KABANATA 55

206K 2K 66
                                    


Abigail's P.O.V.

Sa wakas, naka-graduate na rin ako. Hindi nga lang ako naka-attend ng graduation dahil naka-bed rest ako. Ikaw ba naman ang kakapirasong katulad ko't pagkatapos ay kambal pa ang nasa tiyan mo?

Susunod ko nang bubunuin ang Bar exams. Pero nakiusap sa akin si Jon na saka na lamang ako mag-umpisang mag-review pagkapanganak ko--para na rin daw makapahinga naman muna ang aking isipan.

Yes! Kaunting hinga na lamang ay matutupad ko na ang pangarap kong mapantayan ang titulo ni Darna bilang tagapagtanggol ng mga naapi. Ewan ko ba, ito kasi talaga ang gusto ko, kahit mahirap, kahit masalimuot at kahit wala akong sidekick na ang pangalan ay Ding, ito lang ang nakikita kong purpose ko sa mundo.

Mabuti na lang talaga't very supportive si Jon--siya pa nga ang madalas tumulong sa akin sa aking pag-aaral. Nakakainggit nga lamang ang taong 'yun. Masyado kasi itong matalino. Ang kagandahan naman doo'y, may constant na napagtatanungan ako, lalo pa't magkaparehas din ang napili naming propesiyon.

Ang bilis ng panahon. Parang hindi ko namalayan na ika-third trimester ko na. Ito palang mga huling buwa'y 'yung tinatawag na nesting stage ng mga nagbubuntis. 'Yung stage na, parang lahat ng bagay sa aking lungga'y inaayos at inihahanda ko na para sa aking mga darating supling. Feeling ko nga'y naging Obsessive Compulsive na ako, lalo na nitong mga huling buwan ng pagbubuntis ko sa kambal.

"What are you doing?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jon. Nadatnan kasi niya akong nag-aayos ng mga lumang abubot ko, tulad ng mga lumang diaries, mga sulat at photo albums.

"Inaayos ko lang 'tong mga naka-box ko pang mga gamit na ipinadala mo rito mula sa aking dating apartment." Tuloy-tuloy lang ako sa paghahalwat.

"Bakit hindi mo na lang iutos sa mga katulong? Mapapagod ka niyan eh. Baka makasama pa sa iyo't sa mga baby natin 'yang ginagawa mo." Tumabi na ito sa akin para tulungan akong mag-sort.

"Jon, mga gamit ko ang mga 'to na may sentimental value sa 'kin. Gusto kong ako ang mag-aayos ng mga ito. Mamaya niyan, mabasa pa nila ang mga diaries ko." Nagbuklat ako ng isa sa aking mga diary.

Nanghaba ang leeg ni Jon sa pagsilip kung anong nakalagay sa aking diary, "Nakasulat ba 'ko sa mga diary na 'yan?" Ngumisi ito.

"Mga diary ko pa 'to no'ng teenager pa ako, kaya syempre, hindi."

Ngumuso ito.

"Tapos ka na ba do'n sa mga papeles na inaayos mo kanina? Ok lang naman kasi ako rito Jon. Hindi naman mabigat ang pag-aayos ko rito. Hindi naman ako nagbubuhat ng mabibigat."

"Tapos na, kaya tutulungan na kita rito." Inabot niya ang isa sa mga lumang photo albums ko't binuklat 'yon.

Abala pa ako sa pagkakalkal ng iba ko pang mga lumang abubot nang nasulyapan kong tila nakatulala si Jon sa isa sa mga litratong nakita niya sa photo album ko.

"Hoy!" Ipinitik ko ang daliri ko sa may tenga niya, "Bakit ka nakatulala diyan? Ano ba 'yang tinitingnan mo?"

Hindi siya nakapagsalita kaagad, dahan-dahan itong tumingin sa aki't pagkatapos ay ibinaling muli ang tingin sa kung ano mang litrato ang tinitingnan niya.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon