Chapter 28: Friend or Foe

5K 136 23
                                    

A/N: Hello long time no see este update again. hehe... Alam kong sawa na kayo sa sorry ko pero magsosorry pa rin ako. Alam kong miss nyo na si Sky at ang kanyang "blank mode" kaya eto na siya. hehe..

Vote & Comment at your own free will. :D

Chapter 28: Friend or Foe

Ano na kumpleto na ba kayo?” Tanong ni Grey sa mga miyembro nila habang nililibot ang paningin sakanila.

Ah boss absent sina Ken at Arwin.” Sagot agad ni Labo.

Tumango si Grey. “Kung ganun ay uumpisahan ko na ang meeting. Okay alam kong- araaay…” Angal ni Grey na sinamaan ng tingin si Blue na nagtulak sakanya patabi. Tinaasan lang siya ng kilay nito kaya napalabi na lang siya at nagdadabog na umupo sa couch doon. “Minsan na nga lang magpapakaseryoso eh.” Bulong ni Grey sa sarili at umingos sa kaibigan.

Naiiling na lang na humarap si Blue sa mga miyembro matapos palitan sa puwesto si Grey. It was the usual setup that’s why medyo nagtaka ang iba nang si Grey ang nasa harapan nila kanina. Si Blue talaga kasi ang namumuno sa meeting kapag may importante silang pag-uusapan. Kadalasang nakaupo lang si Red sa tabi at tumitingin sakanila ng hindi nagsasalita unless he’s mad and he want to punish someone. Si Grey naman ay usually walang pakialam sa mga seryosong usapan at naglalaro lang ng video games sa tabi at minsan pang ginugulo ang ibang miyembro nila. Pero ramdam nilang may iba sa meeting nila ngayon dahil una ay first time nagkainteres sumali si Grey sa diskusyon. Pangalawa ay ang kawalan ng presensiya ng leader nila. Kahit na may pagka-anti-social at introvert si Red ay hindi naman ito nawawala sa mga mahahalagang pagpupulong nila. At pangatlo, ay ang seryosong mukha ni Blue ngayon. Seryoso naman talaga si Blue lagi kapag may ganitong pulong pero typically ay kababakasan pa rin ito ng pagiging kalmado at chill lang na aura pero ngayon ay medyo nakakunot ang noo nito. Which only proved Labo’s theory that ‘shit got real’ this time.

Linibot ni Blue ang paningin sakanila saka bumuntong hininga. Hindi niya kasi alam kung paano sisimulan ang sasabihin. Is there any other way to lessen the impact of the very bad news he’s about to break? He glanced at Grey who’s also looking at him with serious face. I guess there’s no other way. Blue told himself. Kinuha na lang niya ang envelope na nakalagay sa loob ng coat niya at pinakita sa lahat. And it’s all he needs to do to break the silence and tension lingering in the atmosphere. Gasps and loud reaction erupted. Discussion among the members started to fill the inside of the den.

Hindi ba sulat ‘yan from Black Mask?

Bakit wala ‘yung seal nila?

Tanga! Malamang kasi bukas na kaya natanggal na nila boss.

Ano ‘yan another warning?

Who is it this time?

Teka lang. Tanda ko yung warning last time kay Arwin ay last na. So…

Ibig sabihin…

Yeah tama kayo.” Biglang sabi ni Blue na nakapagpatahimik sa lahat. They don’t need to think twice when it come to his voice. Same goes to Red’s and Grey’s. They can distinguish them even in a loud and deafening noise. Well they better be or else the consequences will surely make them remember it. “Ang sulat na ito ay galing sa Black Mask Gang. Natanggap namin ito kaninang umaga that’s why hindi na kami nakapasok ng morning classes. Pinagtalunan pa namin kung sasabihin na namin agad sa inyo pero magagahol na tayo sa oras kapag pinatagal pa namin ito.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon