//Five//

110 4 2
                                    

A/N: dahil sinipag ako ngayon,.. here's new update.

naku baka lalo kang malUngkot sa eksenang 'to. hehe

Chapter 5

Nakakadalawang plastic na ng tissue paper si Khate, ngunit patuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya. Nasasaktan talaga siya sa pagkamatay ng Tita Claudia niya, hindi na kayang takpan ng kahit ano ang sakit na iyon. Naging close siya rito, madalas kasi ang pagbisita niya sa bahay ng mga ito. Parang nanay na rin ito sa kanya. At kahit pa nagtatampo siya kay Harry hindi niya magawang deadmahin ang libing ng mommy nito. After all, Harry is her bestfriend. she has to be at his side, lalo na sa mga ganitong sitwasyon kahit sabihin pang hindi siya kailangan nito.

            “Look at him,” wika niya sa sarili.

            Hindi man lamang umiiyak, how could he be so tough!!!

        Hindi pa rin sila nagkakausap at kahit lapitan ito ay hindi rin niya magawa.

            At bakit pa??!! That girl is with him, hindi na niya ako kailangan.

           Sa ngayon ang mahalaga lang sa kanya ay makita siya ni Harry, at least hindi siya susumbatan nito na walang kwentang kaibigan, dahil na roon siya kahit ba hindi man lang siya tumingin sa Tita Claudia niya. Nagkaphobia kasi siya sa mga ganun.

                                                                       ********

           Lumipas ang isang oras at ihahatid na ang labi sa sementeryo. Pinili niyang maglakad na rin papunta roon. Nakakailang hakbang palang siya ng marinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya. “Khate!!!”

            Yeah, there he is, her ultimate crush Kevin and with her high school buddz Lee. Masaya dapat siya kahit papaano na makita ito, but this strange feeling engulf her. Hindi pa rin gumaan ang pakiramdam niya, parang wala lang.

            “Hindi mo rin natiis si Harry ano?! I told you Kevin, pupunta siya,” wika ni Lee rito. Awan ba niya, pero bakit parang super close na rin ang dalawang ito. O paranoid lang siya.

            Hinawakan ni Kevin ang kamay nila, “Tara, sabay ka na sa amin, doon tayo sumakay sa sasakyan ko.” Akmang aalalayan na siya nito papunta roon pero hinila niya ang kamay niya mula rito. Halata sa mga mata ang pagtataka ng mga ito.

            “No, you guys go ahead. Mas gusto kong maglakad ngayon para makapag-isip ng mga bagay-bagay. I’m sorry I hope you don’t mind.” Binigyan siya ng mga ito ng tango at matipid na ngiti. And then she walked away.

                                                                  **************

         “Ganito pala kapag naglalakad mag-isa ang daming pumapasok sa isip mo.”

   She started to ask herself.

           "Mahalaga ba talaga ako kay Harry? Kung oo, bakit hindi man lang niya ako nilapitan kanina noong nakita niya ako? Bakit hindi niya ako sinabihan noon na may problema na pala ang mommy niya? Bakit ba ang manhid niya? Bakit ba hindi man lang niya naisip na nasasaktan ako sa pag wawalang pansin niya sa’kin? Bestfriend ko ba talaga siya? Bestfriend ba talaga ang turing niya sa’kin? I want my old Harry back!!! I hate you, Harry!!! I hate you . . .” pagmomonologue ng isip niya. Suddenly, bigla na naming tumulo ang luha niya. She’s broken.

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now