Chapter 8: "Ex"-Mas Light

6.7K 128 30
                                    

Eto na ang next update. Thank you at dumadami na ang nagbabasa nito. Sana huwag kayong magsawa sa pagsubaybay kay Sky. Sensya na kung matagal ako mag-update. 

Wala pala munang Black Mask Gang dito. Pasulpot sulpot lang muna sila sa mga susunod na chapter. Hehe...

VOTE and COMMENT pa rin sana. :)

CHAPTER 8 – “Ex”- Mas Light

Monday na naman, umpisa na naman ng isang boring na school days. Hindi naman magawang magcut ni Sky di gaya nung hindi pa siya nahahanap ng tunay niyang pamilya at nasa public school pa siya. Malaya kasi siyang nakakatakas sa school nila nun kapag naboboring na siya dahil walang sumisita sakanya di tulad ngayon.

Haayy ang boring naman… Walang magawa. Busy naman si Cloud sa office niya. Hay naku ang bata bata pa niya eh nago-office na siya. Madali siyang tatanda niyan. Tsk Tsk Tsk…” 

Naglalakad-lakad na lang siya sa may likurang bahagi ng campus na kung saan maraming puno. May nakita pa siyang parang isang bahay sa di kalayuan pero hindi na siya pumunta doon at baka lamunin siya ng may-ari. Napagpasiyahan niyang tumambay sa isang malaking puno doon. Pero hindi niya inaasahan ang narinig kaya napatahimik siya.

Halos isang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaya mong gumawa ng ganung bagay. Paano mo nakukuhang ngumiti sakin ng ganyan noon habang alam mong may balak kang pasakitan lang ako. Ang galing mo pala talagang umarte. Tch…” Bakas sa boses ng lalaki ang pait. “Ganyan ba talaga kayong mga babae, magaling mang-iwan? Magaling manloko? Ano bang nagawa ko para maranasan ng paulit-ulit ang ganito?” Napamura ito bigla ng malakas kaya nagulat ng bahagya si Sky. “Tapos sasabihin pa sa akin ni Blue na kailangan kong magtiwala ulit sa mga kauri mo? Huh! Nagpapatawa ata siya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niyo sa akin? Tch... Imposible.” Kahit hindi niya ito kita ay batid niyang napailing ito. “Pare-pareho lang kayong mga babae. Sarili niyo lang ang iniisip niyo. Kaya pasensiya na lang sa mga madadamay sa galit ko sa inyo.” Mahabang katahimikan ang namayani pagkatapos ng salitang ito kaya inakala niyang umalis na ito pero nagulat siya nang marinig niya itong nagsalita ulit in a voice full of disgust and hatred. “At ikaw, wag mong isiping tapos na ako sayo. Humanda ka sa paghihiganti ko.

 After nito ay naramdaman na lang niya ang pag-alis nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na yun. Maaawa ba siya dahil sa nalamang problema nito o maiinis dahil sa mali ang ginawang pag-stereotype nito sa mga babae. Pero hindi maipagkakailang ramdam na ramdam niya ang tindi ng galit nito dahil sa bigat ng pagbitaw nito ng salita.

Hindi niya din tuloy sigurado kung para kanino ang mga huling salitang binitawan nito. Para pa rin ba ito sa babaeng nanakit dito o para sakanya na ito. Gusto sana niya itong kausapin kanina kaya lang naalala niya yung sinabi ni Batch na nakakatakot ito kung magalit.

Ilang saglit pa siyang nanatili dun at kapagkuway umalis na siya dala ang isang bagong kaalaman tungkol sa lalaki.

~~~

Bagaman nakangiti si Sky nang pumasok sa classroom ay hindi pa rin niya maalis sa isipan ang mga narinig kanina. Hindi niya tuloy maiwasang mapatingin sa direksiyon nito. As usual nakapikit na naman ito at naka-headphone. Nung muling sumulyap siya dito ay nagulat siya nang magmulat ito at sinamaan siya ng tingin. Ngumiti na lang siya dito at iniwas na ang tingin. Hindi na lang niya inulit ang pagtingin dito at baka tuluyan itong ma-badtrip sakanya.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon