Chapter 4: Deal or No Deal

7.4K 134 14
                                    

As promise, I dedicated this to her. Ayan sana happy ka. thanks sa pagbabasa. 

Eto na ang Chapter 4. Sorry kung matagal ang update. Mahaba kasi siya. hehe...

Enjoy reading. Don't forget to VOTE AND COMMENT. :)

CHAPTER 4 – Deal or No Deal

Kasalukuyang nag-uusap ang mga miyembro ng Sky Paradox, except Cloud na nasa seminar sa Baguio, sa kuwarto ni Sky. After school ay dito na sila nagtungo para tumambay.

Bakit kasi hindi ka pa lumipat ng School? Doon ka na lang sa amin. Suggestion ni Thunder. For the past few months ay naging tahimik siya dahil na rin siguro sa isang trahedyang pinagdaanan. Lagi pa rin naman siyang sumasama sa grupo pero kadalasan ay nasa sulok lang siya. At bagama’t medyo nakikisali na ulit siya ngayon sa mga usapan nila ay hindi na bumalik ang playful side niya.

Nag-angat ng tingin si Light mula sa nilalaro sa laptop. Kung hindi babae ay dota ang inaatupag niya lagi. Hindi maipagkakailang guwapo siya kaya naman marami talaga ang nahuhulog sakanya kahit na hindi siya katangkaran. Lalong lalo na kapag ngumingiti na siya. “Oo nga naman Sky. Kung hindi mo din lang naman sila malalabanan eh di lumipat ka na lang. Kung ayaw mo sa school ni Thunder, dun ka na lang sa school ko. Magiging prinsesa ka pa talaga dun.” 

Huwag ka nga. Baka mas lalo lang siya ibully dun dahil sa mga babae mong patay na patay sa’yo.” Seryosong sita ni Thunder while looking at him with his piercing eyes.

Napabangon si Sky mula sa pagkakahiga sa kama niya. “Oi wag na nga kayong magtalo. Hindi ako aalis doon, okay? Puro palpak naman yung mga pinaggagawa nila sakin eh. Hehe…” 

Lumapit sakanya si Storm at umakbay. “Hay naku Sky. Paano kung mas malala ang mga gagawin nila dahil so far ay hindi effective sa’yo yung mga nauna nilang ginawa? Paano kung hindi mo na ito maiwasan?” Sabi nito na sinabayan ng pagkumpas ng kamay sa ere. May pagkamalambot talaga ito kumilos kaya madalas mapagkamalan na bakla sabayan pa ng katarayan nito.

Ano ba naman kayo. Yakang yaka ko mga yun ano, ako pa.” She said confidently. “Wala ba kayong tiwala sa akin?” 

Kami na lang kaya ang lumipat sa school mo para maprotektahan ka namin.” Suggestion ni Rain na hindi inaalis ang tingin sa tv na pinapalabas si spongebob.

Yan ang wag na wag niyong gagawin.” Mariing tanggi nito. “Mas lalo akong guguluhin ng mga babae doon kapag nalaman nilang close ako sa inyo. At isa pa, paano ako magkakaroon ng kaibigan doon kung nandun kayo?” 

Bakit Sky, hindi pa ba kami sapat na kaibigan mo?” Nakapout na tanong nito na napatingin na sakanya. Nagmukha itong batang hindi nabilhan ng lollipop.

Linapitan niya ito at ginulo ang mahaba nitong buhok. “Tss mga bestfriends ko kayo. Kabilang kayo sa mga taong pinakamahalaga sa akin at hindi ko kayo ipagpapalit kahit kanino. Pero kailangan ko din namang makisalamuha at makipagkaibigan sa iba. Lalo na at sila ang makakasama ko buong taon.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon