CHAPTER 29

11.4K 320 5
                                    

Nixy's Pov.

Naglalakad ako patungong gymnasium dahil ngayon na ipapakilala si Princess. Nandito na rin sina Tito Edgar at Reyna Eliza.

Ang mga royalties kasama na kami ay nasa unahan. Hindi ko pa pala nasasabi na nalipat kaming apat sa Powerful Section.

Ilang sandali lang ay unti unti ng napuno ang gymnasium. Pumunta naman sa gitna ng stage si HM.

"Good morning students! Alam ko na naguguluhan kayo kung bakit ko kayo pinatawag pero pinatawag ko kayo dahil sa isang magandang balita. Are you ready na ba para malaman ang good news?" tanong ni HM

"Yes!" sigawan ng mga estudyante

"Pero bago yun ay hahayaan ko na ang mahal na hari at reyna ng Magicue Kingdom ang magsabi sainyo sa magandang balita" sabi ni HM

Nagbulong bulungan naman ang mga estudyante

"Tahimik! Magbigay pugay  kayo sa Mahal na reynang Eliza Legein at Mahal na Haring Edgar Legein" sabi ni HM kaya yumuko kaming lahat.

Pumunta naman ang mahal na hari at reyna sa stage at ibinigay ni HM ang dalawang mike sa Reyna at Hari.

"Alam ko na excited na excited na kayo na malaman ang magandang balita. At alam ko na sasaya kayo kung malaman niyo ito" sabi ng reyna na nakangiti

"Sa ilang taon niyang nawala ay nagpakita ang propesiya at sinabing siya ay babalik kaya hinanap namin siya at hindi kami nagkamali dahil nahanap namin siya" sabi naman ng hari

"Ang magandang balita namin sainyo ay ang pagbabalik ng aming mahal na prinsesa, si Princess Edelle Nicole Legein" sabi ng mahal na hari at reyna

Bagaman ay nagulat ang mga estudyante pero ng makahuma ay malakas na pumalakpak. Pumunta naman sa stage ang mahal na prinsesa at binigyan naman siya ni HM ng mike.

"Good morning everyone, alam ko na may ibang nagulat dahil ako ang prinsesa bagaman ako din ay nagulat pero kahit na ganun ay nagpapasalamat ako dahil nakita ko na ang aking mga magulang, tunay na magulang. Lubos din akong nagpapasalamat dahil sa pagtanggap niyo saakin ng buong puso kaya maraming maraming salamat sainyo" sabi niya na may mahinhing boses.

Nagpalakpakan naman kaming lahat.

"Maraming salamat sa inyong pagpunta "sabi ng mahal na reyna at bumaba silang tatlo sa stage.

" students of Powerful section. Please proceed to my office "sabi ni HM

Pumunta naman kaming lahat sa office ni HM.
Kumatok muna si Lovely bago binuksan ang pinto. Nadatnan naman namin doon sila Tito Edgar, Tita Eliza at Princess. Yumuko naman kaming lahat para magbigay pugay.

Natawa ang tatlo sa amin.

" diba at sinabe na namin sainyo na wag masyadong pormal pagtayo lang"sabi ng mahal na reyna

Tumayo na lang kami ng maayos.

"Magsiupo muna kayo mga bata" sabi ni HM kaya umupo kami

"Mahal na prinsesa, sila po ang pinakamalakas na estudyante dito sa academy kaya sila ang inaatasan ko na magbantay saiyo. Okay lang po ba?" tanong niya kay princess

"HM naman. Diba sabi ko Princess na lang itawag niyo sa akin atsaka wag niyo akong po-in. At okay lang po saakin kong sila ang magbabantay saakin" sabi ni Princess

Ngumiti lang si HM.

"Anak, aalis muna kami ng ama mo kasi kailangan pa naming balikan ang kaharian kaya sana ay maintindihan mo" sabi ni Tita Eliza atsaka niyakap si Princess.

Niyakap din ni Tito si Princess. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inggit. Mabuti na lang at hindi nila mababasa ang isip ko.

Umalis na din sila tito at tita kaya nagpaalam na din kami kay HM

"Ah HM, ililibit po muna namin si Princess dito sa academy para hindi siya maligaw" sabi ni Ice na nakangiti

Tumango naman si HM kaya lumabas na kani at nagsimulang ng ilibot si Princess.

Someone's PoV.

"Sigurado ka ba na siya yun?" tanong ng babae sa kasama nitong lalaki.

Nakasakay sila ngayon sa karwahi.

"Hindi ko alam" sagot naman ng lalaki

"Siguro ay kailangan natin siyang obserbahan, kasi kung siya yun ay dapat nasa kanya yung bagay na yun" matigas na sabi ng babae sa lalaki

"Hindi ko alam mahal ko pero oobserbahan muna natin siya" sabi ng lalaki sa babae.

"Paano kung hindi siya yun mahal ko?" tanong naman ng babae

"Wala tayong magagawa mahal ko, ang kailangan lang nating gawin ay tibayan ang loob natin" sabi ng lalaki sa babae at hinalikan ito sa noo

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Another short update!!!!!

Any reaction?

Just comment everyone

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon