//Eight//

105 3 3
                                    

A/N dedicate ko kay ate, kasi naligaw siya sa message board ko. hihihi :)

Chapter 8

            “Aahhhhhh.” Halos maloka na si Khate, habang yakap-yakap niya ang kanyang unan ay pagulong-gulong siya sa kama. Alas-nuebe pa lang ay nakahiga na siya pero pasado alas dose na ay gising na gising pa rin siya.

            “Bakit ang weird ng mga tao ngayon! Nung mga nakaraang araw si Kevin, ngayon naman si Harry. Bakit ba sila ganyan?” wika niya sa kanyang isip.

            Ilang minuto pa rin siyang ganun, pero maya-maya lang ay napagod na siya kaya naman ay nanatili na lang siyang nakatingala sa kisame, naglalakbay ang isip sa kawalan.

            “Khaz, gising na! May pupuntahan ka pala hindi ka gumising ng maaga.” Naramdaman niyang may bahagyang tumutulak sa kanya. Pero patuloy pa rin siya sa pahgiga at niyakap ng mahigpit ang unan.

            “Ui, khazumi Teleinne. Bumangon ka na sabi riyan.”

            “Ahh.. Mama.limang minuto pa, maya-maya lang.”

            Naramdaman niya na may tumayo buhat sa kanyang kama at malakas siyang itinulak sa may braso.

            “Bahala ka riyan, kanina pa naghihintay sa baba si Harry.”

            “Aray. Mama naman. . .” paungol pa niyang sabi. “Pakisabi na lang kay Har---“

Napabalikwas siya sa kama. “Ay, oo nga pala!!! Hala, kanina pa po?” nagpapanic na siyang pumunta sa banyo.

            “Ayan, nagmamadali ka ngayon! Kanina pa kita ginigising may palima-limang minuto ka pang nalalaman.” At narinig niya ang pagsara ng pinto.

            Halos limang minuto lamang siyang naligo. Matapos makapag-ayos ay lumabas na agad siya ng kwarto. Mabuti na lang at naihanda na niya ang isusuot niya bago siya matulog.

            Malapit na siya sa may hagdan ng bigla siyang mapahinto.

            “Oh my,” wika pa niya habang napakapit sa dibdib. “Ang bilis ng tibok ng puso ko. . .excited much?” bulong niya, “excited ba ako?”

            O kinakabahan. Wahahaha. Kakabahan ako? Kay Harry? Epek ha!!!

            But this is a new feeling again. Noong unang beses na makakasama niya si Kevin noon, hindi naman siya nagkaganito. Hindi siya naloloka.

            Funny. Lagi naman akong loka-loka. Hahaha

            Bumaba na siya ng hagdan, and there, he saw Harry standing next to the door.

            Narinig siguro nito ang foot steps niya kaya naman agad itong lumingon.

            I really love his brown eyes.

            Nakita naman niya ang pagtaas ng kilay nito, napatawa siya.

            “Late ka na nga tatawa-tawa ka pa riyan!” Masungit na sabi ng binata.

            “Di ba sabi ko sa’yo wag kang magtataas ng kilay para ka kasing beki. Pag ikaw ay natuluyan, naku! Iiyak ang mga chikababes mo.” Binuntutan pa niya ito ng tawa.

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now