “Friend, itulog mo na lang yan. Kung hindi maaalis ng antok, bukas pagnagkita ulit kayo ngitian mo na lang. Keri na iyan ng killer smile mo!”

           Ayos na sana may karugtong lang na tawa sa huli. “Kainis ka talaga! Yun lang ang payo mo?”

            “Hoy! Khazumi Teleinne! Para namang kailangang-kailangan ng payo iyang problema mo! Babaan kaya kita ng phone!” May bahid na rin ng inis sa boses nito.

            “Chillax lang friend. Ikaw naman hindi na mabiro. Nami-miss lang naman kita. Alam mo namang chess ka sa body system ko.”

            Siya ay isang chess player. Nagsimula siyang magkainteres dito noong third year high school siya, nakahiligan na rin niyang maghanap ng iba’t-ibang techniques sa paglalaro nito. Kalimitan, mga kaklase niya ang kanyang kinukulit para turuan siya ng ibang moves para madaling macheck mate ang kalaban. Kaya naman simula noon, tila kulang na ang araw niya kapag hindi nakakapaglaro nito.

            “Asus! Pachess-chess ka pa riyan. Huwag mo na nga akong binobola. Siya sige at ako’y matutulog na, pwede ba?” Pasarkastikong sabi ng kausap.

            “Ok! Sige. Nakapaglabas na ako ng sama ng loob.” Napahagalpak na siya ng tawa sa sinabi. “No kidding, I really miss you na! Goodnight.”

            What a crazy friend!

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now