KABANATA 42

197K 1.9K 190
                                    

Jonathan's P.O.V.

Bago ko nakilala si Abby. Wala akong pakialam sa mundo. Wala akong sinasanto. Wala akong kinakatakutan. Nang makilala ko siya, gano'n pa rin naman, isa lang ang nagbago... sa kauna-unahang pagkakatao'y nag-aalala ako. Nag-aalala akong hindi ko na muling makikita pa ang mahal kong si Abby.

"N-nasaan ako?!" Tanong ng nakagapos na si Carlos. Iginapos ko ang magkabilang kamay, baywang at mga paa niya habang nakaupo ito sa silya.

"Sa'n sa tingin mo?" Ipinakita ko na ang mukha ko sa pamamagitan ng pagtapat ko nitoo sa nag-iisang lampara sa madilim na bodegang 'yon.

"J-Jonathan?" Gulat na gulat siya. Bagay na bagay sa kaniya ang mga pasa't sugat na iniukit ko sa pagmumukha niya bago ko pa siya dinala rito.

Alam kong gulo-gulo na ang buhok ko, wala rin akong damit pang-itaas. Butas-butas din ang jeans na suot ko.

"Nasa'n si Abby?" Tila baliw na nakabungisngis kong pambungad na tanong sa kanya.

Nairita ako nang bumungisngis din itong tila isa ring siraulo. Dahil doo'y hinawakan ko ito sa leeg gamit ang aking kaliwang kamay, sabay tutok ng hawak ko sa kanang kuwarenta'y singko sa loob ng kanyang bibig.

"Hindi mo ako kilala Carlos. Kapag hindi ka nagsalita, babasagin ko ang lahat ng mga ngipin mo." Bumitaw ako sa kanya't lumayo nang bahagya. Nakatayo ako sa kanyang harapan.

Akala yata ng gago'y nagbibiro ako. Bumungisngis kasi itong muli 't pagkatapos ay tila siraulong lasing na humalakhak.

Mainit ang ulo ko't salat sa pasensiya, kaya't walang pakundangan kong binasag ang lahat ng kanyang mga ngipin sa harapan--sa pamamagitan ng handle ng baril na dala-dala ko. Agad na umalingaw-ngaw sa loob ng bodega ang kanyang paghiyaw sa sobrang sakit. Dumugo na ang kanyang bunganga. Habang nagtalsikan kung saan-saan ang kanyang mga dugo't basag--at nabunot, na ngipin sa kaniyang.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Akala yata ng taong ito'y tinatakot ko lang siya. Sorry na lang siya. Kung siraulo siya, siraulo din ako. At masamang binabangga't ginagalit ang siraulong katulad ko.

"H-hayup ka Romero! Putang ina mo! Baliw ka!" Tunog bungal na ang kanyang pagsasalita. Paanong hindi? Eh talaga namang bungal na siya.

Ako naman ang humalakhak ngayo't pagkatapos ay tiningnan siya nang matalim.

"Uulitin ko ang tanong ko, Carlos. Nasaan si Abby?! Kapag hindi mo sinabi," Kinuha ko ang pruning scissors na nakasaksak sa aking bulsa sa likuran; ipinakita ko ito sa kanya, "Puputulin ko ang isa sa mga daliri mo."

Nanlaki ang kanyang mga mata. Umasa ako na sana'y batid na niya na hindi ako nagbibiro... I was wrong.

"Ahhhhhhhh! Ahhhhhhh! Ahhhhhhh! Putang ina mo Romero, hayup ka! Ahhhhhhh!" Hiyaw niya nang pinutol ko nang tila isang sanga lamang ng halaman ang kanyang kaliwang hintuturo--gamit ang pruning scissors. Nakita niya kung pa'no ko pinutol 'yun dahil nakagapos ang magkabila niyang braso't kamay sa magkabilang armrest ng silya.

"Putang ina mo rin, Buenaventura! Kung may ginawa ka man kay Abby... sisiguraduhin kong magmamakaawa kang patayin na lang kita, pero hindi ko 'yon ibibigay agad. Dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan mo munang ipinanganak ka pa ng ina mo!" Kalmado lang ang pagsasalita ko.

Dinampot ko ang nalaglag niyang daliri't inilapit ito sa kaniyang mukha. Nag-uumpisa nang manginig ang kaniyang buong katawan.

"Baliw ka Romero! Demonyo ka! Hayup!"

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon