KABANATA 31

234K 2.2K 56
                                    

Abigail's P.O.V.

Halata ko na kaagad ang pagkairita sa mga mata ni Jon. Kahit nga ako'y nabubuwisit sa asal ng babaeng 'yon. At bakit hindi? Hinila na nga ako ni Jon papalabas sa parking lot pero sinundan pa rin kami nito para ipagpatuloy ang pang-aasar nito.

Hmmm. Mapag-tripan kaya.

Humahalakhak siya sa pinakahuling pang-iinis na sinabi niya kay Jon, nang hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at pinagmasdan ito na tila natatakam ako.

"Jon... honey!" Sabi ko habang pinagmamadan ko ang mga daliri ni Ella. "Nabitin ako sa dinner natin, pero alam mo?" I made sure that may facial expression is creepy enough "Gusto kong patunayan sa iyo na mas masarap talaga ang sariwang laman ng tao," Sumulyap ako kay Jon. Mukhang nagulat ito sa akin (Laugh trip), "Tingnan mo ang mga daliri niya oh, ang hahaba, perfect appetizer! Eto na yung tinatawag na, ultimate finger food..." Kinagat ko ang aking ibabang labi. Nanlaki ang mga mata ni Ella, pilit binabawi ang kaniyang kamay sa akin, pero hindi ko ito binitiwan. Mas hinigpitan ko ang paghawak dito hanggang sa mag-upisa na silang mag-panic, "Jon... Mahal." Iniangkla ko ang isang kamay ko sa kaniyang braso, "Mukha namang gusto niyang sumama sa 'tin, kaya... isama na natin, maluwag pa naman ang freezer sa basement natin eh."

"Let go of me, you psycho bitch!" Nanginginig na sigaw sa akin ni Ella, bago niya buong puwersang binawi ang kaniyang kamay at nagmadaling mag-walk out.

Tumingala ako kay Jon. Namumula na ang mukha nito sa pagpipigil ng pagtawa.

"Ok ba?" Kinindatan ko siya. Humagalpak siya ng tawa; hawak-hawak nito ang kaniyang tiyan.

"Seriously, Jon, gutom pa 'ko," Tumatawa rin ako, "Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko?" Nginisian ko siya... sa agad namang nasundan ng unti-unting paghupa ng kaniyang pagtawa.

"Sakay na Abby, bilis!" Tila natataranta ito habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kaniyang kotse. Nagmamadali rin siyang umikot sa driver's side at halos hindi magkanda-ugaga sa pagsusuot ng susi sa kotseng ikinahulog pa nito ng ilang beses sa kaniyang pagmamadali. Napatawa ako. Hindi naman siya masiyadong atat sa 'kin di ba?

"Saan tayo pupunta, Jon? Hindi 'to ang daan papunta sa apartment ko ah."

Ilang sasakyan ang inovertake niya bago kami nakarating sa... hotel?

"Ito yung hotel na pinagdalahan mo sa akin no'ng first date natin ah." Habang papalapit kami sa reception area.

Hindi siya nagsasalita, sinabihan lang niya ang receptionist na he wants to get a presidential suite, and to send somebody to bring us wine and food.

"J-Jon!"

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nami'y sinunggaban na niya ako't pinaghahalikan.

Gigil much?

We are in a middle of making out nang biglang may nag-buzz, mukhang dumating na yung wine at mga pagkain. I was right. May dalawang hotel crew na pumasok at nag-set ng table kung saan nila inilapag ang mga inorder ni Jon.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Ang dami niyang inorder... hindi naman kami baboy ah.

"Here..." Binigyan ni Jon ang dalawang crew ng tig....iisang libo.

Tip? Ganun siya kalaki mag-tip? Dang!

"Paborito mo ba ang hotel na 'to, Jon?" Habang kumakain kami.

Sumulyap muna ito sa aki't saka ngumiti.

"You can say that. Ika nga di ba? Love your own."

Nanlaki ang mga mata ko. Did he meant to say...he own this hotel?

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon