Chapter 16: Ang Katapat ni Grey

6.3K 130 34
                                    

CHAPTER 16 – Ang Katapat ni Grey

Nakatambay ngayon ang buong Sky Paradox sa kuwarto ni Sky. Pagkagaling school ay dito na sila dumiretso.

Hindi pa ba tapos usapan niyo ni Kuya Tabs?” Tanong ni Sky kay Light

Napaangat ito ng tingin sakanya. “Either next week or next next week pa daw tayo makakabalik dun. Pinagbigyan niya muna daw kasi yung mga pumalit sa atin nun na makahanap muna sila ng malilipatang matutugtugan.

Eh kelan pa yun? Miss na miss na ako ng mga fans ko eh.” Reklamo ni Rain na naka-pout na naman.

Napataas ang kilay ni Light nang binalingan ang bunso. “Hanggang next next week nga. Hindi ka ba nakikinig? Saka kahit hindi ka makita ng mga fans mo kuno no? Hindi daw nila namimiss ang batang gaya mo. Hahaha…

Weh? Inggit ka lang kasi mas marami na akong fans kesa sa’yo.” Nakairap na sabi ni Rain.

Hindi din. San banda? Hahaha…” Natatawang kantiyaw ni Light.

Hmp basta.” Naghalukipkip ito at bumalik na lang sa panonood ng tv.

Binalingan naman ni Sky si Cloud para tanungin. “Eh Cloud wala pa bang school na kumukuha sa atin?

Hmm… Wala pa. Hindi pa naman panahon ng mga programs. Halos kasisimula pa lang kasi ng school year. Next month pa siguro magdadatingan ang offer.” Paliwanag ni Cloud. “Bakit Sky?

Nagkibit-balikat si Sky. “Wala naman. Namiss ko lang mag-perform sa maraming tao.

Don’t worry Sky, malapit na tayong tumugtog ulit.”Nakangiting wika niStorm na tinapik ang balikat niya.

Hmm… Ayy may nagawa ka na bang listahan ng mga tutugtugin natin sa mga gig?

Para sa limang gig pa lang yung nagagawa ko.”Tugon nito saka pinakita ang listahang ginawa sa tablet nito.

Pinasadahan ng tingin ni Sky ang listahan at ngumiti. “Ah sige. Sa sabado na lang natin i-practice yan. Tinatamad ako ngayon.

Okay.” Ani Storm saka tinabi ang tablet. Kinuha niya ang pulang unan ni Sky at inakap. “Ayy Sky kumusta pala yung si Pula?

Huh? Ah ayun ganun pa rin siya sa akin. ”Kibit-balikat na tugon nito.“Pero wala pa naman siyang ginagawa ulit na laban sa akin.

Tuwang napapalakpak si Storm sa narinig. “Wow that’s good news. Baka natauhan na din siya.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon