😢CHAPTER 30😢

11.9K 308 6
                                    


Nixy's Pov.

1 week na naming binabantayan ang prinsesa at 1 week na din namin siyang tinuturuan para mapalabas ang element niya.

Kasalukuyan kami ngayng naglalakad patungong training room at nakakapit naman si Princess kay Ren. At sa 1 week din na pagsasama namin ay napaghahalataan ko din ang pagbabago ng ugali nito.

Palagi niya na kasi akong iniiripan at kapag kami lang dalawa ay sinasabe niya na layuan ko na daw si Ren pero hindi ko na lang siya pinapansin. Hindi ko din alam kung nahalata na ba nila ang magaspang na ugali ng princesa.

Nakaratig na kami sa training room at tinuturuan pa rinnila ang prinsesa.

"Ah guys, CR muna ako" sabi ko sakanila at tumango lang sila.

Naglalakad ako ngayon patungong CR. Pagkarating ko ay nanalamin ako. Hindi naman talaga ako iihi magsasalamin lang muna at para iwasan na makita ang paglalambingan ng dalawa.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang prinsesa.

"Princess" sabi ko at yumuko

Ngumiti naman siya saakin.

"Diba ang sabi ko saiyo ay layuan mo na Si Firen at ang ibang royalties" sabi niya nakataas ang kilay.

Hindi ko pa pala na sabi na pati ang ibang royalties ay gustoniyang layuan ko

"Pasensya na po Princess pero hindi ko po iyon magagawa at mga kaibigan ko sila" sabi ko sakanya

"At sino ka naman para hindi ako sundin. Hindi ba at isa kalamang na ordinaryo na Fantasian. At ako, ako na prinsesa ay dapat mong sundin" sabi niya saakin na nagagalit na

"Pero---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinabunutan niya ako

"A-aray, a-aray ko po princess. M-masakit" sabi ko sakanya pero patuloy niya pa rin akong sinasabunutan.

Hindi ki siya nilalabanan dahil renerespeto ko parin siya.

"Masakit ba? Yan ang napapala ng mga taong malandi, katulad mo na isinisiksik ang sarili sa mga royalties" sabi niya saakin na patuloy pa rin akong sinabunutan

Dahil hindi ko na makaya ang sakit ay naitulak ko na siya. Napaupo siya sahig at susugod na sana saakin ng bumukas ang pintuan.

"Princess!"


Firen's POV.

Nagtaka ako kung bakit ang tagal ni Princess sa Cr.

"Bakit ang tagal ni Princess?" tanong ni Lovely

Nagkibit balikat lang kami.

Pumunta ako patungo sa Cr ng mga babae at nakarinig ako ng ingay sa loob ng CR. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Nixy na magulo ang buhok pero nagulat ako ng makita si Princess na nakaupo sa sahig ng CR.

"Princess!" tawag naming lahat sakanya

Inalalayan ko naman siyang tumayo at niyakap niya ako atsaka nag iiyak. Tiningnan ko ng masama si Nixy dahil sinaktan niya si Princess.

"What happen?" tanong ni Marina

"K-kasi n-nakipag usap *sob* l-lang a-ako*sob* sakanya at n-nakipag*sob* kaibigan p-pero*sob* inaway n-niya ako. *sob* sabi niya *sob* na layuan *sob* ko na daw*sob* kayo kasi ako*sob* daw ang dahilan*sob* kung bakit *sob*hindi niyo na *sob* daw siya napapansin*sob*" sabi ni Princess.

Hinarap ko si Nixy at tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi yan---"

Hindi na natapos ni Nixy ang sasabihin niya ng sinampal siya ni Lovely

*pak!*

"Akala namin, mabait ka nixy! Kinaibigan ka namin pero ano tung ginagawa mo. Siguro insecure ka na kay princess kasi siya ang pinapansin namin at hindi na ikaw" sabi Ni lovely na ikinaiyak ni Nixy

Magpapaliwanag sana si Nixy ng magsalita si Marina

"Papansin ka lang pala." sabi ni Marina

"Were very disappointed to you" sabi ni Ice sakanya at lumabas

Lumabas na din kami pero bago kami lumabas ay sinamaam muna namin siya ng tingin.

Nixy's Pov

I cant believe it!
Wala naman akong kasalanan ah. Akala ko papakinggan nila ang paliwanag ko pero hindi pala.

Ang sakit, pati sarili mong kaibigan nagagalit sayo pero mas masakit pala kung marinig mo ang mga masasakit na salita galing sa taong mahal mo.

Pinahid ko ang mga luha na nasa pisngi ko at lumabas ng CR. Nagtungo ako sa dorm at doon nagmukmok.

Nagulat na lang ako ng may nagsalita sa speaker.

'My I call on the attention of Ms. Nuel

Please come to HM's office immediately'

Lumabas ako ng dorm at nagtungo sa HM office. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nadatnan ko sa loob ang mga royalties at ang tatlo kong kaibigan, ang princesa, ang hari at reyna ng Magicue Kindom at si HM.

Yumuko ako   bilang paggalang

"Bakit mo sinaktan ang mahal na prinsesa? Alam mo ba kung ano ang kaparusahan sa ginawa mo?" Galit na tanong ng hari saakin

"Hindi ko---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinampal na ako ni Tita Eliza

"Tita, tit-"

"Wag na wag mo kaming matawag na tita at tito " sabi ni tita

"How dare you to hurt my daughter" sabi ng reyna

"Kailangan ka naming ikuling sa kulungan" sabi ng hari

"Ina, Ama, okay lang po. Hayaan niyo na po siya na makapag aral atsaka okay lang po ako" sabi ng Princesa na nagbabait baitan

"Oh sige hahayaan ka naming mag aral pero wag ka nang lumapit sa anak ko at sa mga tagabantay niya.  Hindi na din kita papayagan na kasali ka sa magbabantay sa anak ko" sabi ng mahal na hari

Tumango na lang ako atsaka lumabas sa office ni HM. Dumeritso ako sa dorm at nagmukmok.

Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko ngayon. I lose them.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at ilang sandali lang ay nahulog na ako sa kadiliman at nakatulog.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Okay  lang po ba????

Please vote and comment

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon