CHAPTER 15

14.3K 346 6
                                    


Nixy's POV

Naglalakad kami ngayong apat patungong classroom at alam niyo ba na lahat ng madadaanan namin ay ang sasama ng tingin pero yung mga classmate namin ay wala lang. Ngumingiti lang sila.

Pagpasok namin sa loob ay as usual ang ingay pero ng dumating na si Ms. Rodelene ay nanahimik na din.

"Good morning students" bati niya saamin

"Good morning Ms." Sabay na sagot namin

"Hindi muna ako maglelesson sainyo mula ngayon hanggang huwebes dahil sa biyernes na ang THE MAGICAL COMPETITION kaya maaari na kayong umalis at simulan ang pagtraining" sabi ni Ms. Rodelene atsaka umalis

Nag unahan naman ang mga classmates ko na lumabas kaya nagpahuli kaming apat sa paglabas.

Nang wala ng nagsisiksikan ay saka pa kami lumabas.

"Uhm rose, magtratraining kayo?" Tanong ko

"Ah oo, ikaw ba?" Tanong saakin ni rose pabalik

"Ewan," sabi ko

"Ah nixy dito na kami dadaan ah kasi dito papunta ang training room atsaka sumunod ka nalang saamin kung magtratraining ka" sabi ni Marnelyn

Tumango lang ako at nagpaalam naman silang tatlo saakin. Naglibot muna ako hanggang sa mapadaan ako sa garden na kung saan ko nakapagkwentuhan si Firen. Hayyy... Sana bumalik na siya sa dati.

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa likod ng academy na puro puno. Pumasok ako sa gubat at ilang sandali lang ay may nakita akong open field na pwede kung mapag eensayuhan.

Nagsimula akong tumakbo ng 500 hundred laps at pagkatapos ng dalawang oras ay natapos ako at sinunod ko ang push ups at set ups na natapos ko din ng dalawang oras. Pumunta ako sa cafeteria upang bumili ng makakain at maiinom. Pagkatapos bumili ay naglakad ako pabalik sa gubat. Pagdating ko doon ay naghanap ako ng mauupuan at may nakita akong tumba na kahoy kaya doon na ako umupo at nagsimulang kumain. Pagkatapos kumain at kunting pahinga ay nagsimula na ako sa pag eensayo.

Ngayon ay physical combat naman ang eensayo ko. Nagulat ako ng sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng damit ng isang diyos.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko

"Batid ko ma gusto mong mag ensayo ng physical combat ng may kasama kaya tutulungan  kita pero basics muna ang ituturo ko sayo" sabi niya

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko

"Ako nga pala si Ace the God of Ice" sabi niya

"Ako nga pala si---"

Hindi na tapos ang sasabihin ko ng magsalita siya

"Kilala kita" sabi niya

Nginitian ko nalang siya  at tinuruan niya ako sa physical combat, paggamit ng espada at bow at arrow at paggamit ng kapangyarihan ko.

Pag uwi ko ay nagpasalamat ako sakanya. Pagdating ko sa dorm ay hindi ko na nakita ang tatlo kaya pumasok na ako sa kwarto ko at natulog .........

FOUR DAYS LATER........

Nandito na kami ngayon sa arena dahil ngayong araw na ang competition namin. Hindi din alam ng tatlo kung nagtraining ba ako. At sa lahat ng araw ay marami ang naituro sa akin ng God Of Ice at natalo ko siya sa physical combat at sa pag eespadahan.

"NIXY!!!!!" Rinig kung sigaw ng tatlo

"What?" Tanong ko pabalik

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag pero parang lutang ka, ngapala nakapagtraining ka ba?" Tanong ni E.J

"Ah oo naman" sagot ko

"Saan?" Tanong saakin ni Marnelyn

"Sa secret place ko" sabi  ko

"Saan yung secret place mo?" Tanong ni Rose

"Basta" sagot ko na lang

Bigla na lang nagtilian ang lahat at dahil pala ito sa mga royalties. Nang makita kami ng mga ito ay nagsikawayan ito maliban kay firen na bumalik na sa pagkacold.

Naglakad sila papunta sa unahan na para sakanila.
Pumunta naman si HM sa gitna ng stage at nagsimulang magsalita

"Good morning students!

Are you all excited for the competition?" Tanong ni HM Zeke

"Yess" sagot ng lahat

"Pero bago muna iyan ay manonood ang mga hari at reyna" sabi ni HM at pumasok doon ang 8 reyna at walong hari kaya sabay sabay kaming yumuko.

Pagkailang sandali ay nagsalita muli si HM..

"Ngayon ay simulan natin ang paligsahan at ang unang maglalaban ay si........" HM Zeke..

(A/n: skip po muna natin ang iba ang importante ay sa mga royalties at sa apat.)


"At ang susunod nq maglalaban ay sina  Prince Ice Wade Vs. Johnny Dale" HM Zeke.

Naglakad naman silang dalawa patungong arena at nagsimula ng pumwesto.

"In three. 3,
2
1
Fight!" Sabi ni HM at nagsimula ng magpalitan ng atake ang dalawa

Author's POV

Inatake ni Johnny ang principe ng libo libong kutsilyo pero mabilis lamang na gumawa ang principe ng ice shield kaya hindi siya natamaan. Pero hindi pa din nagpatinag si Johnny at mabilis na gumawa ng maraming daggers at mabilis na ibinato sa prinsipe ngunit sinangga ito ng prinsipe gamit ang kanyang ice sword ngunit sa dami ng mga daggers ay may lumusot pa rin at natamaan ang prinsipe sa kanyang beywang. Dahil sa inis ng prinsipe ay sinugod niya ang kalaban at nakipag espadahan dito kaya mabilis naman na kumilos ang kalaban at nagsummon ng kanyang katana at sinangga ang atake ng prinsipe. Maririnig mo lang sa arena ang kalansing ng espada ng dalawa dahil lahat ng mga nanonood ay tutok din sa laban. Halos hindi na makita ng mga manonood ang kanilang kilos dahil sa bilis.

Samantala ay patuloy pa rin sa pag eespadahan ang dalawa at nag ekis ito kaya nakakuha ng pagkakataun ang prinsipe at binato niya ng ice ball ang kalaban kaya napalayo ito sakanya. Ngayon naman ay nagbabatuhan na ng kapangyarihan ang dalawa ngunit dehado naman ang kalaban dahil hindi ito makagawa ng shield. Tinira naman ng tinira ng prinsipe ang kalaban hanggang sa natumba ito kaya mabilis niya itong nilapitan at tinutukan niya ito ng espada.

Pagkatapos nun ay inannounce na ni HM kung sinong panalo.

"At ang nanalo ay si Prince Ice Wade Sner. From level 69 to level 74" sabi ni HM.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Hai everyone!!!! Sorry po pala kung magulo yung paggawa ko tapos hindi po maganda ang paggawa ko sa laban kasi po hindi po talaga ako marunong gumawa ng isang story na may laban laban but I promise po to do my best and salamat sa lahat ng sumusuporta and dont corget to VOMMENT

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now