KABANATA 1

334K 3.6K 138
                                    

Abigail's P.O.V.

Punyemas namang buhay 'to! Kung kailan ka nagmamadali, saka naman ako walang masakyan. Nampucha! Kailan kaya ako lulubayan ng kamalasan?

Shit na malagkit. Siguradong huli na naman ako sa klase ko. Panggabi na nga ako, late pa rin ako. Tiyak sasabihan na naman ako ng pang-asar na professor ko na masyado na naman akong napaagang pumasok... para bukas.

Nakakainis! Kung bakit ba naman kasi ipinanganak akong mahirap, na kailangan pang kumayod sa araw para makapag-aral sa gabi?

"Do you need a ride?"

"Ay puke ni Maria! Ehek!"

Grabe naman 'tong protégé ng boss ko. Biglang-bigla na lamang sumusulpot. Ayan tuloy, nawala na naman ang poise ko. Hmp! Ang ganda-ganda ko pa naman ngayon. Isa ako sa mga Legal Assistant sa Law Firm ng bigating si Attorney Vincent Santiago. Actually, college graduate na talaga ako, pero heto, kasalukuyan pa rin akong nagsusumikap upang makapagtapos sa pag-aabogasya.

Gusto kong maging tagapagtanggol ng mga naapi, pero dahil hindi ako si Darna--na may nilulunok na puting bato't panyolito sa pundiyo'y mag-aabogado na lamang ako. A Criminal Lawyer to be very specific.

"Ay huwag na po Attorney Romero. Malayo pa po rito ang school ko. Nakakahiya naman sa inyo."

"Huwag ka nang mahiya, do'n din naman ang daan ko."

In fairness, gusto ko talagang sumakay sa kanya (Ehek! Sa BMW pala niya). Para naman kunwari'y rich girl akong darating sa school, at may driver pa na ganito kaguwapo. Ayyy, charot! Ang landot ko lang talaga (Laugh trip).

Paano ba naman kasi, ang guwapo-guwapo talaga niya. Ang tangkad. Malaki ang paa! Siguro malaki rin ang 'ano' niya. Ganun daw kasi 'yun eh. Pero seriously... gano'n nga kaya 'yun?

Eek! Ano bang kalaswaan 'tong naiisip ko? Ito naman kasing si Attorney Romero, masyadong hot. Isa siyang batang abogado. He's only twenty-seven years old, twenty-three naman ako. Hindi na malayo, 'di ba? At least parehas pa rin kaming nasa twenties. Hay, nanaginip na naman yata ako ng gising.

"Ano ba?! Sasakay ka ba o hindi?"

Ay, biglang suplado na?! Ang bilis namang magbago ng mood niya.

"H-ha?! O-oo s-sige po Attorney, sasakay na po."

Shet, bakit ba nanlalambot ang mga tuhod ko? As if naman may gagawin pa kaming iba, eh sasakay lang naman ako sa kotse niya.

"Jonathan na lang or Jon. Masyado ka namang pormal, wala na naman tayo sa opisina ah."

Weh? Biglang pa-cute naman siya ngayon. May pa-smile-smile pa siya habang lumalabas ang kanyang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi. Ang bilis mag-transition ng mood niya, parang flashcards lang.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Aniya.

"Abigail po. Abby na lang po for short. Abigail Santos po for long. Abigail Mercado Santos naman po for very long."

Nanay ko. Ano ba naman 'yung pinagsasabi ko? Pa'no ba naman kasi, nakatataranta talaga 'yung presence niya. Nahihiya akong tumingin sa kanyang mukha. Nakakasilaw kasi ang kaniyang kaguwapuhan

May sasabihin pa sana siya nang nag-ring ang cellphone niya. Nasilip kong nagpa-flash sa screen ang pangalang Rebecca--may background na picture ito ng isang napakaganda't mukhang susyal na babae. May pinindot siyang gadget sa kanyang kanang tenga--a bluetooth headset.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Hi, honey."

Honey? Oh shet, girlfriend niya? Ewan ko ba. Alam ko namang langit at lupa ang pagitan namin, pero parang na-hurt ako do'n. Parang nabigo lang--all of the sudden, ang aking ambisyosang puso.

"O sige, I'll be there." Wika niya sa kausap, "Sige, magkita na lang tayo. I love you. Ok bye."

Naku, by the sound of it, mukhang ma-e-eject pa yata ako rito.

"Uhm. Abby, ok lang ba na do'n na lang kita ihahatid sa sakayan ng bus papunta sa school mo? Kailangan ko kasing daanan ang girlfriend ko eh."

Shet. Sinasabi ko na nga ba. Ma-e-eject na naman ang beauty ko.

"Naku, oo naman. Walang kaso 'yun."

Like I have a choice? Parati namang ganito ang drama ng buhay ko. I am never a priority of anybody. Kaya nga natutuna't nakasanayan ko na ang maging independent sa murang edad. Wala naman kasing tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang. Ulila na kasi ako.

Hindi lang halata dahil positibo't masayahing tao ako. But, the truth is, my life sucks, and it sucks to be me.

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon