CHAPTER 28

11.7K 327 6
                                    

Nixy's POV.

Kasalukuyan kami ngayong nagbibiyahe papuntang  MAGICUE Kingdom para sunduin ang prinsesa.
Balak na kasing ipakilala siya s buong academy. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa kaharian. Pumasok ang karwahing sinasakyan namin sa malaking gate ng kaharian. Kalahating oras din ang lumipas bago kami tuluyang makarating sd malaking pinto ng kaharian. Bumaba kami sa karwahe at nakita ko ang napakadaming kawal ng nagbabantay sa magkabilang gilid ng daanan. Umakyat kami sa 10 steps na hagdanan. Pumasok kami sa malaking pintuan ng kaharian. At dahil sa ngayon pa kaming apat (rose, erica at marnelyn) nakapunta rito ay hindi namin mapigilang mamangha.  Lahat ng gamit sa palasyo ay ginto. Ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa Royal room.

(A/n: yung royal room po ay kung saan nandoon yung upuan ng hari at reyna)

Binuksan ng isang kawal ang pintuan ng royal room at pinapasok kami. Pumasok kami at nakita namin ang mahal na hari, reyna at prinsesa na masayang nag uusap.

Yumuko kaming lahat bilang tanda ng pagbibigay galang.

"Tumayo na kayo ng maayos mga bata" sabi ng mahal na reyna sa malambing niyang boses.

Tumayo naman kami ng maayos at nginitian ang mahal na reyna. Isa isa niya kaming tiningna hanggang sa tumingin siya saakin at nagulat.

"Okay lang po ba kayo ina?" Tanong naman  ng prinsesa

Tumango naman ang reyna at ngumiti.

"Royalties, sino pala ang mga bago niyong kasama" tanong ng mahal na hari saamin.

"She's Rose Witchilyn, a witch, Marnelyn Floweryn, a flower controller, Erica Jean Potter, a caster and Nixy Nuel, an ice magic user" sabi ni Lovely na itinuro pa kami isa isa

Ngumiti naman kaming apat sakanila...

"Magandang araw sainyong apat" sabi ng mahal na reyna na nakangiti

"Magandang araw din po sainyo mahal na reyna" sabay din naming sabi

"Tawagain niyo na lamang akong tita, Tita Eliza. Ito naman ang asawa ko na si Edgar" sabi ng mahal na reyna saamin na nakangiti

"Magandang araw din po sainyo mahal na hari" sabay na sabi naming apat

Tumawa muna ang hari bago magsalita.

"Ang pormal niyo naman mga bata. Tawagin niyo na lamang akong Tito Edgar" sabi ng mahal na hari

Ngumiti naman kaming apat sa hari.

"At sainyong lahat, ito ang aking anak na si Princess Edelle Nicole " sabi ng mahal na reyna

Tiningnan namin ang prinsesa at nakangiti ito saamin. Aaminin ko na napakaganda niya kompara saakin. Nagulat kaming biglang yakapin ni Ren ang prinsesa.
Nagulat din ang prinsesa sa ginawa ni Ren pero niyakap niya rin ito pabalik.
Nang nagsink in sa utak ni Ren ang ginawa niya ay humiwalay siya sa yakap nila ng prinsesa.

"Ah pasensya na po kayo mahal na prinsesa" sabi ni Ren na nahihiya

"Okay lang iyon ano ba ang mga pangalan niyo?"sabi ng prinsesa sa mahinhing boses

" ako nga po pala si Erica mahal na prinsesa"sabi ni Erica at yumuko pa .

"Rose po" sabi ni rose at ginaya si Erica

"marnelyn po" sabi din ni Marnelyn

"Nixy po" ako atsaka yumuko sakanya

"Lovely Heal po, princess of Healer kingdom "sabi ni Lovely at yumuko

" Allan castro, prince of Caster kingdom"sabi ni Allan at yumuko

"Frost Sner Wicche, prince of witch kindom"sabi ni Frost at yumuko

" Nathan Ertha, Prince of Erthe Kingdom"sabi ni Nathan at yumuko

"Nate Ertha, pamangkin ng Queen of Erthe kingdom"sabi ni Nate at yumuko

" Marina Snow, princess of Wazzar Azu Kingdom"sabi ni Marina at yumuko

"Ice Wade prince of Wazzar Azu Kingdom and twin of Marina"sabi ni Ice at yumuko.

" Ayra Wina, Princess of Aer Kingdom"sabi ni Ayra at yumuko

"Flame , pamangkin ng Reyna nang Fiur Kingdom" sabi ni Flame at yumuko

At ang huling nagpakilala ay si Ren.

"Firen Red po pala mahal na prinsesa, Prince of Fiur Kingdom" sabi ni Ren at hinawakan ang kamay ng prinsesa atsaka hinalikan.

Tumungo naman ako para hindi na makita ang gingawa ni Ren dahil alam kung masasaktan lang ako.

"Hello pala sainyong lahat, ako nga pala si  Elle Chloe Leic pero ang sabi ni Ina at Ama eh ang totoo kung pangalan ay Edelle Nicole kaya maaari niyo akong tawaging Princess o Princesa Nicole kung gusto niyo" sabi niya saamin na may kasamang ngiti.

Hindi ko maipagkakaila na napakabait ng mahal na prinsesa at bagay na bagay talaga sila ni Ren.

"Alam kung gutom na kayo kaya kumain muna tayo" sabi ni Tita Eliza at naglakad na papuntang hapag kainan.

Sumunod naman kaming lahat kay Tita. Nakita ko sa lamesa ang napakaraming handa at mas nakapukaw ng pansin ko ay ang menudo na nasa plato. Tila natakam ako sa menudo pero nagising din ako ng tumawa dilang lahat except saakin at kay Tito Edgar.

"Hahahaha, alam niyo, pareho kayo ng reaksiyon ng mahal ko ng makita niyo ang menudo" sabi ni Tita na natatawa pa rin

Yumuko na lang ako dahil sa kahihiyan.
Nung umupo na sila ay umupo na rin ako. Nagsimula na silang kumain kaya nagsandok na ako ng kanin at kumuha ng menudo. Inihiwalay ko ang patatas dahil hindi ko siya gustong kainin pero hindi ko din alam kong ano ang dahilan.

"Hindi mo rin ba kinakain ang patatas iha?" tanong saakin ni Tita Eliza

"Ah, opo. Hindi ko po alam pero ayaw ko talagang kumain ng patatas na halo sa menudo" sabi ko kay tita

"Pareho pala tayo iha. Ayaw ko din sa patatas na halo ng menudo" natatawang wika ni Tito Edgar kaya natawa na rin ako

"Nagkataon lang siguro" sabi ko at tumigil na sa kakatawa at kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami ng kaunti bago namin naisipan na bumalik ng academy.

At sabi saamin ni Tito at Tita na bukas ay pupunta sila sa academy para ipakilala si Princess.

Ano kaya ang mangyayari? Hay!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Okay lang po ba? Sana nagustuhan niyo. Sana magcomment po kayo para malaman ko ang mga reaksiyon niyo.

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن