//Two//

61 4 4
                                    

A/N: Pasensya na po sa magiging error sa pagta-type ko dito.. hehe hindi ko na po kasi binasa ulit.

:) thanks

hey, Khate, meet Harry.

Chapter 2

            “Hoy, Ate Khaz gising na! May pasok pa ah. Magluluto ka pa,” wika ng kapatid niyang si Khitz sa kanya.

    “Oo na, sige na babangon na po!” Pasarik niyang sabi. Hay ang hirap talagang maging ate.

            Last day ng klase niya as first year. Kinakabahan na si Khate sa magiging resulta ng mga grades niya. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa PUP Sta.Rosa, kapag sinuwerte second year na siya sa kursong Electrical Engineering. Sa kursong iyon hindi siya pwedeng magka-singko sa Calculus subject or else masisipa siya sa Department. Hindi pa naman niya feel ang Math. Mahina ang loob niya pagdating sa ganun. Nagustuhan lang din naman niya ang kursong iyon dahil gusto rin iyon ng kanyang pamilya . . . bahala na!

*****

            “Etamluos!” Hindi na nya kailangang hulaan o lingunin pa kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Ang boses na iyon ay isa sa pinakamalambing at pinakamagandang timbre na narinig niya. Ah! Bakit ko ba pinupuri ang mokong na iyon!

            “Saan mo naman napulot ang etamluos na iyon ha, Harry! At pwede bang huwag mo akong sinisi---“ Natigil siya sa pagsasalita ng hawakan siya nito sa balikat.

            “Hoy! Makinig ka sa’kin ha! Hindi yun napulot, gawa ko iyon. It means soulmate. Binaligtad lang.” Oh yeah! That brown eyes never fail to catch my attention.

            “Fine! Soulmate. Bitiwan mo na ako! O mas gusto mong makipagtitigan na lamang sa akin maghapon at huwag ng pumasok?” Binitawan na siya nito ngunit sa halip na pakawalan ay inakbayan siya nito. “Ok lang naman sa’kin. Kaso natatakot ako para sa’yo.” Wika nito habang naglalakad na sila papunta sa room nila. Pareho sila ng kursong kinukuha. Ito nga lang ay laki sa Laguna. Naging close friends sila dahil nagging magkapartner sila noon sa Social dance at simula noon hindi na sila mapaghiwalay. Pang karaniwan na sa kanila ang ganitong akbayan. Yun nga lang, ito rin ang dahilan kung bakit lagi silang tinutukso sa klase.

            “Natakot ka para sa akin? Bakit? Baka matunaw ako niyang brown eyes mo?!” Napatawa ng malakasang lalaki. “Sa’yo na galing iyan ha. Na kaya kang tunawin ng brown eyes ko.” Lalo pa itong tumawa ng sikuhin niya. “Ok. Ok. Natatakot ako para sa iyo, kasi baka ma-inlove ka sa’kin kapag nagtitigan tayo ng ganun katagal!” Humiwalay siya sa pagkakaakbay nito. Chaka naman Harry! Hanggang ngayon ba nangangarap ka pa rin?!”

            “Nangangarap? Baka ikaw ang nangangarap sa akin.” Kaila nito. “Whatever. Tara na nga.” Nagsimula na siyang maglakad ng pigilan siya sa braso ng binata.

            “Wait nga lang etamluos! Ikaw ba talaga ay walang bilib sa kagwapuhan ng best friend mo!” Napangiti siya sa sinabi nito. “Napakaraming babae ang naghahabol sa kagwapuhan kong ito, tapos . . . Ah! You’re really unbelievable.” Totoo namang gwapo ito. Matangkad, medyo matangos ang ilong, may mahabang pilik mata at Moreno. And he got brown eyes, Fil-Am kasi ito. Isama pa ang galing nitong tumugtog ng gitara at may magandang boses sa pagkanta. Madalas rin siyang makakita ng mga babaeng todo ang pag-irap sa kanya lalo na kapag kasama niya ito. Yun nga lang si Mr.Brown Eyes ay isang certified playboy. Ang dami ng naging girlfriends.

            “Hindi talaga ako nagwa-gwapuhan sa iyo kasi wala kang killer smile!” Kaila niya. “At ikaw best friend ko? San mo napulot iyon ha?” Batikos niya dito. But it is true. He is her best friend. A true close friend. “Ay . . . grabe ka. Kanina tintanggi mo na gwapo ako, ngayon naman yung pagiging best friend mo! Wala ito. ‘Wag mo akong kakausapin ha,” wika nitong may pagtatampo.

                                                                      *******

            “Hey, soulmate. Cheer-up. Marami pa namang courses. Maybe engineering is really not for you. Hindi bagay sa’yo ang nakasimangot lalo kang pumapangit. Kaya walang nanliligaw sa iyo eh,” pag-aalo ni Harry sa kanya. Nai-release na kasi ang class cards nila, at nangyari na rin ang kinatatakutan niya. Nagmumukmok siya sa isang sulok ng lapitan siya ng kaibigan, pero sa halip na sumaya ay lalo lamang siyang naiyak. “Bakit ganun? Katulad mo, I did my best. Pero bakit ikaw lang ang may best results sa grades bakit ako wala. Kasi namang Calculus iyan, naimbento pa!” Sentimiyento niya, “Hey! Stop crying. Babaeng umiiyak ang kahinaan ko. Tsaka pinagtitinginan na tayo dito o baka mamaya akalain pa nilang pinaiyak kita.” But she can’t help it. Patuloy lang ang luha niya sa pagpatak. Hanggang sa tumayo si Harry at iniwan siya.

          Ok? And what now? I’m kick out by the Engineering Dept. Hindi ko alm kung anong kurso pa ang kukunin ko. Hindi ko alam ang gusto ko.

           Pakiramdam niya, pinagkaitan siya ng langit at lupa. Yung tipong hindi siya tinanggap sa langit pati sa impyerno hindi rin siya tinanggap. Feeling niya nag-iisa siya. Walang karamay.

            Pati yung hinayupak na iyon. Best friend ko daw siya?! But where is he? Iniwan at pinabayaan niya ako ditong mag-isang umiiyak. Of all people . . . grrr.

           Maya-maya pa nakita niya si Harry na ngalalakad patungo sa kinaroroonan niya.

Nakangiti ito. Ngunit malungkot ang mata.

            Bakit naman siya malulungkot eh 2.25 naman ang grade niya sa Calculus.

          “Salamat naman at tumigil ka na sa pag-iyak. Wala ka na bang mailuha?” pabiro pa nitong sabi ng makalapit at makaupo na sa tabi niya. “Ikaw kaya diyan ang paluhain ko ng dugo.! Saan ka ba nagpunta? Akala ko pa naman kaibigan kita, bakit iniwan mo ko?” May iniabot itong plastic bag sa kanya.

            “Oh ayan! Umalis po ako kasi bumili ako niyang paborito mong chocolate! Alam ko namang iyan lang ang makakapagpagaan ng loob mo eh.” Natigilan siya. Indeed, it’s really her favorite chocolate. Sa mga ganitong pagkakataon talaga niya maaasahan ang kaibigan. He knows what to do just make her feel better. Alam nito kung kelan niya kailangan ng kausap. And he’s always been there with her, for her. Naguilty tuloy siya sa naisip niya kanina . . . na pinabayaan na siya nito.

            “Talagang binili mo ito para sa akin?” wika niya sa malambing na boses. “Oo nga, tumigil ka lang sa pag-iyak.”

            Saglit na bumalot ang katahimikan sa kanila. There he is. He knows when to interrupt and he knows when to leave things silent.

A/N: By the wAy, hindi lahat ng Info na naAndito aY totoo about sa pagkatao nung pangalan na nabanggit ko sa "Author's Special Note".

yun lang po at maraming salamat:)

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now