KABANATA 21

243K 2.5K 181
                                    

Jonathan's P.O.V.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Daig ko pa ang siraulo. Simula ng malaman kong hindi naman pala niya boyfriend si Obet. Para akong nabunutan ng isang bultong tinik sa iba't ibang parte ng aking katawan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding guilt sa masamang pagtrato ko kay Abby ng dahil lang sa... selos.

Oo na, inaamin ko na. Nagselos nga ako. Hindi naman ako selosong tao, pero ewan ko ba kung bakit pagdating kay Abby ay nagseselos ako.

"Bakit sinabi mo kay kuya Obet na boyfriend kita?"

Katatapos lang namin ng pangalawang round. Parehas kaming nakatagilid, paharap sa isa't isa.

"Anong gusto mong sabihin ko sa kanya, sex-mate? O di kaya nama'y bed buddy?" Tatawa-tawa ako. "Mukha pa namang kunserbatibo ang pinsan mong 'yon, baka inatake 'yun sa puso, kung nagkataon"

"Puwede mo namang sabihin na kaibigan, dahil magkaibigan naman tayo 'di ba?"

"Bakit? Ayaw mo ba akong maging boyfriend?"

Hindi siya sumagot kaagad.

"Ayoko."

What?!

"Bakit naman?"

"Hindi tayo bagay." Aniya.

"Bakit mo naman nasabi 'yun?"

"Bukod sa bansot ako't matangkad ka. Eh mahirap ako't mayaman ka. Magkaiba ang mundo natin."

"Akala ko ba mahal mo 'ko?"

"Oo. Mahal kita Jon. Pero hanggang do'n lang 'yun. Ayokong makarelasyon ka nang higit pa sa ginagawa natin nang pasikreto. Mas maraming babaeng babagay sa 'yo, 'yung kapareho mo ng estado sa buhay. Kapag kasi ang isang katulad ko ang nakarelasyon mo, isa lang ang iisipin ng mga tao...na opurtunista ako. Gold digger. Na gusto lamang kita dahil sa pera mo. Hindi naman gano'n, dahil mahal kita Jon, mahal na mahal. Pero ayokong maging boyfriend ka kaya sana bawiin mo 'yung sinabi mo kay kuya Obet."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 201, All rights reserved.

Daig ko pa sinampal sa kanyang mga sinabi, dahil ako mismo'y hinusgahan siya ng gano'n no'n. Puwede pala 'yung, mahal daw niya ako pero ayaw niya sa akin? Ngayon pa naman na gustong-gusto ko na siya nang higit pa sa katawan niya... nang higit pa sa sex.

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na mahal na rin kita, Abby, at gusto kong maging tayo?"

Napahagikhik siya, bago muling lumamlam ang kanyang mga mata.

"Iba ang sinasabi sa totoong nararamdaman, Jon. Huwag mong linlangin ang sarili mo. Nag-e-enjoy ka pa kasi sa ginagawa natin kaya nalilito ka. Darating ang panahon, magsasawa ka rin sa 'kin at makakita ka pa nang hindi hamak na higit pa sa 'kin. 'Yung babagay talaga sa 'yo. 'Yung kaparehas mo ng estado sa buhay."

"A-abby naman..."

"Umuwi ka na Jon. Buong weekend na tayong magkasama. Gusto ko na muling mapag-isa."

"Pero Abby..."

"Please?"

Shit! Bakit tila nagugunaw na ang aking mundo sa pagtanggi niya sa akin? Naluluha ako habang nagmamaneho pauwi. Bakit kaya ang sakit? Bakit ang sakit-sakit?

***

"Hoy, Jon. Ok ka lang ba?"

"H-ha?"

"Kanina pa ako salita ng salita rito pero nakatulala ka naman diyan." Sabi ni Art, during our usual lunch time.

"S-sorry pare, may iniisip lang."

"May problema ka ba?"

Nagaalinlangan ako magsalita, pero ok lang siguro. Bestfriend ko naman ito't alam niya ang istorya namin ni Abby.

"Tinanggihan niya ako pare." Naluluha na naman ako. Ano ba 'to?

"Sa kama?"

"Hindi. Tumanggi siyang makipagrelasyon sa akin... na maging kami na talaga."

"Bakit daw?"

"Mahal daw niya ako pero ayaw niya akong nakarelasyon dahil magkaiba raw kami ng mundo't estado sa buhay. Ayaw niya sa 'kin dahil... mayaman ako."

"Anong isinagot mo?"

"Tangina pare wala akong nasabi. Natameme lang ako! Naalala ko kasi kung gaano ako ka-gagong inaayawa't minamaltrato siya no'n dahil sa pag-aakla kong katulad din lamang siya ng iba pang mga babae na mukhang pera. Shit pare! Alam mo ba kung ga'no ko na siya kagusto ngayon?" Hinahabol ko ang aking paghinga, "Putang ina pare, kahit kunin na niya lahat ang mga ari-arian ko, wala na akong pakialam pare, kahit kurakutin na niya ang lahat ng pera ko basta't gustuhin niya lang akong makasama..."

Bumuhos na ang luha ko. Wala na akong pakialam. Naaninag ko ang pagbubuntong-hininga ni Art.

"Anong plano mo?"

"Hindi ko alam ang gagawin ko pare. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon. Mahal ko na siya... mahal na mahal ko na siya. Hindi ko na kaya ang wala siya sa buhay ko."

"Alam kong ayaw mo sa unsolicited advices ko, pero kung gusto mo ng suggesti—"

"Tulungan mo ako pare. Anong suggestion mo?"

"Kung ayaw niyang umakyat para abutin ka. Ikaw na ang bumaba para kunin siya."

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon