KABANATA 3

284K 2.8K 184
                                    

Abigail's P.O.V.

Hay buhay ko, bakit ba napakasaklap mo? Kinapos na naman ako. Hindi ko pa man din nababayaran ang upa sa apartment ko'y halos ubos na ang kinita ko. Nahihiya na ako mag-advance sa opisina, kaka-advance ko lang kasi last month. Kinailangan kong kasing gawin 'yon, para mabayaran ko ang aking napakamahal na tuition fee.

Bente pesos. Ito na lang ang huling pera ko bago dumating ang suweldo namin bukas. Ang suweldo ko na hindi ko na makukuha nang buo dahil kakaltasin na nila do'n ang lahat ng advances ko.

"Anong meron sa bente pesos na 'yan?

"Ay titi ni Juan! Ehek!" Gamuntik ko nang mabitawan ang aking bente.

Napalingon ako't nakita ko ang nakangising si Jonathan. Sa paraan ng pagngisi niya, alam kong narinig niya ang mga kasasambit ko lang. Hay naku, nakakahiya naman. Kung bakit ba naman kasi walang preno 'tong sang-sang ng bibig ko kapag nagugulat ako. Baka sabihin tuloy ng guwapong 'to, laking kalye ako.

"Ah eh, kayo po pala Attorney. Ano po 'yun?" Kunwari'y busy ako sa pag-aayos ng mga papeles sa aking lamesa.

"Ang sabi ko, anong meron sa bente pesos na iya't titig na titig ka riyan?"

Nakakahiya. Nadiskubre na nga niyang bibig kalye ako kapag nagugulat, tapos ngayon, malalaman pa niya kung gaano ako kadukha?

"Huling bente ko po bago sumuweldo bukas." Kakamot-kamot ako, "Nagpapaalam lang po ako kasi gagastusin ko na ito para sa pamasahe ko mamaya."

Ngiii. Bakit ko ba sinabi 'yun? Baka sabihin niya wirdo ako.

Bumungisngis siya nang pagkalaki-laki. Lumabas na naman tuloy 'yung mga dimples niya. Ang guwapo talaga niya (Gigil to death). Shet lang talaga ang arrive niya. Mas shet na shet, dahil nakatingin siya sa 'kin ngayon.

"Kung budget mo 'yan sa pamasahe. Nasa'n ang budget mo for lunch? Magla-lunch time na oh." Tumingin muna siya sa kanyang wrist watch, bago muling tumingin sa akin. "May baon ka ba?"

Wala. Wala akong baon. Wala rin akong pera. Therefore wala akong lunch (Iyak mode). Sanay na naman kasi akong hindi nagla-lunch kapag sobrang kapos ako, tulad ngayon.

Napailing ako't yumuko. Kunwari'y may inaasikasong papeles.

"Marami pa po akong aasikasuhin eh. Busog pa naman po ako."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Nakakahiya. Abogado 'to. Matalino. Marunong bumasa ng tao't sitwasyon. Alam ko, malakas ang pakiramdam kong alam na niya na wala talaga akong pang-lunch.

"Sabayan mo akong mag-lunch. My treat." Aniya.

"N-Naku Attorney. Wag na po." Pinanindigan ko na ang aking kasinungalingan, "Marami pa po talaga akong gagawin."

"I don't take no for an answer."

Nakapamulsa siya. Ang hot talaga niya sa suit niya. Palibhasa matangkad siya't maganda ang pangangatawan kaya't 'kering-keri' niya. Sinamahan pa ng napakaguwapo niyang mukha, malalalim na mga dimples sa magkabilang pisngi, clean-cut na na medyo wavy na buhok, at makinis na morenong balat. Winning look talaga, pang-modelo. Artistahin.

He snapped his fingers right in front of my nose.

"Abby?!" Nakakunot-noo siya.

Shucks! Nakatulala pala ako sa kanya. Ano ba 'yan? Nakakahiya na talaga ako. Nakaka-hypnotize naman kasi ang kaguwapuhan niya.

"Ano?! Halika na!"

Naku, mukhang naiirita na naman siya. 'Yan na naman ang mega-transitions ng moods niya. Sige na nga. Tumayo na ako, isinilid ang huli kong bente sa aking bulsa't saka lumapit sa kanya.

No'n ko na mas higit na napagtanto kung gaano ako kapandak lalo na't naka-flats pa 'ko ngayon. I only stand 5'1" and a half. Huwag kalimutan ang 'and a half' dahil dagdag tangkad din 'yun 'no.

"Anong height mo?" Ako na 'tong pandak, ako pa ang may kapal ng mukhang magtanong? Nandito na kami sa isang mamahaling restaurant na walking distance lang naman ang layo mula sa Firm.

"6'2", bakit?"

"Ang tangkad mo naman."

"Is that a bad thing?"

"Of course not. Naiinggit lang ako kasi ang bansot ko."

"I like petite women. Yours is just about the ideal size for me."

What? Binobola ba ako nito, o may topak lang talaga? Pa'no magiging ideal size ng isang higante, ang isang duwende?

"You are fun-sized. Just about perfect." Nakangisi siya habang dahan-dahan niyang isinusubo ang isang piraso ng broccoli na tila nang-aakit.

Natulala naman ako sa kanyang ginawa; napanganga. Habang nasusulyapan ko ang matatalim niyang pagtitig sa akin.

Shet. That seductive look made men feel really uncomfortable. Lalo pa't sinasabayan niya ito ng maka-angat pwet na paraan ng pagsubo ng pagkain gamit ang tinidor.

Ano ba 'to? Inaakit ba niya ako? Katanghaliang tapat!

[ITUTULOY]

The Broken Man [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon