Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue

6.4K 138 39
                                    

 A/N: Here's the next chapter guys. 

And since valentines bukas eh about sa lovelife ang chapter na ito. Ang complicated lovelife ni bughaw. haha...

Enjoy reading.

Babala: Huwag magulat sa masasaksihang pag-uusap ng magkapatid na Jaimee at Rain. Ganyan ang normal nila. ^_^

VOTE and COMMENT as always.

CHAPTER 12 – Ang “Piyansi” ni Blue

Pagkapasok ng Section Fire sa cafeteria ay agad pinagkaguluhan si Rain ng mga babae. Kinukuhanan siya ng picture at hinahawakan. Binibigyan din siya ng mga ito ng pagkain at kung anu-ano pa. Natigil lang sila nang sawayin sila ni Grey. Pagkaupo nila sa table ay nagsalita si Rain.

Grabe talaga mga babae dito. Hmm… Hindi ko matandaang tumugtog tayo dito ah. Paano ako nakilala ng mga yun?” Bakas ang pagtatakang tanong niya.

Sabi ni Cloud, yung mga pinaggalingang school ng mga babae dito ay karamihan dun natugtugan na natin.” Paliwanag ni Sky sa gitna ng pagkain.

Tumango tango ito. “Ah kaya pala. Pero bakit kayong dalawa hindi pinagkakaguluhan?” Takang tanong ulit nito at isinubo sakanya ang chocolate na binigay ng mga babae kanina.

Ano namang tinutumbok mo Rain?” Tanong ng bagong dating na si Cloud sabay lapag ng tray ng pagkain niya. “Wag mo nga munang kainin yang mga chocolate na yan. Pati si Sky dinadamay mo. Kumain muna tayo ng lunch.” Saway pa niya dito nang mapansing kumakain sila ng chocolate.

Nagkibit balikat lang ito at ngumiti ng malapad. Binatukan tuloy niya ito at hindi napigilan ng mga babaeng magreact sa nakita. Nagkamot na lang ito ng ulo at nagpout.

Ang totoo niyan bunso ay hindi nila alam na miyembro kami ng banda natin dahil iba itsura namin. Ako, nakasuot ng girl’s uniform tapos si Cloud naman nakasuot ng salamin at hindi naka-wax ang buhok.”Sabi ni Sky na pinagpatuloy na ang kumain.

Ay oo nga noh? Akala ko kasi wala kayong fans. Hihi…” Said Rain with a mischievous grin.

Bakit pala hindi nakadisguise yang si Rain?” Usisa ni Buzz na hindi mapigilan ang pagsabat.

Gustong gusto niya kasi ng atensiyon. Nakikipagkompetensiya nga siya sa dami ng fans kina Light at Storm eh.”Paliwanag naman ni Sky saka bumaling kay Rain nang may maalala. “Ay oo nga pala Rain, kilala mo na ba silang lahat? Gusto mong ipakilala ko sila ngayon?

Hindi na kailangan Sky. Nakipagkilala na kami sakanya kanina habang nasa office ka.” Agad na sabi ni Sakuragi.

Ah ganun? Sayang naman.” Nanghihinayang na sabi ni Sky.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon