//Ten//

39 3 2
                                    

Chapter 10

                Hindi alam ni Khate kung paano haharapin si Harry sa mga susunod na araw.

                But the day after, nagulat siya ng paggising niya may text galing dito.

Harry:

G'morning soulm8. Peace na tau ah. Keep safe.

                Ganun naman talaga silang dalawa. Pareho silang hindi kayang magtanim ng sama ng loob sa isa't isa.

                                                                       ***

                Lumipas ang ilang buwan, naging masaya naman siya sa bagong course niya.

                Laging pumunta si Kevin sa bahay nila. Salitan nga sila ni Harry.

                Hindi niya alam kung nanliligaw ba sa kanya si Kevin o ano. Masaya naman siya sakung anong meron sa kanila. She always feel special when they're together.

                Si Lee? Napakadalang na niya itong makasama. Nagtataka nga rin siya.

                Nagpapart time job na rin siya sa McDo. Sa pangalawang pagkakataon na pagtry-out niya ay nakapasa siya. Masaya naman ang atmosphere dun.

                Ito na ang life cycle ko ngayon.

                Excited na rin ako, ilang araw na lang birthday ko na.

                                                                        ***

                Ngayon he's on his way to Khate's house again. Lagi na lang siyang pumupunta dito.  ''I have to do this, dahil ito ang magpapasaya sa babaeng mahal ko.''

                Hindi naman talaga dapat si Khate ang lagi niyang kasama kung hindi iba. Alam din niyang mali ito.

                "Pinapaasa ko si Khate."

                Matagal na kasi niyang alam na may gusto sa kanya si Khate. Lee told him.

                At ito na ang naging habit niya.

                "Sana lang pagdating ng panahon at nalaman niya ang totoo sana mapatawad niya ako . . . kami."

                "Kevin." kahit hindi niya ito lingunin kilala na niya kung sino ito.

                "Nagkasabay na naman tayo. Bakit ba ayaw mong pumasok dun sa loob, ha Harry."

                "Hindi na, makakaistorbo lang ako dun sa inyo. "

                "Sige pare, papasok na ako dun sa loob."

                Papasok na sana siya sa loob ng bahay nina Khate ng tawagin siyang muli ni Harry.

                "Saglit lng Kevin." hinarap niya ito.

                "Gusto mo ba talaga ang bestfriend ko? Ayusin mo lang pare. Alam kong alam mo, na matagal ka ng gusto ni Khate. Kaya kung hindi ka seryoso sa kanya, tumigil ka na. Wag mo na siyang paasahin pa. Kapag sinaktan mo siya, ako makakaaway mo." hindi na siya hinintay pang sumagot ni Harry at tinalikuran na siya nito.

Our Souls were Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon