Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala

3.7K 105 31
                                    

A/N: Hi everyone. Matagal na naman akong nawala at alam kong marami na ang naiinis sa bagal ko mag-update. Pero wala akong magagawa dahil hanggang ganito lang ang kaya ko. Hindi ko kasi nagagawa ng isang upuan ang isang chapter kaya lagi akong umuulit-ulit ng basa sa mga nakalipas ng chapter dahil hangga't maaari ay ayokong magkaroon ng plot hole. Paminsan ko lang rin naman kasi ito maisingit gawin dahil like most of you ay busy din ako.

Anyway sinasabi ko ito dahil gaya ng sabi ko kanina ay alam kong marami ang naiinis. Ang maipapayo ko na lamang sa mga naiinip ay huwag niyo na munang basahin ito at hintayin na lamang matapos [which is I don't know when. sorry. :( ]. Marami naman kayong mababasang magagandang stories dito na same genre nito.

Sa mga nakakapagtiyaga namang mag-abang pa rin ng updates ay nagpapasalamat ako ng marami. I'll try my very best para mas dalasan ang update. Pagdasal niyo na lang ako. LOL. JK.

Ok. Hanggang dito na lang ang aking pagdaldal para makapagbasa na kayo. Enjoy reading!

PS. I decided not to directly reveal the identity of BMG. Magmemention ako ng mga not so subtle details hanggang sa hindi niyo namamalayang kilala niyo na sila. Haha... Korney ko. K.

PSS. Dedicated sakanya kasi ang cute niya sa comment and... Hihi..


___________________________________

TAHIMIK na nakatungo ang mga miyembro ng Red Scorpion Gang habang hinihintay na kausapin sila nina Blue. Hapon na at tapos na ang klase at kanina pa rin sila tahimik. Halata ang pag-aalala sa kanilang mukha. Hinihiling nilang hindi muna dumating ang oras na ito kung kailan sila hahatulan. OA mang pakinggan sa iba pero 'yon ang pakiramdam nila. Pakiramdam nila ay kriminal sila na nakatakdang hatulan ng pagkakakulong. Although kabaliktaran nito ang mangyayari dahil sa halip na makulong ay mapapalaya ang ilan sakanila sa pagkakatali sa gang. Hindi mo rin kasi sila masisisi na ganun na lang ang pag-aalala nila dahil base sa mga nangyari noong nag-uumpisa pa lang ang gang ay expulsion ang katapat ng pagkakatanggal ng sinumang miyembro nito. Maaaring maging iba na ngayon pero hindi pa rin sila nakakasiguro.

Naunang lumapit sakanila si Grey na wala ring imik. Pinasadahan lang nito ng tingin ang mga miyembro saka umupo sa pang-isahang couch. Ilang sandali pa ay sabay nang nagpunta sa harap nila sina Red at Blue. Sumandal sa may pader si Red at naghalukipkip, nangangahulugang si Blue ang magsasalita.

Tumikhim muna si Blue saka tinignan isa-isa ang lahat. "Anong balita kina Arwin at Daniel? Ayos na ba ang lagay nila?"

"Oo boss." Maagap na sagot ni Kilay. "Dumaan kami nila Matt doon kaninang bago pumasok. Nakausap pa namin si Daniel at medyo maayos na rin daw pakiramdam niya." Tumango si Blue at sinenyasan itong ipagpatuloy ang sinasabi. "Si Arwin ang hindi pa nagkakamalay. Pero sabi ng mga nakausap naming nurse ay stable na raw naman ang lagay niya." Medyo malungkot na dugtong ni Kilay.

"Mabuti naman kung ganun. Dadaan ako mamaya roon bago umuwi. Sabay-sabay na lang tayo pumunta para minsanan." Sumangayon naman sila at mahinang nagbulungan kung kanino makikisakay ang mga walang sariling sasakyan. "Okay that's enough. Let's now proceed to the main agenda of this meeting." Pagsaway ni Blue saka hinintay na tumahimik ulit sila bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Last night was our initiation to the Gangster Community and you're all aware of the consequences of our loss so I don't need to explain anymore why we need to do this. I'm going to call out those who will be dismissed from the gang. And upon hearing your name you'll come forward." Nagsitanguhan naman ang mga ito at nagbuga ng malalim na paghinga. "Ken." Walang paliguy-ligoy na sabi ni Blue. Tinapik-tapik ito ni Kiko na mukhang relieve pa sa pagkakatanggal ng kaibigan. Nagpunta sa harap ni Blue ang tinawag na may pilit na ngiti at namumulang mata tanda ng pinipigilang iyak. "Nash." Napatakip ito ng mata at pinunasan ang luhang agad na tumulo sa pagkakabanggit ng pangalan nito. Tinapik-tapik din ito sa likod ng mga malalapit nitong kaibigan kabilang na ang maluha-luhang sina B1 at B2 pati na rin si Art. Nagpunta ito sa harap ni Blue na nagkukusot pa rin ng mga mata.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon