KABANATA 44

207K 1.8K 110
                                    

Jonathan's P.O.V.

Straight from her mouth...

I was never hers, and never will be.

Really?

Gusto ko sanang magreklamo sa sinabi niya pero nanahimik na lang ako. Isinara ko na lamang ang bibig ko. Hindi ito dahil sa sumasang-ayon ako, kundi, dahil sa hindi ko naman kasi siya masisisi.

Sa una pa lang, wala na akong ginawa kundi iparamdam sa kanya na katawan lamang niya ang habol ko sa kanya.

Na isa lamang siya sa mga babae ko kaya't kayang-kaya ko siyang palitan anytime.

Na hindi ko siya iginagalang dahil ipinahiya ko na siya no'n sa maraming tao.

Na wala akong respeto sa kaniyang pagkababae dahil sa pagpuwersa ko no'n sa kanya na makipagtalik sa akin.

Na wala akong pakialam sa nararamdaman niya nang nasaktan ko na rin siya sa aspetong pisikal.

Na wala siyang halaga sa akin kaya't basta ko na lamang siya iniwan sa ere.

It sum it all up. It was all my fault kung bakit gano'n ang nararamdaman niya.

She doesn't feel stable and secured with me dahil sa umpisa pa lang... siya lang ang consistent na nagmahal kumpara sa 'kin. Siya lamang ang nagbigay ng lahat ng kaya niyang ibigay, at lumunok sa lahat ng pait na kalakip ng aking pagkatao para lang makasama niya ako. Wala akong idinulot sa kanya kundi sakit ng ulo, pasakit, panganib at kunsumisyon.

Sabi ng ilan sa mga katropa ko... napatunayan ko na naman daw na mahal ko talaga siya no'ng iniligtas ko siya sa kamay ng mga Buenaventura. Ang sa akin lamang nama'y... Bakit? Kung hindi ba naman ako gagong basta na lamang siya pinabayaan, mapapahamak ba siya ng gano'n? I want to play hero... to be her knight-in-shining armor, but I can't--and I won't, because I am not. Dahil kung iisipin, hindi ko na naman kakailanganin pa siyang iligtas kung hindi ako nagpabaya. At hindi siya mapapasakamay ng mapanganib na si Carlos kung hindi ko siya iniwan.

Ako ang gago.

Ako ang walanghiya.

Ako ang pabaya.

Ako ang hindi marunong magmahal.

Sa una pa lamang, ako na ang may kasalanan kung bakit wala na siyang tiwala sa 'kin.

****

"Hindi na issue rito kung iiwan ka ba eventually ni Abby o hindi Jon," Ani Bernard, habang nag-uusap kaming tatlo--kasama si Art, sa munting gathering naming magkakaibigan sa bahay nina Art. Kasama namin ang aming mga asa-asawa't girlfriends. "Dahil mukha namang hindi ka iiwan ni Abby eh." Sumulyap siya kay Abby na kausap naman sina Maggie--ang asawa ni Bernard, at Laura--ang asawa ni Art, sa 'di kalayuan. "Ang issue rito'y kung pa'no mo mabibigyan ng kinang ang kaniyang mga mata kapag kasama ka."

Kinang sa mga mata? Ano 'yun, muta?

"Tingnan mo sila," Ani Art, habang itinuturo ang kinaroroonan nina Abby, Laura at Maggie. Mukhang napansin niya na hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ni Bernard, "Lahat sila nakangiti, 'di ba? Kahit si Abby, nakangiti rin. Kay daling sabihin na, uy! Nakangiti siya, ang saya-saya naman nya! Pero hindi gano'n 'yun eh, dahil minsan may mga taong nakangiti nga pero malungkot naman ang kanilang mga mata. Tingnan mo silang tatlo," Itinuro niyang muli ang kinaroroonan nina Abby, Maggie at Laura. "Subukan mong pagmasadan ang kanilang mga mata... do'n mo malalaman kung totoo ba ang kanilang mga ngiti."

Tumingin naman ako.

Oo nga 'no. Napansin ko nga na habang nakangiti sina Maggie at Laura'y nakangiti rin ang kanilang mga mata. Tila kumikinang pa nga ang mga 'yon kapag nagagawi ang kanilang mga mata kay Bernard at Art. Pero si Abby... bagama't nakangiti rin siya'y malulungkot naman ang kanyang mga mata. At kapag nagagawi pa ang tingin nito sa aki'y lalo pa itong lumalamlam na para bang, kulang na lamang ay bumukal ang kanyang mga luha.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon