//Three//

52 5 0
                                    

A/N: As a special request :)

Chapter 3

                 “Ay grabe. Lalo akong naiin-love sa kanya kapag tumutugtog siya ng organ. Ang galing niya, nakakainggit. Sana ganun din ako kagaling tumugtog,” wika niya habang pinapanood ang pagtugtog ni Kevin.

                Kahit sandali nakakalimutan niya ang mga kabiguan sa buhay kapag naririnig niya ang musika nito. Iba talaga kapg may inspiration, nakaka-motivate mabuhay. :)

            “Hoy Khate, tigil-tigilan mo nga yang pagmo-monologue mo. Makinig ka sa gospel,” saway naman ni Lee sa kanya.  Nasa loob kasi sila ng kapilya, ngunit hindi niya talaga maiwasan ang kiligin habang pinapanood ang lalaki.

            Naging elementary classmate niya si Kevin. Simula pa lang noon ay labis na ang paghanga niya rito. Hindi naman ito kagwapuhan, pero mabait ito, gentleman, magaling tumugtog ng organ at may magandang boses. Higit sa lahat INC din tulad niya. Kasalukuyan itong nag-aaral ng BS Accountancy sa PUP Sta.Rosa.

                                                                  ********

           “Lee, Khate! Sandali lang!” Habol ni Kevin sa kanila, na agad namang ikinasaya ng puso niya. Naramdaman niya ang pagsiko ni Lee sa kanya, “Pangz, ‘wag ka ngiti!” tukso nito.

            Kilalang-kilala na talaga siya ni Lee. Classmate niya at best buddies sila ni Lee noong High School palang sila. Pangz means “pangit” pinaiksi nila, kasi nahihiya rin sila na gamitin ang tawagang iyon lalo na kapag maraming tao, baka mamaya ay isipin pa nilang makapal ang mukha ng isa kapag tinawag ng pangit, na yung tipong “ang kapal naman ng mukha nito, parang ang ganda.” Yung mga ganun ba, kaya pangz na lang daw.

            “Paalis na agad kayo?” tanong ng binata sa kanila. Ah that smile. Kung mata ang panlaban ni Harry, ngiti naman ang kay Kevin.

            “Ah . . . Oo sana. Bakit mo naman tinatanong?” wika niya. Paalis na namn talaga sila. Pagod na pagod na rin siya dahil sa maghapong Gawain, gustung-gusto na rin niyang matulog.

           “Baka gusto ninyong sumama muna sa bahay. May kaunti lang salu-salo.”

            Kaarawan nga pala ng kapatid nito na kasing tanda na kapatid niya. Madalas nga silang yayain ng pamilya nito sa kanila. Kaya naman naging close na rin siya sa kaptid at sa nanay nito.

                                                                    ******

            Nasa kalagitnaan siya ng pakikipagkwentuhan sa pamilya ni Kevin ang phone niya. Hay istorbo, sino kaya naman ito.

            Nang mabasa niya ang nakarehistrong numero sa screen ay nag-excuse siya para sa labas kausapin.

            “Istorbo! Anong kailangan mo?” sigaw niya kay Harry.

            “Aww. Ang salbahe mo talaga. Matapos kitang ibili ng chocolate kahapon sisigawan mo pa ako. Hindi ka man lang nagpasalamat,” nagtatampong wika ng nasa kabilang linya. Natigilan naman siya. Hindi ba ako nagpasalamt? Pag-iisip niya.

            “Ay ganun ba, sorry ha,” wika niyang pabulong na mabagal, mala-boses ni Aua ba ang dating. “Istorbo, anong kailangan mo sa akin, sabihin mo naman agad kasi istorbo ka talaga.” Patuloy niya na hindi binabago ang boses.

            “Awan ko sa’yo! Siguro kasama mo na naman yung mukhang kulugong accountant na iyon. Sige na,” pabalang na sabi nito at pagkatapos ay putol na ang linya.  Hala nagtampo nga ata. Ah, bayae ka. Ang dami namang pakeme ng taong ito.

                                                                    ********

           Kasalukuyan siya ngayong nakasakay sa service vehicle nina Kevin. Nagprisinta kasi itong ihatid sila ni Lee sa kani-kanilang bahay.

            “Kamusta nga pala yung bff mong si Harry?” Parehong member ng music club sina Harry at Kevin kaya magkakilala ang mga ito. Nalaman din ni Kevin na best buddies sila dahil minsan ay pinupuntahan niya sa club si Harry. At syempre para masilayan din ang aking Kevin. Hihihi  . . .

            Hindi naman talaga magkaibigan sina Kevin at Harry, pero hindi rin naman sila magkaaway. Schoolmate lang at co-member nothing more nothing less.

            “Ayun, magulo pa rin, siya yung tumawag sa akin kanina, nangungulit,” sagot niya.

            “Talaga, tinawagan ka niya? Wala kasi siya sa practice kanina, akala ko may kung anong emergency. Hindi pa naman yun lumiliban sa pagpa-practice ng walang dahilan, di ba?” Napatingin siya rito. Totoong hindi ugali ni Harry ang hindi sumipot sa kung ano mang activity ng club. Katwiran pa nga nito sa kanya, dagdag “pogi ppoints” daw kapag kasali sa club. Kaya, nagtataka siya ano nga kaya ang problema nito. Nagtatampo tuloy siya, bakit wala itong sinasabi sa kanya? Akala ko ba bestfriend kami!

           “Baka naman tinatamad lang yung tao, kaya huwag kayo masyadong mag-isip ng kung anu-ano, relax lang Pangz.” Wika ni Lee, marahil ay napuna nito ang pagkagulat sa mukha niya.

            Una siyang hinatid ni Kevin. Pinapasok naman niya ang mga ito sa loob ng bahay nila.

            “Oh . . . Kevin, Lee, pasok muna kayo. Salamat sa paghatid dito kay Khazumi ha.” Ngumiti naman ang dalawa sa mommy niya.

            Patuloy lang sila sa pagkwe-kwentuhan. Napachika kasi sa mommy niya sina Lee at Kevin. Pero hindi naman niya naiintindihan ang pinagsasabi ng mga ito.  Hindi kasi mawala sa isip niya si Harry. Ano nga kaya ang problema ng kaibigan niya? Hanggang sa maalala niya ang malungkot na boses nito kanina. Ang malupit pa, sinigawan niya itong istorbo. Baka balak ni Haryy sabihin sa kanya ang problema nito kanina, kaso sinigawan niya lang,

            “Hoy Khaz!” sigaw ng mama  niya sa kanya.

           “Sumagot ka naman diyan. Tulala ka na naman,” iniling niya ang ulo. “Pasensiya na po. Ano nga ulit yung tanong mo?” Nakita niyang napailing si Lee.

            “Hay naku Pangz, ano ba kasi ang iniisip mo? Tinatanong ka ni Kevin kung pwede ka raw bukas.” Napanganga siya saglit sa sinabi ng kaibigan. Ako? Bakit yayayain niya akong makipagdate?! “Ah . . . Oo, bakit?” Oh! That Kevin’s killer smile again. “Buti naman free ka bukas. Susunduin na lang kita dito ng mga 9 A.M.” Ha? Oh my! I have a date?

            Matapos nun ay tumayo na si Kevin at Lee, pagkuwan ay nagpaalam sa Mama niya. Hinatid niya sa labas ang mga ito.

            “Salamat sa paghatid ha. Ingat kayo.” Nauna nang sumakay si Lee. Nagulat pa siya ng hindi agad sumakay si Kevin. “Khate.” Mas ikinagulat niya ng hawakan siya nito sa mga kamay. “Thanks sa time ha. See you tomorrow.” Sinulyapan pa ulit siya nito at nginitian bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Nahuli niya ang kakaibang ngiti ni Lee at pagkatapos ay kinindatan siya. Napangiti naman siya sa kalokohan ng kaibigan.

            “Bye Pangz. Ingat sila sa iyo.” Pahabol niyang hirit dito.

Our Souls were Meant to BeWhere stories live. Discover now