CHAPTER 25

12.2K 390 4
                                    

Nixy's Pov.

Naglalakad kami ngayon apat patungong HM office. Hindi namin alam pero pinatawag kami ni HM.
Ilang sandali lang ay nandito na kami sa harap ng pintuan. Kumatok ako atsaka pumasok sa loob. Nakita ko din ang iba pang royalties.

Nang makita nila kami ay ngumiti sila (except firen)kaya nginitian namin sila pabalik.

"Good morning HM" sabay na bati naming apat

"Good morning din sainyo. Please taje your seat" sabi ni HM

Umupo naman kaming apat.

"Pinatawag ko kayo dahil gusto kong sabihin sainyo na bibigyan ko kayo ng bakasyon sa Mortal world ng 1 week." Sabi ni HM

"Talaga?!" Sabay na tanong naming lahat.

Tumango naman si HM na ikinatuwa ko ng labis. Ibig sabihin ay makikita ko na si Mama at Papa.

"You may now go and pack your things. Mag oopen ako ng portal dito. Kailangan makabalik kayo in 10 minutes" sabi ni HM

MAbilis naman akong lumabas sa opisina ni HM at tumakbo papunta sa dorm at pagkadating ko sa dorm ay pumasok ako sa kwarto at mabilis na nag empake. Pagkatapos kung mag empake ay lumabas ako ng kwarto at nakita ko silang tatlo na excited na rin.

"Tara na" sabi ko

"Teleport tayo" sabi ni Erica na halatang excited at nag cast nang spell.

Iniluwa kami nito sa pintuan ng opisina ni HM. Kumatok at Binuksan ko ang pinto  atsaka nakita ko na lahat ng royalties na naghihintay.

"Mag iingat kayo. At wag gumamit ng powers" sabi ni HM

Naunang pumasok naman ang royalties sunod sila marnelyn, rose at Erica. Panghuli ay ako.

Ilang sandali lang ay iniliuwa kami nito sa isang eskenita.

"Saan tayo ngayon tutuloy?" Tanong ni Lovely

"Don't worry! Pupunta tayo sa bahay namin" sabi ko sakanila

"Atsaka malapit lang bahay namin dito. Maglakad na lang tayo" sabi ko sakanila

After 15 minutes.

Nandito ma kami ngayon sa harap ng bahay namin. Nagdoorbell ako ng tatlong beses. Ilang sandali lang ay bumukas ang gate at nakita ko si Mama. Nang makita niya ako ay umiyak siya at niyakap ako

"Anak, akala *sob* ko *sob* kung nasaan *sob* ka na. *sob* san ka ba *sob* kasi galing?" Sabi ni mama

"Sorry mama kung hindi po ako nakapagpaalam sainyo. Eh kasi nan po eh pabigla bigla atsaka.... Ah basta mahabang kwento. Pero tahan na po, nandito na ho ako" sabi ko kay mama

Tumahan naman si mama sa pag iyak.

"Hon! Sino yang kausap mo!? Bat ang tagal mo!? " sabi ni Papa

Lumabas si papa ng gate at ang makita niya ako ay niyakap niya ako.

"Anak,where have you been? Matagal ka na naming hinanap " sabi ni Papa

"I'm sorry pa kung hindi ako nakapag alam sa inyo atsaka sorry kasi pinag alala ko kayo" sabi ko kay papa

Tumango lang si Papa at ng makita niya na may kasama ako ay nagtanong siya

"At sino ang mga kasama mo?" Tanong nito saakin

"Ah, siya po si Erica Jean, Rose, Marnelyn,Marina Snow, Ayra Wina, Lovely, Allan, Nathan, Nate,Flame, frost,  Ice Wade, at Firen. My friends" sabi ko na itinuro sila isa isa.

"Hi po" sabay na sabi nila.

"Ah tara, pasok muna tayo para makapagpahinga kayo ng maayos. Alam kung pagod na pagod na kayo" sabi ni Mama atsaka pumasok silang dalawa ni Papa sa loob ng bahay.

Sumunod naman kaming lahat sa kanila.

"Ah mga bata, gusto niyo bang magmeryenda muna p magpapahinga muna kayo?" tanong saamin ni Papa

"Ah matutulog po muna kami" sabi nilang lahat

"Ah, ma, pa , hatid ko muna sila sa kwarto nila pagkatapos ay bababa po ako para magmeryenda" sabi ko sakanila (mama at papa)

"Hali kayo guys" sabi ko sakanila (kaibigan)

Umakyat kami sa second floor at pumunta sa kwarto ko.

"Yung girls, sama sama lang sa kwarto ko kaya dito lang kayo dahil ito na ang kwarto ko. " sabi ko sa mga babae. Tumango naman sila at pumasok sa kwarto.  ..
.
Naglakad uli ako at pumunta sa pinakadulong kwarto.

"Kayo boys, dito kayo sa guest room. Magsama sama na lang kayo sahil ito lang ang guest room" sabi ko sa mga boys. Tumango na lang sila at pumasok na.

Wala namang dapat ipag alala dahil malaki ang kwarto at ang guest room.
Bumaba ako at pumunta sa kusina para magmeryenda. Naabutan ko si Mama at Papa na nag uusap.

Pumunta ako sa table at umupo atsaka kumuha ng pagkain at nagsimulang kumain.

"Anak? Saan ka ba galing?" tanong saakin ni Papa.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Ang totoo po kasi niyan papa, hindi po ako ordinaryong tao" sabi ko sakanila.

"Paano?" tanong ni Mama

"May kapangyarihan po ako" sabi ko sakanila.

Bumuntong hininga naman silang dalAwa

"Alam na namin yun. Kasi may isang babae na nagsabi saamin na hindi ka daw ordinaryo, may kapangyarihan ka daw. Nung malaman namin yun ay natuwa kami ng papa mo" sabi saakin ni mama

"Ang totoo po niyan eh, ang mga kasama ko po ay may kapangyarihan at galing po sila sa Fantasia. Pati na rin ako" sabi ko

"Atsaka, naghahanap din po ako ng paraan baka doon ko na makita ang totoo kong magulang" sabi ko  na ikinalungkot nila

"Mama, papa, wag po kayong malungkot. Hahanapin ko lang sila dahil marami akong gustong itanong" patuloy ko

Niyakap naman ako ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik. Nakisali na rin si Papa.

"I love you ma, pa" sabi ko

"I love you more anak" sabay na sagot nilang dalawa.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Okay lang po ba? Please comment po para malaman ko kung okay o maganda ba siya kasi yung comment niyo po ay yung nagjujudge sa kwento kaya hinihingi ko ang kga comment niyo.

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon