Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted

6.4K 150 25
                                    

Hello. Ito na ang chapter 3 as pomise. Dinedicate ko pala to sakanya kasi siya ang second na nagcomment dito. hehe... tnx din sa mga nagbabasa nito. Don't forget to VOTE and COMMENT if you like my story. Labyu ol. ;D

CHAPTER 3 – Sakuragi, Ang Boy Basted

May nagbato na naman sa direksyon ni Sky and this time hindi na lang basta papel kundi bola na ng basketball. Gayunpaman ay naiwasan niya ito nang may pinulot siya sa sahig. Napapalo tuloy si Daniel sa desk niya dahil sa inis. Kahapon pa kasi nila palihim na binu-bully ang babae pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nagagawang damage dito kahit maliit na galos lang. “Aaaarrgghh may mata ba yan sa likod at naiilagan niya ang mga tira natin sakanya.” 

Sssshhh Wag ka nga maingay diyan. Baka isumbong niya tayo kapag nalaman niya.” Sawata ni Arwin sakanya. Ayaw na kasi niyang maulit ang detention nila kahapon na first time nilang naranasan dahil lagi silang nakakalusot noon.

Tinapik ni Pierro si Daniel sa balikat. “May araw din sa atin yan.” 

Tumango na lang ito kahit bakas pa rin ang pagkainis sa mukha.

Si Blue naman ay nagdududang alam na ng babae ang ginagawa nila. Imposible naman kasing maiwasan niya ang mga ito kung hindi siya aware. “Red, mukhang mahihirapan tayo sa isang ‘to ah.

Tss basta ituloy niyo lang yan.” Nakapikit na sabi ni Red.

Sumabat si Grey sa usapan ng dalawa na hindi na rin natutuwa sa kapalpakan ng kanilang plano. “EH HALOS NAGAWA-” 

*Blaaaggg…

Napatingin ang lahat kay Jiro na pabagsak na umupo at yumuko sa desk nito.

O pre bakit ngayon ka lang pumasok?” Usisa ni Matt.

Nagkatinginan sila sa hindi nito pag-imik pagkuway may naisip si Oreo, ang isa sa mahilig mang-asar. Rank 9 siya. “Ooooh alam ko na. Naiisip mo ba ang naiisip ko Hiro? Hehe…” 

Sa palagay ko nga Oreo. Hehehe…” Sagot ni Hiro na bestfriend niya at kasa-kasama sa lahat ng kalokohan. Bestfriend since birth daw sila kaya naman kabisado na nila ang iniisip ng bawat isa lalo na pagdating sa kalokohan. Nasa 8th position naman siya.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay nagsalita. “Basted ka na naman ano? Hahaha…” 

Napaangat ng ulo si Jiro at tinignan sila ng masama. “Mga gago kayo. Anong nakakatawa dun?” 

Tsk tsk tsk. Pre alam naman naming idol mo si Sakuragi.” Gatong ni Lei at tinapik pa ang nagdadramang kaibigan.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon