Chapter 7: Black Mask Gang

6.8K 129 35
                                    

A/N: Dedicated to sakanya kasi love daw niya si Sky kaya love din siya ni Sky. Hehe...

Ayan mag-update na ako. Bukas pa sana pero natuwa lang ako at may 600 reads na siya kaya namotivate akong mag-UD ngayon. Haha ambabaw ko lungs. 

Neways, thank you pa rin sa lahat ng mga nagbabasa.

VOTE and COMMENT pa rin kung gusto niyo

CHAPTER 7 – Black Mask Gang

Ui Sky, sabihin mo nga samin yung buong nangyari kahapon.”Untag ni Buzz paglapit sakanya.

Ha? Bakit?” Tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa nilalaro niya sa PSP.

 

Wala naman, gusto lang naming makasiguro sa isang bagay.” Ani Sakuragi na tumabi na rin sakanya.

Napakunot-noo siya pero hindi pa rin hinihiwalay ang paningin sa nilalaro. “Ano naman yun?” 

Basta ikuwento mo muna, saka namin sasabihin sayo.”Pangungulit ni Buzz saka binalingan si Labo.“Ui Labo lumapit ka dito para mapakinggan mo ng maayos.” 

Lumapit na rin ang iba sa puwesto nila at doon nagkumpulan.

Vacant period nila tuwing Friday sa ganitong oras. For reading and projects sana ang time na ito pero dahil sa ‘magagaling’ (note the sarcasm) ang mga taga Section Fire ay wala silang ginagawa ngayon. Wala sa classroom ang RBG at iba pang classmate ni Sky dahil nasa Red Scorpion Den sila. At dahil hindi siya pwedeng pumunta dun ay pinili na lang ng iba na samahan siya sa room. Wala kasi siyang makakasama dahil busy naman sa SSC office si Cloud at ayaw niyang mang-istorbo.

O sige na, game na. Kuwento ka na.”Excited na sabi ni Art. 

Ok wait lang, i-pause ko muna nilalaro ko.” Sabi niya at tinago ang kanyang PSP saka humarap sa mga kaklase.

Hmmm… San ba ako mag-uumpisa?” Aniya ng nag-iisip. “Ahmmm… Mula na lang sa pagkakaalam ko sa nangyari kay Kambal.” Tinignan niya muna ang lahat bago nag-umpisang magkuwento. “Nung naglalakad kami ni Cloud sa may hallway ay nabangga ako nung taga-Drama Club na tumatakbo. Nag-sorry naman siya at nagmamadali lang daw kasi siya dahil may importante siyang sasabihin sa mga taga Section Fire. At nung mapansin siguro niya ang ID lace ko ay sa akin na lang niya sinabi tutal kaklase ko naman daw kayo at para ako na lang magsabi sa inyo. Ayun nga sinabi niyang may kumuhang taga College Department kay Kambal.

Eh bakit hindi mo sinabi sakanila?” Takang tanong ni Kambal.

Napakamot siya sa ulo. “Hindi ko naman kasi alam kung saan sila hahanapin eh saka nawala na sa isip kong tawagan sila dahil ang tanging nasa utak ko nun ay yung nasa panganib ka nga.” 

Ok. Tuloy mo lang.” Ani Art na seryosong nakikinig.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon