Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

4.5K 136 77
                                    

"GUYS ANO nang gagawin ko? Tulungan niyo naman ako," himutok na naman ng ilang araw nang problemadong si Art.

"Kung hindi ka ba naman kasi sobrang arte at malambot kumilos eh hindi ka mapaghihinalaang bakla. Mismong Mommy mo pa. Pasalamat ka na lang at masyadong busy ang Daddy mo para mapansin pa mga kilos mo," sumbat sa kanya ni Chickboy.

"Oo nga. Maski kaming lagi mong kasama eh nagdududa sa'yo," sangayon ni Buzz.

"Alam mo sis este pare, hindi naman kami magagalit o lalayo sa'yo kung talagang berde ang dugo mo. Hindi ka naman namin itatakwil. Promise. Hope Jiro to die."

"Gago!" alma ni Sakuragi sabay bato ng notebook kay B1.

"Hoy ilang ulit ko ba sasabihin sa inyong straight ako! Kahit sugatan niyo pa ako ngayon eh hindi berde ang lalabas na dugo riyan. Bakit ba hindi niyo matanggap na may ganito kagandang straight na lalaki?" Nanlalaki ang matang protesta ni Art habang nakapameywang.

Siniringan siya ni Batch. "Ulol! Hindi ka maganda. Maarte ka lang. Paitimin kaya kita, tignan ko lang kung may kumuha pa sa'yong maging modelo."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Batch kaya lalong naasar si Art. "Wow. Hiyang-hiya naman ako sa kapal ng taba mo. FYI kahit gawin niyo pa akong negro, hindi maipagkakailang marami pa rin ang magkakagusto sa akin."

"Oh nasa'n na? 'Asaan ang mga nagkakagusto sa'yo at kailangan ka pang ihanap ng Mommy mo ng makaka-date mo?" Nakataas-kilay na sabi ni B2.

Naghalukipkip si Art. "Iyon na nga eh. Hindi pasado sa standards ko ang mga nagkakagusto sa akin. Mga jologs."

"Paano, pang-jologs lang naman kasi ang pinaglalaban mong kapogian," nakangising pambabara ni Chickboy.

"Che! Palib-"

"Kung sabihin mo na lang kaya sa Mommy mo na may girlfriend ka na." Biglang sabi ni Sakuragi kaya natahimik sila at napatingin dito. "Oh bakit ganyan kayo makatingin? Alam kong gwapo-"

"In fairness Jiro may utak ka rin pala." Pagputol ni Buzz sa sasabihin pa sana ni Sakuragi.

"Aba't-"

"Ang problema, wala namang girlfriend itong modelong hilaw na ito."

"Problema ba 'yun? Sabi mo maraming nagkakagusto sa'yo 'di ba?" tanong ni Chickboy kay Art na tinanguan niya. "Pumili ka na lang sa kanila ng ipapakilala mo."

"Ayoko nga. Hindi ko sila type," nakasimangot na tanggi ni Art.

"Arte mo talaga. Sandali lang naman iyon. Pagkatapos mong maipakilala sa Mommy mo eh hiwalayan mo na agad."

"Ui 'wag ganyan. Gagamit pa kayo ng babae. Kawawa naman kapag pinaasa niya lang," tutol ni B2 na tinanguan ni B1.

Tumango rin si Art sa sinabi nito. "Kaya nga. Saka baka mapikot lang ako at hindi tantanan kapag nagkasundo sila ni Mommy."

"Kung mag-hire ka na lang kaya ng magpapanggap na girlfriend mo. Marami na akong nabasang ganun. Magpapanggap kayo tapos magiging totoong kayo tapos magkakahiwalay tapos magkakabalikan tapos kayo na magkakatuluyan. Oh 'di ba may ka-forever ka na." Nakangiting litanya ni Buzz at hindi pansin ang nawiwirduhang tingin ng mga kausap.

"Baliw. Kung anu-ano binabasa mo. Hindi ko pinangarap maging ganyan ang buhay pag-ibig ko 'no."

Nagkatinginan ang iba at tumango-tango habang inuulit ang sinabi ni Art na 'buhay pag-ibig'. Inirapan niya ang mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon