KABANATA 46

206K 1.9K 116
                                    

Abigail's P.O.V.

"Mahal na mahal ka ni Jonathan, Abby." Bulong ni Laura sa akin kagabi. Si Laura ang maybahay ng bestfriend ni Jon na si Arthur. Pilit kong itinanim sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi niya sa akin para mas maintindihan ko ang kaguluhang nangyari sa amin ni Jon. "Medyo may pitik lang 'yun pero mabait naman. Nasabi ni Art sa akin kung bakit niya nagawang iwanan ka. Natakot daw kasi si Jon na iiwanan mo rin siya katulad ng pang-iiwan sa kanya no'n ni Ella. Alam mo bang ilang beses siyang nag-attempt mag-suicide noong iniwan siya ni Ella?"

Napanganga ako. Umiling nang marahan.

"Sabi ni Art. Inamin daw sa kaniya ni Jon na triple ang pagmamahal niya sa 'yo kumpara kay Ella, Abby. 'Yun ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng takot na kapag iniwanan mo rin siya nang hindi siya handa'y baka matuluyan na siya. Hindi niya alam kung tama, pero 'yun ang dahilan kung bakit sinubukan niyang dumistansya sa 'yo at bumalik sa dating gawi. Alam mo na, 'yung... pambababae. Para raw maibaling niya sa iba ang atensyon niya't mabawasan ang pagkahumaling niya sa 'yo. Gano'n naman ang Jonathan na nakilala mo no'n di ba? Daig pa ang buffet, available para sa lahat ng mga babaeng gustong tumikim sa kanya. Takot kasi 'yung ma-inlove muli."

Napasulyap ako kay Jon na nahuli ko namang nakatitig sa akin sa 'di kalayuan. Kausap niya si Arthur at si Bernard.

"No'ng nawala ka't hindi niya alam kung saan ka dinala ng mga Buenaventura, halos mabaliw siya. Galit na galit siya sa sarili niya, iyak ng iyak. Hindi makakain. Hindi nakatulog. Hindi namin alam kung paano ka niya nahanap pero hindi siya huminto hangga't hindi ka niya nakikita. Hindi siya perpekto. Hindi rin ideal. Madalas, palpak ang nga decisions niya pagdating sa love, pero mahal na mahal ka niya, Abby. Kung ako sa iyo, hindi na ako mag-aalinlangan pa. Sa 'yo lang nagkaganyan 'yan. Sabi ni Art, handa na rin daw si Jon na ayusin ang sarili niya para sa 'yo. Kaya sana, bigyan mo siya ng pagkakataong mas maging mabuting lalake para sa 'yo." Napaka-soft spoken ni Laura at napakaganda.

"Busugin mo sa sex para mas bumait!" Humahalakhak na pagsingit ni Maggie, ang misis naman ni Bernard. Maganda rin niya. Matangkad at mestisahin.

"That too..." Natatawa namang sagot ni Laura.

May kapilyahan din pala sila. Which is kind of cool.

"Kapag nahahalata mong nagpipigil." Dagdag ni Maggie, "Huwag mo nang pahirapan, ibigay mo na kaagad ang hilig. You'll see, parating maganda ang mood at hindi na nakakaisip mangaliwa." Nakakatawa talaga si Maggie, napaka-pilya.

"Ano ba 'yan Maggie, puro naman sex ang nasa isip mo!" Sabi ni Laura sa kanya.

"Ito naman!" Sabay palo niya sa balikat ni Laura, "Kunwari ka pa, mahilig ka rin naman." Nagtawanan kami.

"Basta kapag may hiniling sa iyo si Jon." Si Maggie ulit, "At sa tingin mo'y hindi naman masama't para rin naman sa ikabubuti ng relasyon niyong dalawa, huwag ka nang magpakipot. Ibigay mo na para wala nang arguments. Mas masarap yatang mag-orgasm kesa mag-away 'no!"

Pinalo siya ni Laura sa braso.

"Tumigil ka nga Maggie! Puro kalaswaan ang itinuturo mo kay Abby eh!"

"Hmp." Pagnguso ni Maggie kay Laura, "Sorry po Mother Superior. If I know, wet ka na ngayon sa pag-imagine kay Art."

Sinamaan siya ng tingin ni Laura. Natawa na ako. Nakakatuwa si Maggie. She's really cool.

Kapwa naman sila may point. May tiwala ako sa mga advices nila, marahil ay dahil na rin sa nakikita kong magandang relasyon nila sa kani-kanilang mga asawa. Susubukan kong 'wag na muna masyadong pahirapan si Jon. Kung para naman sa kapakanan namin ang iniisip niya, susubukan kong hindi na siya kontrahin pa. At syempre sa sex... susubukan kong ako naman ang mga-initiate paminsan-minsan. Kung totoo man ang sinasabi ni Maggie na bumabait ang lalaking busog sa sex, hindi naman siguro masamang subukan ko kung gagana 'yun kay Jon. It is worth a try kung mababawasan naman ang kasungitan niya't... pambababae.

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon