Chapter 25: Revelations

5.8K 185 55
                                    

A/N: Another chapter for y'all. the title says it all. do i need to elaborate? hehe..

WARNING: Light drama ahead. Guard your heart and don't get carried away. choz.

Sige na. basa na. I won't prolong your agony. nu daw? haha

Chapter 25: Revelations

Bilisan niyo sabi diyan eh. Sa bahay niyo na ituloy paliligo niyo. Hoy Arthur huwag ka nang maligo. Papasok ka pa lang ng shower putek.” Napakamot na lang sa ulo ang tinawag. Kanina pa sinisigawan ni Light ang mga teammates niya para madaliin sa paglabas ng locker room. Nasa labas kasi sina Sky at naghihintay. “Ui Paeng tama na yan. Paporma pa eh. Tsk.

Tara na nga. Mukhang atat na si Captain masolo prinsesa niya eh. Haha...” Kantyaw nung tinawag na Paeng sabay karipas ng takbo. Sumunod din naman ang iba na nagtatawanan.

Aba’t mga lokong yun.” Iiling iling na sabi ni Light bago binalingan sina Sky at Rain. “Tara na pasok na kayo.

Hindi ka pa ba muna maliligo?” Tanong ni Sky nang mapansing naka-jersey pa rin siya.

Sasagot pa lang sana si Light nang unahan na siya ni Rain. “Nangangamoy ka na kasi kaya dapat ka nang maligo.

Nanlaki ang mata niya saka inamoy ang sarili. Nagkakamot sa ulong lumayo siya kina Sky at tinungo ang bag para kunin ang towel sabay diretso sa shower room. Agad siyang naligo kaya tanging lagaslas na lang ng tubig ang maririnig.

Pero tila hindi na makapaghintay si Sky kaya kahit hindi pa siya tapos sa paliligo ay nagtanong na ito. “Light anong nangyari kanina? Bakit muntikan ka nang makipag-away?

Hindi agad sumagot si Light. Akala pa naman niya makakalusot na siya dahil pinarusahan na siya nito kanina. “Ah eh tinawag niya kasi akong m-midget kaya naasar ako.” Nakangusong sabi niya kahit hindi naman nila siya nakikita.

Napatawa ng malakas si Rain. “Wahahahaha... midget. Ahahaha....

Hoy huwag ka ngang tatawa tawa diyan. Seryoso usapan eh.” Reklamo niya na lalong humaba ang nguso.

Haha nakakatawa kasi-

Light ano TALAGANG nangyari?” She asked again emphasizing the word.

Napabuntong hininga si Light at agad nang tinapos ang paliligo. Nagpunas siya saka nakatapis na lumabas ng shower. Dumiretso siya sa bag niya saka kumuha ulit ng isa pang towel pamunas ng buhok niya. Tumabi siya kina Sky na nakaupo sa mga bench dun pero agad siyang tinulak ni Rain.

Ui magbihis ka nga muna bago tumabi dito. Hindi ka na nahiya kay Sky. May brief ka man lang bang suot?” Nakakunot-noong sita nito.

OA mo naman. Meron naman. Saka sanay na sa amin si Sky ikaw lang itong maarte. Tsk.” Aniya habang patuloy na pinapatuyo ang buhok at umupo ulit ng maayos sa tabi ni Sky. Siniko siya nito na naghihintay pa din pala sa sagot niya. Sinampay niya sa leeg ang tuwalya saka sumandal sa pader. “N-nalaman ko kasi yung kahinaan niya kaya nagalit siya at pinagbintangan ka pang siyang nagsabi sa akin ng tungkol sakanila.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon