KABANATA 34

203K 2K 149
                                    

Jonathan's P.O.V.

"Ella, walang iwanan ha?"

"Oo naman."

"I love you, Ella. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka."

"I love you too."

"Ella, ipakikilala kita kay Papa."

"Ha? A-ayoko ko nga."

"Bakit naman?"

"Basta. Hindi pa naman tayo ikakasal para gawin ang mga bagay na 'yun."

Bakit gano'n? Parang natatakot siyang matali sa akin?

***

"Normally ang mga babae ninenerbyos pero excited kapag ipinakikilala sila sa mga magulang ng nobyo nila. Para kasing assurance sa kanila 'yun. Pero kapag umaayaw, ibang usapan 'yun, ibig sabihin no'n, hindi siya sigurado sa 'yo."

Hindi ako nakinig kay Art. Sa halip na umaho'y nagpakulunod at nagpakabulag ako sa pagmamahal ko kay Ella. Nagtiwala ako sa pangako niyang hindi niya ako iiwanan. 'Yung salita lang niya ang pinanghawakan ko. Sa kanya umikot ang aking mundo. Kasama siya sa aking mga pangarap sa buhay. Kaya naman halos mabaliw ako nang basta na lamang niya akong iniwan sa ere. Ilang buwan akong naghintay ng kasagutan kung bakit niya ako iniwan ng walang pasabi, kaya naman halos mawasak ako nang malaman kong nagpakasal na pala siya sa iba.

Ang sakit. Bakit kasi hindi ko ginamit ang kokote ko? Why did I intentionally missed the signs. Ayaw niyang makilala si Papa dahil ayaw niyang matali sa 'kin? Bakit? Akala ko ba mahal niya ako?

Kung alam ko lang na iiwan din niya ako, hindi na sana ako nagpakalulong sa kanya. Dapat sinanay ko na muna ang aking sariling mawala siya sa buhay ko, para hindi naging ganito kahirap ang aking sitwasyon.

Putang ina!

Putang ina niya!

Hindi ko malaman ang gagawin ko. Ilang beses ko na ngang tinangkang magpakamatay. Gano'n kasakit ang ginawa niya sa 'kin. 'Yung uri ng sakit na mas gugustuhing ko pang mamatay na lang kaysa maramdamang muli.

Kapag nakabangon ako, hinding-hindi na talaga ako uulit. Mas magiging matalino na 'ko. Babasahin ko na ang mga senyales. Sisiguraduhin ko nang sa susunod na makita ko ang mga senyales na ito'y uunahan ko na siya kung sino man siya.

Isinusumpa kong wala nang babaeng makakapanakit sa 'kin... wala na.

***

Ang hirap.

Ang hirap lumayo kay Abby nang dahil lang sa takot ko na mangyaring muli ang nangyari sa'amin ni Ella dati. Ang hirap na hindi sagutin ang texts niya. Ang hirap na hindi sagutin ang mga tawag niya. Ang hirap umiwas na makita siya.

Pero kailangan...

Kailangan kong bawasan ang pagkahumaling ko sa kanya na sa wari ko ba'y triple ng pagkakalulong ko no'n kay Ella. Dahil do'n, kinailangan kong sagipin ang sarili ko habang maaga pa. Kailangan kong malaman kung kakayanin ko ba na mawala si Abby.

Para kasing nauulit na naman ang nangyari dati. Umaayaw din siyang ipakilala ko siya kay Papa. At ilang saglit pa lang matapos maging kami'y iniisip na kaagad niya ang aming paghihiwalay nang dahil sa aking topak at sumpong. Maaring para sa kanya, wala lang 'yun. Pero para sa akin. Big deal 'yun.

Isang buwan.

Susubukan kong mabuhay ng wala siya sa loob ng isang buwan. Hindi ko na kasi kayang ulitin ang nagyari dati. Dahil na rin sa alam ko, dito sa puso ko, na mas higit ang pagmamahal ko kay Abby ngayon, kumpara kay Ella no'n. Dahil doo'y mas malamang na ikamamatay ko na kung mauulit muli ang mga nangyari sa 'kin. Baka hindi na ako muling makabangon kung magkataon.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon