//Six//

86 3 1
                                    

Chapter 6

          Kailangan niya ako? Ngumiti siya at tumakbo pabalik para yakapin ang kaibigan.

          “Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh.”

           Maya-maya pa ay lumapit na sa kanila ang iba pang mga kamag-anak ng binata, pati na rin si Ms. FC girl.

          “Hijo, condolence ulit ha. Kapag may problema o kailangan ka pumunta ka lang sa bahay, huwag kang mahihiya, ha?” Tumango lang si Harry at pagkatapos ay lumapit na si girl. Napataas pa ang kilay niya ng hawakan nung babae ang kamay ni Harry, wika pa nito, “kapag nagtratravel ang isang tao sa iba’t ibang magagandang lugar, ang saya-saya niya. Pinagsisigawan sa lahat ng tao na napakaganda roon kasi raw dahil ganito at ganun, without even realizing na, hindi naman talaga iyon ang kinaganda at kinasaya ng paglalakbay, kung hindi yung paano mo nagawang makapunta at nilakbay ang magagandang lugar na iyun. It’s the journey itself. Losing your mom is part of our journey, so stand up and be strong, ok?”

         Yeah right.

        Niyakap ni Harry ang babae, “Thanks Meena.” Umalis na rin ang mga ito at sila na lamang dalawa ni Harry ang naiwan

          “O, bakit nakataas yang kilay mo?” wika nito ng makaharap sa kanya.

          “Anong paki mo!!!” pagtataray naman niya. “Alis na rin ako ha.” Dire-diretso siya sa paglalakad at nilagpasan si Harry, hindi na rin niya hinintay pa itong magsalita, pero pinigilan siya nito sa kamay.

          “After mong hindi magpakita sa akin ng tatlong araw yan lang ang sasabihin mo sa akin? Na ano? Aalis ka na??!!” Halata niya ang sama ng loob sa tinig ng binata.

          “Sige go, umalis ka na at iwan mo ako ritong mag-isa. Hayaan mo na ring magtampo ako sa’yo habang buhay,” sabi pa nito na ikinabigla niya.

       Ganito na ba talaga ako kasamang kaibigan sa kanya? Hinarap niya ito.

        “So kasalanan ko pa ito! Kasalanan ko pa na hindi ako pumunta sa lamay para damayan ka? Hindi ka man lang ba nagtataka kung paano ko nalaman? Kung paano ako nakapunta ditto?!!” Huminga muna siya ng malalim at kinalma ang sarili at tsaka patuloy na nagsalita.

         Sinabi mo ba sa akin, Harry? Sinabi mo ba sa akin ang pagkamatay ni Tita? Minsan bas a araw-araw nating magkasama, nagawa mong sabihin sa akin na hindi maganda ang kondisyon niya? Hindi di ba? Hindi Harry.” Unti-unti niyang naramdaman ang pagpatak ng luha niya. Na naman.

           Binitawan ni Harry ang kamay niya at tumingin sa malayo.

          “Hindi ko kasalanan kung out of coverage area ka ng mga panahong yun.”

           Bumuntong hininga siya. “Lagi ba? Lagi bang out of reach ako. Ok. . . Fine! It’s my fault. Ako na ang may kasalanan.”

           Aalis n asana ulit siya ng hilahin siyang muli ni Harry at yakapin, mula sa likod.

          “I didn’t know. . . hindi ko alam na may sakit siya. Hindi niya rin sa akin sinabi. Pag-uwi ko galing school, hinanap ko siya sa bahay and I saw her in my room. . .” kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, alam niyang pinipigilan nitong umiyak.

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now