One Day in My Life (A Special Chapter) Part 4

66 3 1
                                    

A/N: Malapit ng matapos. :)

                Madali lang naman silang nakasakay ng bus.

                “Yes pauwi na rin.” bulong niya sa sarili.

                “Tama, malapit ng matapos ang araw nito.”

                “Oh, bakit? Di ka ba masaya?”

                “Hindi naman sa ganoon Khate, I just . . . wala.

            “I'm shivering everytime you say my name.” Kahit sa upuan sa harap niya siya nakatingin alam niyang tumingin si Harry sa kanya. She forced a smile bago nagsalitang muli.                               “Siguro kasi nasanay na kong 'soulmate' ang tawag mo saken.”

                Ng lingunin niya si Harry ay nakatingin pa rin ito sa kanya.

                At kung magjoke nga naman si kupido . . .

What if we were made for each other

Born to become best friends and lovers

I want to stay right here

In this moment with you

Over and over and over again

What if this could be a real love

A love, a love, yeah

                Umayos siya ng pagkakaupo.  “Ang ganda naman ng kanta.” sabi pa niya.

                “Paano nga kaya kung maging lovers tayo?” muli siyang tumingin kay Harry na noon ay nakapikit na.

                “Then will be having a typical lovestory.”

             “Tingin mo?” dumungaw si Harry sa may unahan at pagkatapos ay sumigaw, “Manong kondoktor paki palitan ng kanta.”

                At pagkatapos ay tumingin sa kanya, “tara, tulog tayo”sabi nito sa kanya pagkatapos ay umakbay para ihilig ang ulo niya sa balikat nito.

***

                After makababa sa bus ay dumiretso na rin sila sa bahay nina Khate. Medyo malayo pa sila sa bahay ng biglang umulan.

                Agad naman silang nagtatakbo.

                “Soulmate bilisan mo.” sigaw sa kanya ni Harry. Habang hawak-hawak ang kamay niya ay sabay silang tumatakbo.

                “Wait lang.” sabi naman niya ng hingal na hingal na.

                “Tumigil na nga tayo sa pagtakbo. Tutal basang-basa na rin tayo.”

                “Tama. Mabuti pa nga.” Pagsang-ayon naman ni Harry. Kaya naman patuloy na lang silang naglalakad.

                “Ang problema pala parang biglang pagbagsak ng ulan. Kung wala ka ng masilungan at basang-basa ka na rin lang, wag ka ng tumakbo, basang-basa ka na nga, pagod ka pa. Sa halip i-enjoy na lang ang ulan. Sana lang lahat ng problema ganoon kadali solusyunan.”

                Nakita niya ang mapait na pagngiti ni Harry.

                Ayaw niyang tuluyan masira ang mood ang araw nila.

                “Mukha ngang ini-enjoy mo na lang ang ulan, kaya enjoy na enjoy ka rin sa paghawak ng kamay ko, ayaw mo ng bitawan. Hahaha”

                Napatigil naman ng paglalakad si Harry at agad na binitawan ang kamay niya.

                Lalo naman tumawa si Khate.

                ‘Feelingera ka nga.”

                “Halika nga dito.” muli naman niyang hinawakan ang kamay ng kaibigan.

                “Thank you ha. Nag-enjoy ako ngayon. Kahit nawala yung jacket ko, kahit naghanap ako sa’yo ng ilang oras. Masaya ako.”

                “Pwede Khate wag ka ng mag-emote bilisan mo ng maglakad basang-basa na tayo.”

                “Nakakainis ka.” biglang bitaw niya sa kamay nito.

                Simula noon ay tahimik na silang naglakad.

                Hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Hindi niya talaga maintindihan minsan ang ugali ng kaibigan kaya naman hindi na niya ito hinarap , at sa halip ay nagpasalamat lang siya sa paghahatid sa kanya at papasok na siya sa loob.

                Nasa may pinto na siya ng magsalita si Harry.

                “Hey” dun lang niya ito hinarap.

                “I’m sorry kung nasira ko yung mood mo kanina, hindi mo kasi naiintindihan eh. Thank you for trusting me at sumama ka saken ngayong araw. Thank you, kasi one day in my life I had a date with you. sige pasok ka na sa loob, magaplit ka na ng damit at baka magkasakit ka pa. Good night.” biglang tumalikod ito at paalis na.

                Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa utak nyia at pinigilan niya ito.

                “hey din.” humarap sa kanya si Harry, at pagkatapos ay ngumiti siya.

                “Dito ka na lang matulog sa bahay. Sobrang lakas ng ulan, baka ikaw naman magkasakit.”

                Bakas sa mukha ni Harry ang pagkagulat 'seryoso ka?'

                “Di joke lang.' Wika niya in her most sarcastic tone.

                “Dali na pumasok ka na, malawak naman ang sahig namen.hahaha”

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now