CHAPTER 5

15.3K 409 7
                                    


Nixy's Pov.

Pumunta na ako sa unahan at nagpakilala.

"Hi ako nga pala si Nixy Nuel. 18 yrs old" ako atsaka nahihiyang ngumiti

"Questions?" Ms. Rodelene

"Anong kapangyarihan mo?" Tanong ng isang babae na sa tingin ko ay mas bata pa sa akin

"Hindi ko pa alam" pagkatapos ko sabihin iyon ay yumuko ako at iniexpect ko na pagtatawanan nila ako pero hindi. Nagkamali ako dahil sila pa nga ang nagrason kung bakit wala akong kapangyarihan

"Baka late bloomer ka lang" sabi ng isang lalaki

"Oo nga" sang ayon ng lahat

Napangiti ako dahil mababait naman pala sila.

"Wag kang mag alala Ms. Nuel. Nandito ang academy para tulungan ka na malaman o mapalabas ang iyong kapangyarihan" nakangiting sabi ni Ms. Rodelene

"Maraming salamat po" sabi ko

Umupo ako pabalik sa upuan ko na magaan ang loob dahil tanggap ako ng mga kasection ko.

"Okay class, ang pag uusapan natin ngayon ay tungkol sa Wazzar Azu kingdom o water kingdom.

Ang Wazzar Azu kingdom ay makikita sa silangang bahagi ng fantasia.
Ito ay pinamumunuan ni Haring Walter Sner at Reyna Aqua Sner. May dalawang anak sila na kambal na sina Prince Ice  Wade Sner at Princess Marina Snow Sner na kasalukuyang nag aaral dito. Mayroon din silang pinsan na nag aaral dito, si Prince Frost Sner. Ang mga mamamayan sa  W.A.K.(Wazzar Azu kingdom) ay may kakayahang komontrol ng yelo, snow at tubig.
Ang  Haring Walter Sner ay may kakayahang komontrol ng tubig at yelo, kaya niya ring gumawa ng portal gamit ang tubig  samantalang ang reyna ay may kakayahang komontrol ng tubig at snow, kaya rin niyang gumamot ng mga sugat gamit ang tubig.

Ang prinsipe ay may kakayahang komontrol  ng dark blue na tubig at yelo. Ang dark blue na tubig ay napakaginaw na kapag natamaan ka nito ay maaari kang mamatay dahil kaya nitong mafroze ang puso mo sa isang iglap lang pero maaari rin na mafroze ang katawan mo batay sa kagustuhan ng prinsipe. Gaya ng ama ay may kakayahan ang prinsipe na gumawa ng portal pero mas malakas ito kaysa sa hari dahil ang portal niya ay maaari kang dalhin ito sa ibang dimension.

Sa prinsesa naman ay may kakayahan siya na komontrol ng pula na tubig na kasing init ng impyerno pero nasa prinsesa pa rin kung ano ang temperatura ng tubig niya. May kakayahan din ang pulang tubig niya na magpagaling ng malubhang sakit at mga sugat maliban lang sa kapangyarihan ng mga Deorc fantasian. Binansagan din ang prinsesa bilang legendary healer dahil doon. May kakayahan din ang prinsesa na kontrolin ang snow.

At ang pinsan nila na si Prince Frost Sner ay isang half witch at half element controller. Kaya niyang komontrol ng Yelo. May kakayahan din siya na katulad ng witch, at siya ang prinsipe ng witchy kingdom noong hindi pa nasakop ang lupain na iyon.

Sa susunod ko na lamang ikekwento ang tungkol sa mga kingdom na nasakop.

At dahil sila ay mga royalties ay nabiyayaan sila ng iba pang abilidad gaya ng kaya nilang lahat magbasa at magsalita gamit lamang ang isip. Si Princess marina ay kayang manghypnotismo ng isang tao o fantasian samantalng ang prinsipe ay kayang kontrolin ang tao sa pamamagitan ng pagkontrol sa utak nito.

At dito nagtatapos ang ating pag aaral tungkol sa Wazzar Azu Kingdom." Sabi ni Ms. Rodelene

Lahat kami ay interesado sa  kinekwento ni Ms. Dahil ngayon lang namin nalaman itong lahat dahil bago palang kami sa paaralang ito.

"Gusto niyo pa bang malaman ang tungkol sa iba pang kaharian?" Tanong ni Ms. Rodelene

"Opo" sabay na sagot namin

"Ok kaya ngayon ay ang tungkol naman sa Fiur Kingdom.

Ang fiur kingdom ay matatagpuan sa silangang bahagi ng fantasian. Ito ay pinamumunuan ni Haring Fyro  Red at Reyna Flare Red. May isang anak sila na si Prinsipe Firen Red at pamangkin na si Prince Flame Red na nag aaral din dito. Ang mga naninirahan sa Fiur Kingdom ay may kakayahang komontrol ng Apoy at kidlat. May 4 na uri ang apoy. Una ang red orange fire, ito ay ang original na apoy pero ito ay kasing init ng impyerno, kasunod ang blue fire, ito ay may kakayahang lusawin ang mga bakal at kahoy, pati na rin ang balat ng isang tao, sunod ay ang violet fire, kaya ka nitong gawing abo pagnatamaan ka nito, at ang panghuli ay ang white fire, o tinatawag ding healing fire dahil kaya ka nitong pagalingin.

At ang hari ay kayang komontrol ng red orange and blue fire at kaya niya ding kontrolin ang kidlat. May kakayahang flash speed din ang hari na kung saan ay kaya niyang tumakbo ng mabilis, para itong teleportation pero ang pinagkaiba ay tatakbo ka pa.

Ang reyna naman ang may kakayahang komontrol ng violet at white fire, kaya niya ring kontrolin ang kidlat. May kakayahan din siyang gumawa ng illusion.

At ang prinsipe ay namana ang lahat ng kapangyarihan ng kanyang mga magulang at ang prinsipe ang pinakamalakas  sa buong academy.

Samantalang si Prince Flame Red ay Kayang komontrol ng violet fire at lightning.

At dahil royalties sila ay may kakayahan silang magbasa at magsalita gamit ang isip." Ms. Rodelene

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Pabitin po muna. Nagtataka ba kayo kung bakit mataas ang history subject nila? Will gaya ng sabi ni Nixy eh 2 subject lang meron sila kaya sa umaga eh history na 4 hours at sa hapon na training din na 4 hours.

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt