Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"

6.5K 133 40
                                    

A/N: Hey ya! New chappie again. Enjoy reading guys!

VOTE and COMMENT pa rin. ^_^

CHAPTER 10 – Ang Muling Pagbuhos ng “Ulan”

Sky kinausap mo ba si Amber? Tanong ni Cloud kay Sky pero tinaasan lang siya ng kilay nito at hindi man lang inalis ang tingin sa tv screen. Si Tour Guide?

Aahhh oo bakit?” Parang wala lang na sagot nito.

Wala naman.” Kibit-balikat niyang tugon.“Natanong ko lang. Bihira na kasi niya akong kausapin.” 

Lalong tumaas ang kilay ni Sky. “So? Di ba sinabihan na kita tungkol diyan.

Nagkamot sa ulo si Cloud saka sumagot. “Nanibago lang kasi ako.” 

Ano yan ha? Lovelife ba yang pinag-uusapan niyo?” Usisa ng bagong dating na si Light. Dumiretso ito sa kama ni Sky at naupo.

Oo, lovelife ni Cloud.” Nakangising sagot ni Sky.

Umiling iling naman agad si Cloud. “Ui di totoo yan ah.” 

Aba! Isang malaking himala.” Singit ng bagong dating din na si Storm kasama ang kakambal. “Cloud ikaw ba talaga yan? Lumalove-life ka na?

Hindi sabi totoo eh. Nagloloko lang yan si Sky.” 

Sky, assignment mo? Tanong agad ni Hail kay Sky na walang pakialam sa asaran ng mga kaibigan. Siya ang pinakatahimik sakanila at mas gusto niya laging nag-aaral. Hindi daw siya mapakali kapag hindi nae-exercise ang utak niya.

Nasa bag ko. Thanks Hail.” Todo ngiting sagot ni Sky at sandaling iniwan ng paningin ang nilalaro para tumingin dito.

Eh bakit niyo pinag-uusapan kung hindi totoo?” Nakataas kilay na tanong ni Light at tinignan si Cloud nang nanunukso.

Napakamot na naman siya sa ulo at nag-pout. “Natanong ko lang naman siya tungkol dun sa VP ko.”Katuwiran niya at naalala niya na naman kung paano umiwas sakanya si Amber kanina. Hindi naman sa apektado siya pero na-curious kasi siya sa biglaan nitong pagbabago.Ni hindi na niya kasi kailangang gawin pa ang inuutos ni Sky dahil ito na mismo ang umiiwas sakanya kaya naisip niyang kinausap din siguro ito ni Sky.“Sky, ano pala sinabi mo dun?” 

Sky shrugged and gave him a wide grin. “Secret walang clue.

Excited namang nilapitan siya ni Storm.  “Ayy Sky sabihin mo sa akin dali. Ibulong mo lang sa akin.” 

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon