😱CHAPTER 16😱

13.2K 359 4
                                    


Author's Pov.

Samantalang naghihintay si nixy kung sino ang susunod na tatawagin ay napagawi ang tingin niya sa mga hari at reyna. Namangha siya dahil sa kagandahan at kagwapuhan ng mga ito ngunit napako ang tingin niya sa reyna at hari ng Magicue Kingdom. Nakikita niya ang maaliwalas na ngiti ng mga ito ngunit mababakasan din ng lungkot ang kanilang mata. Bigla na lamang ding nakaramdam ng malungkot si Nixy. Hindi niya alam ngunit nasasaktan siya kung nakikita niya itong malungkot.

Naramdaman ng Reyna na may tumingin sa kanya kaya inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa nakita niya si Nixy na nakatingin. Hindi alam ng reyna ngunit napangiti na lamang siya ng ngumiti si Nixy. Hindi rin malaman ng reyna kung ano ang naramdaman niya ng matitigan niya ng mabuti si Nixy . Hindi maipagkakaila na may parehong hugis ng mata ang hari at si nixy samantalang nakuha naman ni Nixy ang tangos ng ilong ng reyna. Ang mga labi din nito ay parang pinaghalong labi ng reyna at hari. Laking tuwa ng reyna na baka iyon na ang kanyang nawawalang anak kaya't pinagmasdan niya ng mabuti ito. Ngunit napatigil lang siya sa pagmamasid dito ng narinig niya na may tinawag na namang estudyante ang headmaster..

"At ngayon ay ang mgalalaban ay sina Princess Lovely Heal at Nori Mae Chie" anunsyo ni HM

Si nori mae ay may kakayahang komontrol ng halaman at si Princess lovely ay kayang maglason ng kung anong maybuhay.

"3!
2!
1!
Fight!" Sigaw ni HM

Nagsukatan muna ng tingin ang dalawa bago sumugod sa isa't isa. Naunang sumugod si Nori MAe dala ang kanyang espada na gawa sa kahoy pero kasing talas ng samurai. Gumawa naman ang prinsesa ng espada na kapag masugatan ka nito ay maaari kang malason.

Iwinasiwas ni Nori Mae ang kanyang espada kaya napaatras ang prinsesa. Nagpalabas si Nori Mae ng maraming baging at ipinulupot sa prinsesa ngunit unti unti itong namatay na ikinagulat ni Nori Mae.

"Hindi mo ba alam na kung gusto kung lasonin ang isang maybuhay ay kaya kung lasonin sa pamamagitan ng paghawak dito?"sabi ng prinsesa
.

Alam naman iyon ni nori mae dahil kasama naman ito sa leksyon nila.
Nag igting ang mga panga nito at  gumawa ng maraming plant eater ngunit nilason lamang ito ng prinsesa gamit ang isip.

(A/n: gawa gawa ko lang po yang plant eater ah. Ito yung nangangain ng tao.)

At dahil sa inis ni nori mae ay sinugod niya ang prinsesa gamit ang espada ngunit sinalag naman ng prinsesa ang mga atake nito.
Nakakita naman ng pagkakataon ang prinsesa at nahawakan niya ang kalaban kaya nahimatay ito dahil ginamitan niya ito ng lason pero kaya niya itong paggalingin.

" and the winner is Princess Lovely Heal, from level 68 to level 73" pag aanunsyo ni HM.

Fastforward.........

Princess Marina Snow Sner
- winner
-level 69 to  level 73

Prince Allan Castro
-winner
-level 70 to  level 74

Prince Nathan Ertha
-winner
- level 68 to level 74

Princess Ayra Wina Ayro
-winner
- level 62 to level 74

Prince Frost Sner
-winner
-level 68 to level 75

Prince Flame Red
-winner
-level 69 to level 73

Prince Nate Ertha
-winner
-  level 68 to 75

Prince Firen Red
-winner
-level 70 to 79

"And next is Ms. Rose Witchilyn Vs. Ms. Karen  Casimmierre" hm said

Si Rose ay isang witch samantalang si Karen ay isang caster kaya siguradong matindi ang laban ngayon.

(A/n: readers! Attention! Lahat nga po pala na mababasa niyong spell ay gawa gawa ko lang kaya wag pong seryosohin ang mga gawa kung spells)

"3!
2!
1!
Fight!" Pagkasigaw ni HM nun ay biglang nanahimik ang lahat.

Nagpalitan muna sila ng tingin sabay wasiwas ng kanilang wand at nagbato ng spell sa isa't isa.

"Hell fire!/water wave" sabay na sabi ni Karen at rose

Nagsalpukan ang mga atake nila kaya nagkaroon ng malakas na pagsabog. Nagkaroon din ng usok sa paligid kaya halos wala ng makita ang mga manonood. paSimple namang nagcast ng spell si rose para makita ang nasa paligid niya.

Nakita niya si Karen na palinga linga at dahil walang nakikita si Karen ay pinatamaan ito ni Rose ng isang spell.

"Cold fire!" Pagcast ng spell ni rose atsaka itinutok ang wand sa direksyon ni karen. At dahil sa wala itong makita ay natamaan siya ng ataking iyon.

"Wind blows!" Pagcast ni Karen ng spell dahil pa ra mawala ang usok sa paligid.

Nakita naman niya si rose na nakangisi sa kanya kaya mas lalo siyang nainis.

"Hot Ice" pagcast ng spell ni karen kaya mabilis namang gumawa ng shield si Rose

"7 layer shield!" Pagcast ni rose para makagawa ng shield

"Poison Bomb!" Inis na cast ni Karen ng spell

Mabilis namang umilag si Rose sa atakeng iyon ngunit hindi niya inaakala na hihinto pala ito sa likuran niya at sumabog.

" air blows!"sigaw ni Rose at  nawala ang poison air sa paligid ni Rose at pumunta kay karen kaya dinispell naman ni karen ito agad agad.

" tsunami wave!
Earthquake!
Blazing Fire!
Air Tornado!" Sabay na pagcast ni Karen ng spell dahilan ng panghihina nito.

"Boomerang!"sigaw naman pabalik ni Rose kaya bumalik kay karen ang mga atake niya at dahil sa wala na itong lakas para tumayo ay natamaan ito ng sarili niyang atake sanhi ng pagkahimatay nito.

" and the winner is Ms. Rose Witchilyn, you get level  59" anunsyo ni HM

Bumalik na si Rose sa upuan niya at sinalubong siya ng mga kaibigan niyang proud na proud sa kanya.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Hi!!!! Hello!!!! First of all gusto ko lang magpasalamat sa mga bumabasa ng story na ito at salamat din dahil sa pag iintindi nito kahit magulo. Sa lahat po ng mangbabasa taos puso ko pong sasabihin sa inyo ang maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming salamat po.

Uh! Uh! Uh! Dont forget to Vomment and also please follow my profile. Thank you po ulit.

(Tears of Joy)😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now