KABANATA 53

205K 1.9K 44
                                    


Jonathan's P.O.V.

"Pambihira naman kayo mga Pare," Reklamo ni Bernard sa apat na wirdo, "Hindi naman 'yung paglalagay niyo ng mga pangontra sa mga sinasabi niyong Aswang ang inirereklamo ko, kundi 'yung, bakit niyo naman tinakot si Maggie ng gano'n? Hindi tuloy siya makatulog at laging paranoid na baka raw may nagbabantay at nagmamasid sa kanyang impakto."

Nagtitinginan ang apat na para bang meron silang gustong sabihin na hindi nila masabi-sabi.

"Pasensya na Bernard," Mukhang si Luke na naman ang napili nila ngayong spokesperson. "Hindi naman namin intentiong takutin si Maggie. Pre-caution lang kasi..." Tumingin ito sa tatlo na nakatingin din lahat sa kanya. May iningunguso ang mga ito sa kanya, "Ah basta, mabuti na ang nag-iingat." Muling pagbaling nito kay Bernard, "Ang mali nga lang siguro nami'y ipinaalam namin kay Maggie 'yung ginagawa namin. Paano naman kasi, mas malaki na ang bahay niyo ngayon, mas naraming sulok na kailangang..." Muli itong tumingin sa tatlo. Nasulyapan ko naman si Benj na iginagalaw ang index finger niya sa leeg niya na tila sinasabi nito kay Luke na 'Cut it off', "Ahm... actually Bernard, ginawa rin namin ito sa panganay mo no'n ang kaso nasa condo lang kayo kaya mas madali naming nalagyan nang hindi niyo alam. Sorry pare. Nag-iingat lang."

Napapikit si Bernard. Umiiling-iling bago ito tumingin sa akin. Cue ko na yata 'yun para magsalita.

"Bakit ba paniwalang-paniwala kayo sa ganyan? Kulehiyo pa tayo'y parang ginisa na ang apartment natin dahil sa mga kung ano-anong ibinubudbod ninyo sa mga pinto at bintana?" Tanong ko sa apat.

Nagkatinginan silang apat at wari'y nakikiramdam sa isa't isa kung sino ang gustong sumagot sa aking tanong.

"Naniniwala kami kasi totoo." Si Benj ang nag lakas loob. "Alam naming hindi kayo naniniwala, pero hindi naman kayo ililigtas ng hindi niyo paniniwala. Ang mga Aswang ay hindi parang mangkukulam na nawawalan ng kapangyarihan sa hindi niyo paniniwala. Umaatake ang Aswang, maniwala man kayo sa kanila o hindi."

"Katulad na lang ngayon," Pagsingit ni Luke, nakatingin ito sa kesame, "May nagmamasid sa atin. Hindi kasi namin nalagyan ng proteksyon ang itaas dahil ayaw ni Maggie." Nandito kasi kami sa bagong bahay ni Bernard. "Mabuti nga hindi tumutol si Abby," Tumingin ito sa akin, "Na lagyan namin ang bawat sulok ng bahay niyo, Jon. Pero dito..." Muli itong tumingin sa itaas, "Dito may butas na pwede silang makalusot."

Napatingin si Bernard sa akin, napakibit-balikat lang ako. Ano ba ang magagawa ko, kung mas accommodating at relax lang ang Misis ko? Kahit hindi naniniwala'y hinayaan lang niya ang kalokohan ng mga wirdong ito't pinakain pa ng tanghalian. Saan pa kayo?

Sasagot pa sana si Bernard nang may narinig kaming kalabog sa bubungan. Nagkatinginan lang kami saglit at saka nauna nang tumakbo si Bernard paakyat ng second floor ng bahay nila; sumunod naman kaming lima.

Sumalubong naman si Maggie sa amin na buhat-buhat ang kanilang panganay na si Andre. Nanginginig ito sa takot.

"Anong yun?" Tanong ni Bernard.

"M-may nakita akong maitim na lalaki na naka-upo do'n sa may balkunahe. Pero madilim na kaya't hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Tumalon siya sa bubungan sa itaas." Umiiyak na ito.

Muli kaming nagkatinginan ni Bernard at magkasabay na nilingon ang apat--na sabay-sabay namang nagkibit-balikat.

"Just go ahead mga Pare. Ilagay niyo na kung ano ang gusto niyong ilagay." Sabi ni Bernard sa apat; sumusulyap-sulyap ito sa akin.

I can't believe that after all these years ng kawirduhan ng apat na 'to, we will end up biting to their mythical beliefs.

"Sasakyan ko na lang..."Bulong ni Bernard sa 'kin habang pinanonood 'yung apat sa pagbubudbod ng kung ano-ano sa mga gilid-gilid. "I'm still not convinced. Maggie might just have imagined that because of the paranoia these guys put her into. Baka magnanakaw lang."

"Magpalagay ka kaya ng alarm systems and security cameras," Suggestion ko, "Sabihin na nating hindi Aswang 'yun, na baka magnanakaw lang 'yun, you still have to protect your family either way. 'Yan, si Tristan o, 'yun ang negosyo niya, bakit hindi mo kontratahin. Siya ang naglagay do'n sa bahay ko last year eh."

"Mabuti pa nga siguro."

Umuwi na rin ako agad at medyo nga madilim na. Though kampante naman ako sa bahay dahil maraming nagbabantay kay Abby, iba pa rin kung ako ang naroro'n.

"Anong napag-usapan niyo? Nagalit ba si Bernard?" Tanong ni Abby habang naghahanda kami para matulog.

"Hindi naman. Cynical lang siya tulad ko." Sumampa na ako sa kama't tinabihan ang mahal kong asawa.

"It's the thought and the pure intentions that counts Jon. Kahit hindi tayo naniniwala, wala namang masama na i-appreciate natin ang ginagawa ng mga kaibigan natin para sa 'tin. Concerned lang naman sila kaya sila nag-aabala eh."

"Buti hindi ka natakot. Si Maggie raw kasi nagpapanic na."

"Sa dami ba naman na real-life horror na nangyari sa buhay ko, matatakot pa ba naman ako sa mga ganyan? Mababait naman 'yung mga kabarkada mo eh, wierd lang talaga. They, or whatever they say, don't scare me at all."

Naks. Ang bait talaga ng Misis ko. At grabe, kahit malaki na ang tiyan niya, ang ganda pa rin niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanga.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Hoy Jon, baka matunaw na ako niyan!" Niyugyog niya ako. "Kaya ka ba nakatitig ay gusto mo?"

Napakunot-noo ako.

"Gusto ko ng alin?"

"Hay naku Jon, guwapo ka na kaya huwag ka nang magpa-cute. Maglilimang buwan pa lang naman ang tiyan ko't hindi naman ipinagbawal ng duktor ang sex kaya huwag ka ng magtiis diyan." Tatawa-tawa niyang... ewan ko ba kung biro ba 'yun o kung seryoso siya. Pero nakuha ko rin naman ang ibig niyang sabihin.

Susugod na sana ako nang biglang pumasok naman sa isipan ko 'yung nangyari no'n kay Bernard at kay Maggie. They did "it" no'ng buntis pa si Maggie sa panganay nila, but Bernard end up stuck while Maggie was on labor. Pinagtawanan ko pa naman siya no'n, natatakot tuloy ako ngayon na baka ma-karma ako.

"Ahm, ano kasi Abby... wag na lang muna. Makapaghihintay naman ako."

Really, Jon?!

"You mean you can wait five more months plus six to eight weeks after I give birth?"

Ulk. Ganun katagal?

"A... eh.." Napakamot ako.

"That's perfectly fine with me, Jon. Ikaw lang naman ang inaalala ko eh. Good night!" Humiga't tumagilid ito nang patalikod sa akin.

Ops, mukhang na offend ko yata ang misis ko ah. Hindi man lamang kasi ito humalik.

"Mahal?" Bulong ko mula sa kaniyang likuran. Hinaplos ko ang kaniyang baby bump.

Hindi siya kumikibo. Naku, mukhang nagtampo nga.

"Mahal naman, huwag ka nang magtampo," Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. "Nag-aalala lang naman kasi ako na makarma ako. Tinawanan ko kasi si Bernard no'n nung na stuck siya sa ano ni Maggie habang nag-aano sila while she was pregnant."

Hindi pa rin ito kumikibo. Argh! Anong gagawin ko?

Ah... alam ko na!

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon