//Seven//

97 4 1
                                    

Chapter 7

            Hindi siya makatulog sa kaiisip, iniisip niya kung anong kurso ang kukunin niya. Malapit na enrollment kaya naman hindi na rin siya mapakali. Wala na rin naman siyang ibang matanong, after ng libing hindi na rin sila nagkikita ni Harry ng buong bakasyon. Nagpunta kasi ito sa Bulacan, kaya tamang text at call lang sila.

            Madalas niyang kasama ay sina Kevin at Lee. At everytime na nagkikita-kita sila lagi na lang siyang kinikilig.

            Katulad na lang nung isang araw. . .

            “Khate!!” Hinanap niya kung sino ang tumatawag sa kanya, at nakita na naman niya ang isa sa pinakagwapong nilalang sa mata niya. Lumapit sa kanya si Kevin.

            “Hi Khate, namiss agad kita, buti nakapunta ka rito. Tara na sa loob.”

            Bago pa man magloading sa utak niya ang mga sinabi nito hinawakan ng binata ang kamay niya at hinila papasok sa loob ng bahay. May padiriwang kasi kina Kevin.

            Naninibago talaga siya sa ipinapakita ni Kevin, parang bigla na lang siyang naging sweet at malambing. Pero naisip naman niya, ayos lang at least libre ang kiligin ngayon.

            Pagpasok nila nakita na niya si Lee.

            Ng makapagsolo sila ay ikinuwento niya rito ang mga kakaibang kinikilos ni Kevin.

            “Grabe Pangz. Kakaiba talaga siya ngayon. Ang sweet-sweet niya at lagi rin siyang nakangiti. Ikinukuha niya ko ng pagkain, inumin, magkatabi kami kanina pa, at tsaka.  . .guess what! He held my hand most of the times!!!” wika niyang mahina pero obvious naman sa boses niya ang paagkakilig.

            Nakita naman niyang ngumiti si Lee, pero bahagya lang at parang. . . pilit? Hindi naman siya ganun dati, dati kasi kapag kinikilig siya sa mga pinaggagagawa ni Kevin kasing kilig din ito.

            Anong meron?

            Hindi na lang niya ito tinanong siguro may problema ito na ayaw pang i-share o kaya naman ay wala sa mood at may ibang iniisip.

            Maya-maya lang lumapit na si Kevin sa kanila. “Lee, Khate, tawag kayo ni Mama sa dining area.” Ngumiti naman ito and . . .

            Oh my, he’s doing it again, he’s holding her hand.

            Yun ang isa sa nga highlights ng bakasyon niya. The rest boring na, bakit hindi ikaw man ang maburo sa loob ng bahay. Pakiramdam niya routine na ang life niya, malapit na yung tipong parang hindi na nag-eexist.

            After i-reminisce ang mga pangyayari ng mga nagdaang araw naisipan naman niyang magpaload para maitext si Jenille. Napansin kasi niya na nitong mga nakaraang araw, puro bitter ang mga group messages nito.

            Nung una, kinakamusta niya ito hanggang sa uniti-unting mapag-usapan at ungkatin niya ang mga bitterness ng kaibigan.

Nang marinig niya ng katok sa kanyang pintuan. Tinatawag siya ng Mama niya, na bumaba. Agad naman siyang lumabas ng kwarto.

            Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang bisita nila.

            “Shocks friend. Maya na lang ha. Dumating yung manliligaw ko. Hahaha” text niya rito.

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now