Chapter 2: Section Fire

7.2K 146 20
                                    

Dinedicate ko to sakanya kasi siya ang kauna-unahang nagcomment dito. hehe.. tnx tnx

Eto na ang Chapter 2. Enjoy reading. :)

Don't forget to VOTE AND COMMENT. Tnx :)

CHAPTER 2 – Section Fire

Maagang nakarating si Sky sa school. Gusto kasi niyang makasiguro na hindi siya magugulo ng mga schoolmate sakaling makilala siya, na mukhang imposible namang mangyari dahil mukha siyang babae ngayon dahil sa uniform niya, kaya naisipan niyang pumasok ng maaga.

Her classroom is in the Lecture Building at the left, which is for juniors and seniors, sa may dulo ng hallway sa third floor. Tumigil siya sa tapat nito at tinignan ang sign na nasa taas ng pinto kung saan nakalagay ang pangalan ng section. Pumasok siya dito pero wala pa siyang nadatnang tao kaya nagpunta na lang siya sa may likod at doon umupo. Nilibot niya ang paningin sa loob ng room at narealize niyang ibang iba ito sa mga naging classroom niya nung nasa public school pa siya. Halatadong mayayaman ang mga gumagamit dito. Maaliwalas at mukhang komportable. Tamang tama ang lamig na sapat para mahiya ang pawis na lumabas sa pores ng kahit sino. Napipinturahan ito ng pinakamapusyaw na shade ng gray na halos nagiging kulay puti na kapag tinamaan ng matinding liwanag na nanggagaling sa malalaking bintana. Tumagal ang paningin niya sa flame design ng mural sa pader na naghihiwalay sa classroom at hallway. Napakaganda ng pagkakagawa nito kaya kahit sino ay mapapatitig dito ng matagal. Nang makontento sa pagtitig sa painting ay iginala na niya ulit ang kanyang mata at nakita niya ang malaking touch screen sa harapan replacing the typical blackboard or white board. At the front-left was a red table, she assumed was for the teachers, with an apple laptop on top. Halos kulay red din ang lahat ng furnitures including desks and chairs pero pinagkibit-balikat na lang niya ito at baka color coding lang talaga per room. Napansin din niyang masyadong malaki ang room para sa 25 na upuang malamang ay sa ganung bilang lang din ng estudyante. Ang classroom niya kasi dati ay mas maliit pa dito pero mahigit 50 sila doon. Napailing na lang siya sa laki ng kaibahan.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa ring dumadating na classmate niya. Kaya dahil sa pagkainip ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakikinig sa kanyang i-pod.

Samantala, malapit na mag-time kaya napagpasyahan na ng Section Fire na pumasok na sa room nila. Pero hindi nila inaasahan ang madadatnan nila. May babaeng natutulog sa loob.

Wooaaahh…” Gulat na bulalas ni Lei pagkakita dito.

Anong ginagawa niyan dito? Tanong naman ni Jiro na tumingin sa mga kasama.

Iiling iling si Matt na nakatunghay sa nakadukdok na babae. “Hindi niya ata alam ang pinapasukan niya eh.” 

OI ANONG PROBLEMA NIYO? BAKIT KAYO NAKAHARANG SA PINTUAN?” Sita ni Grey sa mga ito nang mapansing hindi sila umaalis sa pintuan.

Ah Boss Grey huwag niyo muna papasukin si Prime, may babae kasi dito.” Mungkahi ni Arwin. The tallest among the gang.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon