KABANATA 28

214K 2.1K 38
                                    

Abigail's P.O.V.

Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin, pero bakit namimiss ko pa rin siya? Shit na puso 'to! Nakakapikon na talaga. Ang tanga-tanga! Lalo ko siyang namimiss kapag nakikita ko siyang matiyagang nagbabantay sa labas ng aking apartment buong magdamag, o di kaya nama'y sa Firm, o sa labas ng school. Mabut nga't nag-quit na ako sa bar nila ni sir Bernard, kaya kahit papaano'y nabawasan na ang mga lugar na madalas kaming magkita.

Kahit saan ako pumunta nando'n siya. At kapag nagtatama ang aming mga paningin, kitang-kita ko ang kalungkuta't pagsisisi sa kanyang mukha. May bahagi ng aking pagkatao na gustong patawarin na lang siya, pero may bahagi rin namang umaayaw na.

***

"Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ni Carlos kay Jon nang maging sa center ay pinuntahan ako nito. Hindi nagsalita si Jon, bagama't hindi rin naman siya umalis. Lalong napikon si Carlos dahil do'n. "Ang kapal din naman ng mukha mong umasa na patatawarin ka pa ni Abby! Umalis ka na rito bago pa kita masapak muli."

"Alis sabi eh!" Itinulak niya si Jon Napaatras si Jon, pero hindi pa rin niya ito mapaalis.

"Alis sabi eh!" Mas nilakasan na ni Carlos ang pagtulak kay Jon. Muling napaatras si Jon, pero hindi pa rin ito gumanti... hindi rin umalis.

"Napipikon na ako sa iyo ha!" Sinuntok na siya ni Carlos sa mukha, tumilapon si Jon. Dumugo na kaagad ang labi nito. Ayaw pa rin nitong umalis.

Ilang beses pa siyang sinuntok ni Carlos, napasubsob na ito, napatihaya, tumilapon, halos madurog na ang kanyang mukha, ngunit hindi siya gumanti, nakatingin lang ito sa akin habang nagpapabugbog ito kay Carlos.

Shit. Bakit ba niya ginagawa 'to? Ayoko na nga sa kanya eh. Pagod na ako. Pagod na ako sa kanya.

"Tama na Carlos!" Sigaw ko, nakahawak sa kanyang braso. Tila mas nasaktan pa si Jon sa paghawak ko kay Carlos kaysa sa nga sugat at bukol niya mukha. Ilang saglit pa'y sa wakas, dumating na rin sina kuya Obet at ang ilan pang mga kalalakihan mula sa depressed area. Inawat nila si Carlos.

"Umalis ka na Jon." Nakakunot-noong sabi ko sa bugbog saradong si Jon. Kalahati ng pagkatao ko'y tumatangis para sa kanya, pero ang kalahati nama'y humahalakhak, sukat na sabihin ko nang... 'mabuti nga sa iyo Jonathan Romero'. Kulang pa 'yan sa sakit at kahihiyang naranasan ko sa kamay mo.

"Wala ka nang aasahan sa akin, Jon. Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon."

Tumulo ang kanyang mga luha't tuluyan ng humagulhol. Lumuhod siya sa harapan ko't hinalikan ang mga paa ko. Nagbulungan naman ang mga taong nanonood sa amin.

Shit! Ano bang ginagawa niya?

"I'm so sorry Abby... I'm so sorry... Mas mabuti pang patayin mo na lang ako kaysa sabihin mong wala na..."

Natutukso akong itayo siya't yakapin, pero kailangan kong panindigan ang plano kong kalimutan siya. Mabigat man sa aking kalooba'y mas minabuti kong tumalikod, umalis at iwanan siya roong nakaluhod na parang gago.

Shit! Bakit ako naiiyak? Bakit ako nalulungkot na talikuran siya. Buwisit na puso 'to, tila ayaw na namang sumunod sa utak ko.

Umuwi na ako sa aking apartment para magmukmok. Naguguluhan talaga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit gaano kasakit ang ginawa niya sa aki'y mahal ko pa rin siya.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon