His Personal Wife - 1.

1.2M 12.7K 3.4K
                                    

HIS PERSONAL WIFE.

... because being yours forever was never easy.

Written by Ella L./modernongmariaclara. All Rights Reserved. 2012.

----------------------

(No prologue, sorry)

CHAPTER 1.

KATHRYN'S POV

DANIEL JOHN FORD MONTENEGRO. 1992 - 2012. MAY HE REST IN PEACE.

Hindi. Hindi totoong patay siya. Kung hindi siya buhay, bakit may Book 2? At kung hindi siya buhay, hindi na ako makakapagkwento sainyo ngayon.

Dahil baka patay na rin ako.

Pero hindi ako binigyan ng chance na isalaysay ang buhay ko ulit para i-promote ang pagsusuicide at pagpapakamatay para sa taong mahal mo.

Binigyan ako ng chance dahil, alam ng lahat, na kahit nawala man si Daniel Montenegro ng 2 taon?

Mahal ko pa rin siya.

At gagawin ko ang lahat para maalala niya ako.

Pagkatapos ng encounter ko sa kanya sa kalsada kanina. Agad-agad na pumunta ako sa bahay nila Tito Rommel. Pagkapasok ko ng bahay nila, halos kulang na lang maglupasay ako sa sahig para lang makumbinsi siya na buhay nga ang anak niya. Buhay nga si DJ.

"Tito, please. Believe me!"

"We don't have proof, Chandria. We don't have proof that he's alive! And for Christ's sake, baka mamaya guni-guni mo lang yun. Or worse, it's just a piece of your wide imagination!"

"Tito. Please, believe me. Nakita ko siya with my own eyes! Hindi malabo ang mata ko! At nakausap ko siya. Don't tell me I'm just imagining things."

Hinilot niya ang sentido ng ulo niya at napabuntong-hininga. "Chandria. I know it's hard to accept the fact that Daniel's dead. But please, don't make it hard for me too."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon