Chapter 48

30K 958 79
                                    

CARTER

"Tara sa bar, pare?"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Nagsasawa na rin kasi akong tumitig sa kisame ng kwarto namin nitong si Henry. Nagulat ito dahil sa biglaan kong pag-aaya.

Napabangon ito mula sa pagkakahiga sa couch. "Seryoso ka ba, pare? Niyayaya mo 'ko ngayon na pumunta sa bar?" Paglilinaw pa ng loko. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. "May sakit ka ba?" Hirit pa niya.

Sinamaan ko siya nang tingin habang nagsusuot ako ng T-shirt. "Dami mong tanong!" Tumayo na ako matapos sabihin iyon. "Kung ayaw mo, ako nalang mag-isa ang pupunta sa bar para uminom." Dagdag ko pa't kinuha ang cellphone sa lamesa. Inilagay ko 'yon sa bulsa ng pantalon ko.

Agad itong napakilos. "Uy, teka! Siyempre, gusto ko!" Dali-dali siyang nagbihis. "Basta, sagot mo lahat, pare!" Tinapik ako pa ako nito sa balikat.

"Ano pa nga ba? Alangan namang sagot mo lahat, e' alam ko namang buraot ka." Pabirong ko sabi rito na ikinatawa niya. "Tara na," anyaya ko't hindi na siya hinintay. Lumabas na ako ng kwarto.

Paglabas ko'y una kong tiningnan ang kwarto ni Sedric. Mula sa labas, mukhang walang ilaw sa loob. Tahimik at hindi ko alam kung nasa loob ba siya. I know, what I've said to him was harsh pero I had no choice that time. Alam kong napaka-gago ko para sabihin 'to pero sana okay lang siya.

Nang tuluyan na kaming lumabas ni Henry ng dorm, tumungo kaming dalawa kung saan nakaparada ang motor ko. Dinala ko ito rito noong isang araw. Ginamit ko rin ito para magdrive nang mahaba't mag-isip isip. Pero kahit ginawa ko 'yon, wala pa rin nagbago eh. Hindi pa rin ako makatakas sa sitwasyon ko ngayon.

"Saan tayong bar pupunta?" Tanong sa akin ni Henry nang ibigay ko ang helmet sa kanya. Sumakay na ito ng motor.

"Sa dati pa rin," tangi kong sagot rito habang pinapaandar ang motor. Isang bar lang naman ang madalas naming puntahan na malapit rito sa campus, ang Don Lando's bar.

Limang minuto lang na pagmamaneho, nakarating na kami roon. Agad kaming pumasok ni Henry sa loob. Alas onse na ng gabi at Sabado ngayon kaya maraming mga customers ang bar. Karamihan sa mga ito ay matatanda at mga lasing na.

We went to the counter to order. Humanap kami ng puwestong mauupuan matapos iyon. Ilang sandali lang kaming naghintay bago i-serve sa amin ang isang bucket ng malamig na beer. Nagbukas agad kami ng dalawang bote. Hindi na makapaghintay ang labi ko kaya't agad na inilapat ang bunganga ng bote ng beer at nilaklak iyon nang diretso. One down agad.

"Teka naman, pare. Ganadong-ganado ka yatang malasing ngayong gabi? Hinay-hinay lang!" Natatawang pagsaway sa akin ni Henry na nginisian ko lang.

"Pwede ba, pare? Uminom ka na lang," tugon ko rito at nagbukas muli ng isang bote ng beer.

Sa totoo lang, I need this. Kailangan ko 'yong init ng beer sa katawan ko para mapalitan 'yong lamig na nararamdaman ko sa loob ko. Kahit anong pilit kong huwag isipin, hindi ko mapigilan. Bumabalik-balik sa isipan ko ang gabing 'yon.

The night I broke his heart.

Tatlong araw na 'yong nakalipas mula noong gabing sinabi ko kay Sedric na nakipagbalikan ako kay Katrina, ang ex-girlfriend kong bumalik makalipas ang tatlong taon niya sa New York.

I told him that we're back together. Sinabi ko 'yon sa harap niya at alam ko, nakita ko sa mga mata niya 'yong lungkot nang marinig iyon. He never really told me that he love me pero nararamdaman ko iyon. Nasaktan rin ako nang masaktan ko siya. Lalo na nang malaman kong handa na siyang magtapat ng nararamdaman niya para sa akin. I was a total jerk!

God knew how badly I wanted to hug him that night pero hindi ko ginawa. Gusto siyang yakapin at pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya but I didn't do it. Alam kong nasaktan ko siya nang sobra dahil ipinaramdam ko sa kanya na balewala 'yong mga sinabi ko sa kanya noong nakaraan. That I love him. Alam kong iniisip na niya ngayon na hindi iyon totoo at isa lang 'yong kasinungaling pero totoo 'yon. Mahal ko si Sedric.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now