💞CHAPTER 22💞

12.9K 339 3
                                    


Firen's Pov.

Bitbit ko ngayon si Nixy na natutulog. Pansamantala ko ding hinahanap ang iba pa naming kasamahan. Ibinaba ko muna si Nixy at isinandal sa puno para magpahinga. Nakita ko naman siya na gumalaw.

Nilapitan ko siya at nakita ko na unti unti niyang iminumulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya ng makita ako at nagkatitigan kami.

Dug! Dug! Dug! Dug!

Hala! Ano yun?

"A-ah o-okay ka na?" Nauutal na tanong ko sakanya ng makabawi ako at lumayo ng kaunti sakanya

"O-okay na ako" sagot niya pabalik

"Kaya mo na bang maglakad?" Tanong ko.

"Oo naman" sabi niya

"Tara na, hanapin na natin ang iba" sabi ko sakanya at naunang maglakad.

Naramdaman ko naman na sumabay siya saakin sa paglakad.

"Pwedeng usap tayo" sabi nito saakin.

Tumango na lang ako dahil hindi ko siya matanggihan, baka umiyak na naman to paghindi ako nakipag usap.

"Bakit hindi ka bumalik sa dati?" Tanong nito saakin

"Hindi ko gusto" sabi ko dito.

"Ahhh. Nagmahal kanaba ulit?" Tanong uli ni Nixy

"Hindi, at hindi ko siya ipagpapalit" sabi ko sakanya at tiningnan siya. Nakita ko naman sa mata niya ang sakit? Bakit siya masasaktan?

"Ah, ang swerte swerte niya pala kasi kahit wala na siya ay mahal mo pa rin siya" sabi niya saakin na nakangiti pero parang peke.

Ngumiti na lang ako sakanya.

"Pwede bang Ren na lang ang itawag ko sayo?" Tanong niya saakin

"Ren? Bakit Ren?" Tanong ko sakanya

"FiREN. Kinuha ko lang sa pangalan mo yung last" sabi naman nito saakin

"Hindi" ako

"Sige na!" Sabi ni nixy

"No"ako

" please!" Ang kulit ng babaeng to.

"Hindi nga" ako.

"Sige na please" siya ulit

"No" ako

"Sige na, pwede mo akong tawagin sa kung ano ang gusto mong itawag saakin basta't payagan mo lang ako  na Ren ang itawag ko sayo" sabi nito saakin

"Fine! Ang kulit mo talaga." Sabi ko dito

"Yehey!!! Tara na REN hanapin nanatin ang mga kasama natin" sabi nito saakin saka ako hinila.

Your unbelievable Nixy!

----------------------------------------

Nathan's Pov.

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad nitong si Erica at hinahanap ang iba pa naming kasama.

"Pahinga na nga muna tayo. Pagod na ako eh" reklamo nito

"Anong pahinga?! Kailangan natin silang mahanap para makompleto tayo. Ang Arte mo naman" sabi ko dito

"Hoy! Ako maarte?, eh ikaw kaya may kasama na ang laki ng hakbang at mabilis maglakad. Sinung di mapapagod?" Sabi ni Erica

"Ang sabihin mo maarte ka lang" sabi ko dito

"Hindi sabi ako maarte. Ikaw lang tong mukhang kapre" sabi niya pabalik saakin

"Sa gwapo kung to, nagmukha akong kapre? Magsalamin ka na kaya para hindi malabo yang mata mo"sabi ko

"FYI, hindi malabo ang mata ko atsaka ikaw gwapo? Sang banda?" Sabi ni Erica saakin

"From Head to toe" confident na sabi ko

Nabigla ako ng bigla siyang tumawa.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko dito

"Hahahahaha. From head to toe daw! Hahahahaha fellingero!" Sabi niya saakin at nagpatuloy na tumawa at dahil naririndi na ako sa kakatawa niya ay pinatahimik ko siya....

"Hahaha--- Hhhhmmmmpppp"

Ngumisi ako sakanya ng pang asar at nakita ko ang mukha niya na pulang pula...

"Bakit mo ginawa yun?!" Saigaw na tanong niya saakin

"Para patahimikin ka" nakangisi kong sabi sakanya

"Bakit? Bakit hinalikan mo ako para patahimikin? Pwede namang patahimikin mo ako sa pamamagitan ng pagtakip mo sa bibig ko eh, pero bakit mo ako hinalikan?" Naiiyak niyang sabi

Oo, tama kayo ng nabasa, hinalikan ko siya dahil sa kaingayan niya.
Nginisihan ko nalang siya

"Waaahhhhh! Yung first kiss ko" pagwawala niya at umupo na sa lupa

Pinuntahan ko siya at hinila ang kamay niya patayo .

"Wag kanang magdrama diyan. Hanapin na lang natin ang kasamahan natin" sabi ko sakanya at inakbayan.

Ang sarap pala ng la- aish nagiging manyak na ako. Makahanap na nga sa iba

--------------------------------

Allan's Pov.

Kasalukuyan kami ngayon ni Lovely na naghahanap sa kasamahan namin. Sa di kalayuan ay may narinig kaming pag aaway na sa tingin ko ay sina Nathan at Erica. Sinundan namin ang ingayna iyo hanggang sa nakita naminna tumatawa si Erica.

"Hahahahaha. From head to toe daw! Hahahahaha fellingero!" Sabi ni Erica

Nakita ko naman si Nathan na parang naririndi na sa kakatawa ni Erica. Nilapitan ni Nathan si Erica at ang akala ko na tatakpan niya ang bunganga ni Erica para tumigil sa kakatawa ay hindi pala.

Narinig ko rin ang pagsinghap nitong katabi ko.
Sisigaw na sana si Lovely ng takpan ko ang bunganga niya atsaka binulungan.

"Wag kang maingay baka madistorbo sila" sabi ko kay lovely.

Tumango naman siya kaya binitiwan ko na siya.

"Bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ni  Erica kay Nathan

"Para patahimikin ka" sagot naman ni Nathan na nakangisi

"Bakit? Bakit hinalikan mo ako para patahimikin? Pwede namang patahimikin mo ako sa pamamagitan ng pagtakip mo sa bibig ko eh, pero bakit mo ako hinalikan?" Naiiyak na sabi ni Erica

"Waaahhhhh! Yung first kiss ko" pagwawala ni Erica

Pinuntahan ni Nathan si Erica atsaka hinila patayo

"Wag kanang magdrama diyan. Hanapin na lang natin ang kasamahan natin" narinig ko na sabi ni Nathan kay Erica.

Nagkatinginan kami ni Lovely at sabay na tumawa. Sinundan nalang naming dalawa sina Nathan at Erica na nag aaway.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Okay lang po ba? Okay lang po ba yung mga kilig moment nila.????

Please Vomment po.....

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now