Chapter 26

12.2K 377 8
                                    

Nixy's Pov.

Nandito ako ngayon sa harden ng bahay namin. Nagbabasa ako ng libro.

Nagulat ako ng may kumuha sa libro na binabasa ko.

"What?" tanong ko kay Ren. Oo si Ren ang nagkuha ng libro

"May lugar ba na masaya dito? I mean, ang boring kasi dito eh" sabi niya saakin.

Nag isip naman ako at bigla na lang may light bulb ang nag appear sa ulo ko.

"Lets go!" sabi ko sakanya at hinila siya papuntang garage.

Nakita ko doon si Manong na naglilinis sa kotse ni Mama.

"Oh, Nixy saan kayo pupunta?" tanong ni Manong Bart saakin

"Basta manong, atsaka pakisabi na din po kay mama at papa na aalis po muna kami sandali." sabi ko kay manong bart. Tumango naman siya

Pumasok ako sa kotse ko at hinitayna pumasok si Firen. Nakita ko naman siya na nakatayo sa labas.

"Bakit ka pa nandyan?" tanong ko sakanya at binuksan ang pintuan ng kotse

"Safe ba to?" tanong niya saakin

"Oo naman kaya tara na!" savi ko sakanya at hinila siya. Naupo naman siya kaya sinarado ko na ang pintuan.

"Ready kana?" tanong ko sakanya

Tumango naman siya kaya pinaandar ko ang kotse.

"T-teka a-anong n-nangyayari?" tanong ni Ren

"Its normal. Ganito talaga sa Mortal world. Ang tawag dito ay kotse. Ginagamit ito upang makarating ka sa lugar na pupuntahan mo" sabi ko sakanya.

Minaniho ko ang kotse patungo sa pupuntahan namin. Turo din si Ren ng turo sa mga nadadaanan namin. Gaya ng eroplano, barko, van,tricycle at kung ano ano pa.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa.....

"Welcome to Enchanted Kingdom Ren!" sabi ko sakanya

Nakita ko naman ang pagkamangaha sa mukha niya.

"Tara pasok tayo" sabi ko sakanya atsaka hinila siya papasok

Syempre Bumili muna kami ng ticket at pumasok na.

"Anong tawag dun?" tanong ni ren na nakaturo sa roller coaster

"Yan ang roller coaster, gusto mo subukan? *tumango si ren*Tara!" aabi ko at hinila siya paunta sa bilihan ng ticket atsaka pumasok na sa entrance.

Sumakay na kamo sa roller coaster hanggang sa dahan dahan itong tumakbo

"Ang boring naman"sabi ni ren.

Ngumisi lang ako sakanya. Ilang sandali pa ay bumilis ang takbo nito kaya sumigaw ako

" wahhhhhhhhh"ako

"Shit! F*ck! Stop this! Shit!" pagsisisigaw ni Ren

Tinawanan ko nalang siya. Ilang minuto ay bumaba na kami.

"Ren bakit ka namumutla? " tanong ko sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko.

"Boring pala ah" sabi ko sakanya.

Pinaupo ko muna sa bench at bumili ng makakain.

Firen's (Ren) Pov

Pinaupo ako ni Nixy sa isang bench at tumakbo palayo. Ilang sandali lang ay bumalik siya na may bitbit na gulaman at waffle.

"Oh" abot niya saakin ng isang baso ng gulaman at isang waffle.

"Salamat" sabi ko atsaka kinain ang binigay niya. Kumain na din siya.

Pagkatapos naming kumain ay inilibot niya ako sa buong EK. Naglalaro din kami minsan sa mga booths. Natatawa nga ako sakanya kasi sumasablay siya.
Ilang sandali lang ay naglakadlakad kami.
Nagulat ako ng hinila niya ako sa photo booth.

Nagbayad muna siya bago nagpapicture.

Sa unang picture namin ay pareho kaming nakangiti. Sa sunod naman ay nakangiting nakaakbay ako sakanya at nakatingin siya saakin na gulat na gulat. At ang pangatlong picture namin ay nakaakbay pa rin ako sakanya pero nakaharap kami sa isa't isa na tumatawa.

Binigay saamin ng photographer ang mga pictures namin atsaka hinila na naman ako ni Nixy sa isang food stall. Hindi ko alam kung ano ang mga pagkain ang tinitinda ng food stall kasi may kulay orange na bilog, white na bilog,may pahaba at kung ano anu pa.

Nakita ko si Nixy na tumusok sa kulay puti na bilog na nasa kalan at sinawsaw sa suka na may bawang. Itinapat niya saakin ang bilog na parang gusto niyang ipakain ito saakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay

"Dali na! Masarap to promise" sabi niya saakin

"Hindi ba yan madumi?" tanong ko sakanya

"Hindi noh, sige na ang arte arte mo" sabi niya saakin

Magsasalita na sana ako ng bigla niyang isubo saakin ang bilog.

"Try mong iluwa yan sasapakin kita" sabi ni Nixy saakin

Nginuya ko na lang ang pagkain at nilunok.

"Masarap diba?" sabi ni nixy na nakangiti

"Pwede na" sabi ko atsaka kumuha ng stick at ginaya ang ginawa ni Nixy.

Ilang minuto ay naubos namin ni Nixy ang paninda ni Manong. Binayaran na niya ito atsaka naglakad lakad muli

"Grabe ka Ren inubos mo ang paninda ni manong" sabi ni Nixy saakin

"Hindi noh" pagtanggi ko

"Oo nalang" sabi niya atsaka tumawa.

"Tsk." sabi ko.

Napansin ko na papalubog na ang araw. Ibig sabihin ay kanina pa kami dito ni Nixy.

"Ren, sakay tayo dun " sabi ni Nixy at hinila ako sa higanteng gulong

"Anong tawag diyan?" curios na tanong ko sakanya.

"Yan ang ferris wheel, tara dalian mo" sabi ni Nixy at hinila ako papunta sa pila at bumili naman siya ng ticket.

Bumalik siya na nakangiti pa rin.

"Para kang abnormal jan" sabi ko sakanya na ikinisimangot niya

"Eh natutuwa lang ako eh" sabi niya

"At bakit ka natutuwa?" tanong ko

"Kasi napasaya kita ngayon eh atsaka nakita kita ulit na ngumiti ng dahil saakin" sabi niya saakin at bumalik na naman ang ngiti niya.

Pinapasok kami ng nagooperate sa ride sa loob ng ferris wheel. Unti unti naman itong umaakyat.

"Nixy," ako

"Hmmm?" tanong niya

"Ah, thank you nga pala. Nang dahil sayo bumalik ang pagiging masayahin ko" sabi ko sakanya na nakangiti

"Its my pleasure to make the cold hearted man to smile" sabi niya na ikinatawa naming dalawa.

Pagkatapos ng Ferris wheel ride ay umuwi na kami sa bahay nila nixy. Pagdating namin sa bahay ay naghihintay pala silang lahat saamin ni Nixy at may nakakalukong ngiti pa.

"San kayo galing?" tanong ni Nathan na nakangiti.

"Wala kana don" sabi ko at umakyat na sa kwarto. Sumunod din pala si Nixy saakin.

Bago pa siya pumaaok sa kwarto niya ay tinawag ko siya.

"Nixy" ako

"Bakit?" sabi niya

"Goodnight "sabi ko

" goodnight din"sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.

Naglakad na din ako papunta sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at natulog ng nakangiti....


°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Hi everyone!!!!! Thank you po pala sa mga nagsusuport ng story and please keep supporting po!!!!

Love yah!!!

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon