CHAPTER 21

12.5K 348 8
                                    


Ayra's POV.

"Wahhhhh" sigaw namin pareho ni Nate dahil sa pagbalibag ng halimaw sa aming dalawa.

Tumayo ako at gumawa ng maraming air ball ngunit hindi pa rin natablan ang halimaw na drazard na ito. Ginamit ko ang speed ability ko at tumakbo paikot sa halimaw. Habang tumatakbo at pinagbabato ko din siya ng air spikes.

Ilang minuto ko rin yung ginawa ngunit gumagaling lang ang halimaw. Tumigil ako sa pagtakbo at tinignan ng mabuti ang halimaw.

Nakita ko naman si Nate na gumawa ng dragon na gawa sa baging at hinayaang maglaban ito. Lumapit saakin si Nate.

"Paano ba natin to mapapatay?" Tanong nito saakin

"Hindi ko alam pero oobserbahan muna natin ng mabuti ang mga kilos niya" sabi ko nalang pabalik.

Tumango lang ito at tiningnan ang dalawang halimaw na naglalaban. Itinutuk ko ang mata ko sa lahat ng parte ng katawan niya ng may nakita ako na kahina hinala sa noo niya.

"Nate! Nate! Nate!" Tawag ko kay nate...

"Bakit?" Tanong nito saakin pabalik

"Tignan mo" sabi ko sakanya at itinuro ang gawing noo ng drazard na ngayon ay nakikipaglaban pa rin sa baging na dragon ni Nate.

Nakita ko naman na tiningnan ng mabuti ni Nate ang gawing noo nito.

"Oo nga noh. " sabi nito saakin at nagtinginan kami.

Muling kaming humarap sa halimaw na busy sa pakikipaglaban. Naglabas si Nate ng plant thorns at ipinatama sa noo ng halimaw. Gumawa naman ako air arrow at ipinatama sa halimaw.

Napatakip kami ni Nate sa mata dahil biglang umilaw ang halimaw at naging abo.
Sabay pa kaming napabuntong hininga.

"Okay ka lang ba" tanong niya saakin

"Ah oo, okay lang ako. Ikaw?" Tanong ko pabalik sakanya

"Okay lang ako, andito ka na eh" sabi niya sa akin pero hindi ko narinig ang last part

"Ha? Anong sabi mo?" Sabi ko sakanya

"Wala, ang sabi ko tara na at hanapin na nga natin yung ibang kasama natin" sabi nito saakin at naunang maglakad. Sinundan ko na lang siya.

--------------------------------------------------

Marnelyn's POV

Tinapunan ko ng rose thorns ang halimaw na drazard na ito at alam niyo ba na kanina pa kami patay ng patay dito pero hindi naman namamatay. Nakita ko na gumawa si Prince Ice ng ice spheres pero hindi pa rin natatablan ang halimaw. Gumawa ako ng flower carpet at sumakay doon atsaka pinalipad sa taas. Pagdating ko sa taas ay gumawa ako ng maraming flower daggers at ipinaulan sa halimaw. Nakita ko naman na parang nasasaktan ang halimaw kaya mas niramihan ko pa ang pagpapaulan dito. Samantalang nakita ko si Prince Ice na gumagawa din ng maraming ice spikes sa ibaba. Gumawa din siya ng dark blue water ball at ipinatama sa halimaw. Natamaan nun ang ulo ng halimaw at napansin ko sa basang noo ng halimaw na parang kumislap. Kaya gumawa ako ng maraming flower spikes at lahat ng yun ay ipinatama ko sa halimaw. Nakita ko naman ang halimaw na umiilaw at naging abo. Napaupo na lang ako sa flower carpet dahil sa pagod at hindi ko namamalayan na bumabagsak na pala ito ng hindi ko namamalayan dahil sa pagod. Wala na akong ginawaat hinayaan na babagsak ang carpet ng maramdaman ko na may sumalo saakin.

"Okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Prince Ice na ipinaupo ako sa ilalim ng kahoy

"Okay lang po ako. Salamat po pala Prince Ice" sabi ko dito

"Just call me Ice and no need to say Thank you" sabi nito saakin at binuhat ako

"Tara na at hanapin na natin ang iba pa nating kasama" sabi nito saakin.

"Opo, pero ibaba niyo na po ako Pri-- este Ice" sabi ko

"Hindi, alam kung napagod ka kaya bubuhatin na lang kita" sabi pa rin nito saakin

"Pero----" ako

"No buts. Just take a rest " sabi nito saakin kaya wala na akong nagawa

---------------------------------------------------

Rose POV

"Snow tornado!" Pagcast ko ng spell sabay tutol ng wand sa drazard.

Nagkaroon naman ng snow na tornado at nilalabanan naman ito ng drazard.

" Ultimate Tornado" pagcast naman ng spell ni Frost at itinutok ang wand sa halimaw. Remember, his the Witch Prince and a half water user.

Lumapit siya saakin at tumabi saka tiningnan ang halimaw na nilalabanan pa rin ang mga tornado.

"Snow spikes!"pagcast ko ng spell at itinutok ang wand sa tornado at nilagay ang mga spikes sa loob.

" paano natin to mapapatay?"tanong saakin ni Frost

"H-hindi ko po alam" sabi ko sakanya

"Drop the formalities and call me frost. Wag kang matakot saakin, hindi naman ako nangangain ng tao eh," sabi nito at tumawa

Tinitigan ko lang siya dahil ang cute niyang tumawa.

"Hey!!! Are you okay"

"H-huh?" Ako

"I said that are you okay?" Tanong nito saakin.

"Okay lang po ako" sabi ko

"Wag mo nga akong po-in. Baka maging lolo ako nito ng wala sa oras" sabi nito saakin

Tinignan ko na lang muli ang halimaw na puro sugat na pero gumagaling lang din.

Nagulat ako ng gumamit siya ng water power niya at nagpakawala ng water spikes at pinatama niya sa halimaw. Mas dumami ang sugat ng halimaw ngunit gumagaling pa rin ito. Nakita ko rin na parang iniiwas ng halimaw ang noo niya sa mga spikes kaya nagcast muli ako ng spikes at ipinatama sa halimaw. Nagulat ako ng bigla na lang umilaw ang halimaw at naging abo.

"Hay!, natapos rin" sabi ko

"Oo nga" sabi saakin ni Frost.

"Tara na at hahanapin pa natin ang iba pa nating kasama" sabi ko at naunang naglakad.

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin at nagulat nalang ako ng may umakbay saakin.

"Frost, ano ba ang bigat ng kamay mo" sabi ko sakanya pero hindi niya ako pinansin kaya hinayaan ko nalang

"Tsk. " narinig kung sabi niya

May saltik yata ang lalaking toh sa ulo. Nakita ko naman siyang sinamaan ako ng tingin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya

"I can read you" sabi nito na ikinalaki ng mata ko. Nginitian ko nalang siya atsaka tumingin muli sa daan.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Maganda po ba? Kasi mukhang hindi eh!!! Huhuhu. Comment naman kayo dear readers para malaman ko kung maganda ba yung sulat ko o hindi.....

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now