Chapter 9: Tour Guide

6.9K 135 32
                                    

A/N: Hello! Eto na ang new update. Buti holiday ngayon kaya makapag-UD ako. Di ko kasi siya mahaharap sa mga susunod na araw.

Anyway salamat ng maraming marami sa mga readers na nagbabasa pa din neto kahit matagal ako mag-update. Engot lang si ako na kung kelan malapit na ang isang malaking exam eh dun ko pa naisipang maggawa ng story. Well, pagbigyan niyo na si ako kasi gusto ko lang matupad ang pangarap ko na maka-publish ng book or story kahit dito lang sa wattpad. Wahuhu... ang drama ko ata ngayon. 

Tsk. Enuf of thiz na nga. Enjoy reading. ^_^

VOTE and COMMENT pa rin sana kayo!

Ayy warning lang. Makikita niyo ngayon ang other side ni Sky. Baka may mga mainis sakanya (sana wala) eh huwag masyado kasi may dahilan naman siya. Hehe...

CHAPTER 9 – Tour Guide

Kumusta ang lakad niyo nila Light kahapon?” Tanong ni Cloud kay Sky habang may mga pinag-aaralang paperworks sa table niya. Hindi siya nakasama sa mga kaibigan kahapon dahil sa schoolworks.

Ayun masaya naman. As usual nag-shopping na naman ng wantusawa si Storm. Tapos nakita pa namin yung perslab ni Light.” Sagot ni Sky na naglalaro ng PSP habang nakahiga sa sofa na nasa loob ng office niya.

Napataas ang kilay ni Cloud at binitawan ang binabasang papel saka tumingin sa kaibigan. “Talaga? Anong ginawa niya.” Alam nila ang pinagdaanang heartbreak ni Light mula sa first love nito pero hindi sila sigurado kung nakapag-move on na ito totally.

Nagkibit-balikat langsi Sky at sumagot nang parang wala lang. “Nung una nabigla siya pero nakaisip ng kalokohan si Storm at pinagtripan namin yung babae.

Ano namang kalokohan yun? Ibang klase din kasi mag-isip yang si Storm pagdating sa ganyan.” Excited na sabi niya. Mukhang may itinatago din palang kapilyuhan itong si Mr. SSC President dahil tila natuwa pa siyang may pinagtripan ang mga kaibigan.

Sandaling pinause ni Sky ang nilalaro saka tumingin sa kausap. “Ayun nagpanggap si Light na hindi niya kilala yung babae saka nilandi yung mga kasama nito. Nakakatawa nga itsura niya nung binabalewala lang siya ni Light eh pati nung pinagtatawanan namin siya. Parang kumain ng isandaang siling labuyo sa pula ng mukha niya nun. Hahaha…” 

Hahaha sana vinideo niyo tapos ilagay niyo sa youtube. Haha…” Tatawa-tawa ding suggestion ni Cloud habang iniimagine ang itsura ng isang wa-poise na Heidi.

Haha… Oo nga noh? Bakit di namin naisip yun?” Kunwang napaisip ito sa sinabi niya. “Hmmm… next time na lang. Hehe…” 

Haha… at talagang may n-” Naputol ang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang vice pres na si Amber na halatang nagulat sa nabungaran.

Nawala ang ngiti ni Cloud at nagseryoso na ulit. “Eherm… Di ba sabi kong kumatok muna kayo bago pumasok?” 

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon