CHAPTER 4

15.6K 423 4
                                    

Nixy's Pov.

"Kyyyyaaaaaahhhhhhh!!!!!!" Rinig kong tili ni rose

"Bakit?" Sabay na tanong naming tatlo tsaka lumapit sa kinaroroonan ni rose. Pumasok pala siya sa isang pinto na nasa right side.

"Wahhhh! Ang gaganda ng mga damit mo Nixy" saad ni rose

Tiningnan ko ang sinasabi niya at ang pinto palang ito ay puros damit ang laman. May mga sapatos din naman, mga heels, dollshoes, slippers at kung ano anu pa. May mga accessories din, may mga make up. Lahat pangprinsesa. Ang mga damit naman ay halos lahat dress pero magaganda. May mga t-shirts din, mga short shorts, pajama at may gown din.

Sa isang gilid ay may nakita akong cabinet kaya binuksan ko ito. Tumambad saakin ang 5 pares ng uniform. Ang ganda lahat.

Lumabas na kami at pumunta sa isang pinto. Pagpasok namin doon ay literal na napanganga kami. Paano ba naman eh CR pala to pero halos kasing laki ng kwarto ko. May bath tub siya tas may mga shampoo at sabon na ang sabi nilang tatlo ay gamit panligo daw ng royalties. May shower, may toilet bowl. Pero ang bango ng buong cr.

Lumabas na kami at umupo sa kama ko.

"Grabe ka nixy! Are you a princess? Eh para kasing pangprinsesa lahat ng gamit mo dito eh." Sabi ni E.J.

"No I'm not a princess noh. Siguro nagkataon lang" saad ko

"Oo nga! Baka nagkataon lang" sabi ni Marnelyn

"Oh sige na matulog na tayo at may pasok pa bukas" sabi ni Rose

Lumabas  na sila ng kwarto ko kaya humiga na ako sa kama.

Hay... What a tiring day.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Zzzzzzzzzzzzzzzz.....

=========================================

Tok! Tok! Tok!

"Nixy gising na! First day of school ngayon"

Nagising ako ng makarinig ako ng katok at pagtawag saakin

"Ito na gising na!" Saad ko.

Pumunta ako ng banyo at nagshower. Pagkatapos ng 10 minutes ay tapos na ako at nagtapis ako ng tuwalya at pumunta sa mga damitan ko. Kinuha ko ang isang pares ng uniform at sinuot. Infairness ang cute ng uniform ha. Ano kasi siya. White siya sa loob din may blazer siya na kulay red na may linings na black. At ang palda naman ay 2 inch above the knee kulay red din siya na may black linings.

Nabigla ako ng umilaw ang left side ng damit at may nabuong logo doon na P.A. at sa ilalim nun ang pangalan ko at may nakalagay na beginner.
Nagsout na ako ng kulay white na medyas na ang haba ay hanggang ibabaw ng tuhod at isinuot ko na din ang black na sapatos na may heels na 2 inch.

Humarap ako sa salamin, nasa loob pa rin ako ng walk in closet ko at nag suklay ng buhok ko at nagsout ng headband at sinout ko na din ang nakita king heart shape na earings at naglip gloos ng kaunti.

Lumabas na ako sa kwarto at tinungo sila sa kusina. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko silang kumakain pero ng makita ako ay natulala.

"O-oy okay lang ba ang suot ko? " tanong ko sa kanila

Nagkatinginan sila at biglang.....

"Kkkkkkyyyyyyyyaaaaaaahhhhhh"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng tili nila.

"Wahhh nixy! Hindi mo naman sinabi sa amin na may tinatago kang kagandahan" sabi ni Rose

"Oo nga " sang ayon ng dalawa

"Sus yun lang pala. Akala ko kung may dumi ba ako o pangit ako sa suot ko kaya kayo sumigaw" ako at nagsimula ng kumain.

Tiningnan ko sila isa isa at nakita ko na pareho pala kaming apat na beginners.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami ng dorm at nagsimula ng maglakad papuntang room namin.

Nagtaka ako kung bakit lahat ng madadaanan namin ay tumitingin sa amin o sakin?

"Ang ganda mo talaga nixy" pabulong na sabi ni marnelyn

"Tignan mo oh. Lahat tumitingin saiyo" sabi ni E. J

Tiningnan ko ang buong paligid at lahat nga ay nakatingin sa akin. Yumuko na lang ako dahil sa hiya.

Mabuti na lang at nakarating na kami sa room pero mukhang mas lumala dito dahil pagpasok ko, I mean namin ay nanahimik sila at tumingin sa akin. Sinundan ko na lang ang mga kaibigan ko kung saan sila uupo. Pero sinusundan parin ng mga kaklase ko ang bawat kilos ko kaya nahihiya ako.

Umupo ang mga kaibigan ko sa last row at mabuti na lang at may bakante pa sa gilid ng bintana kaya doon ako umupo.

Ilang sandali lang ay dumating na ang teacher namin.

"Goodmorning class, I'm Ms. Rodelene Alonzo, your history teacher" sabi ni Ms. Rodelene

Nasabi nga pala saakin nila Rose na dalawang subject lang meron dito , ang history at training. Wala ding year level dito. Basehan lang daw dito ay kung gaano kalakas ang studyante.

"Goodmorning Ms." Bati namin

"May new student ba dito?" Tanong niya

"Opo" sabay na sagot nila

"Come here in front and pls. Introduce yourself" Ms. Rodelene

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Information:

Beginners - dito napupunta ang studyanting wala pang kapangyarihan o hindi pa nakokontrol ang kapangyarihan

Star - ang mga studyante dito ay may kakayahang komontrol ng kapangyarihan ngunit hindi pa nila alam ang iba't ibang techniques na maaaring magawa ng kapangyarihan nila

Elites - mga studyanteng may kakayahang komontrol ng kapangyarihan at magaling sa physical combat

Powerful- ang mga studyante dito ay may kakayahang gumawa ng mga delikadong techniques at magaling makipaglaban. Karamihan sa mga estudyante dito ay mga royalties.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Sorry sa pagpapabitin. Kailangan ko pa kasing lagyan ng mga info para mas maintindihan niyo.

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon