Chapter 23

29.7K 1.1K 273
                                    


SEDRIC

Habang tinitingnan ko ang bawat parte ng mukha ni Carter, lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Ang weird, sobrang weird. Ngayon ko lang naramdaman 'yong ganito sa napakaraming beses ko na siyang nakasama. Hindi ko maintindihan at 'di ko alam kung paano ilalarawan 'tong nasa loob ko ngayon.

Ang tanging alam ko lang ngayong nakikita ko siya sa harap ko, hindi na galit o inis 'yong nararamdaman ko para sa kanya. Wala na 'yong pagkairita ko sa itsura nito. Pakiramdam ko'y ibang tao na 'yong kaharap ko kahit alam kong siya pa rin 'to. Bakit ganito? Bakit sa mga sandaling 'to, masaya akong kasama ko siya?

Nagpatuloy ako sa pagpinta ng kanyang mukha. Tinititigan kong mabuti ang bawat parte nito. Ang makapal niyang kilay, ang singkit niyang mga mata at ang maninipis niyang labi na ngayo'y nakangiti. Parang may sariling buhay ang kamay at paint brush na hawak ko habang naka-focus ako sa kanya. Hawak ang palette, patuloy ako sa pagpinta.

Nagtatama ang mga mata naming dalawa tuwing sabay kaming titingin sa isa't isa. Ngingiti ito sa akin at gano'n rin ako sa kanya. Ngunit sa loob ko'y nakakaramdam ako ng pagka-ilang. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Tapos na 'ko!" Masayang sambit niya, dahilan para mapahinto ako sa pagpinta at tumingin rito. "Okay ba 'yong itsura mo rito?" He showed it to me. Nagulat ako sa nakita ko.

Halos mapa-wow ako nang makita ang painting niya ng mukha ko. Kawangis na kawangis ko iyon. I never knew he can paint like this.

"Hindi ko akalaing magaling ka pala magpinta," reaksyon ko na mula sa painting, tumingin ako sa kanya. "Ang ganda." Papuri ko rito nang nakangiti.

"Ginanahan lang talaga ako," tugon niya na ngayo'y nakatingin sa akin. Malaki ang ngiti sa kanyang mukha. "Ang sabi kasi nila, lalong gumaganda 'yong painting kapag inspire 'yong nagpipinta." Itinaas-baba nito ang dalawang kilay habang nakangiti pa ring nakatingin sa akin.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya dahil sa pagka-ilang doon. Ngunit mas pinili kong maging kaswal at hindi 'yon bigyan ng kahit anong kahulugan.

"Pwede na, pwede ka nang maging pintor n'yan." Nakangiti kong sambit rito ngunit naiiling lang itong ngumiti.

"Ikaw ba? Tapos ka na d'yan?" Bigla nitong pagtatanong at aktong lalapit para silipin ito ngunit hinarangan ko siya. "Gwapo ba ako d'yan?" Dagdag pa nito na nakatawang pilit na sumisilip sa canvas na kaharap ko.

"Hindi!" Pagpigil ko sa kanya at pilit siyang itinutulak palayo. "I mean, 'yong painting. 'Yung painting 'yong hindi...pa tapos. Pero gwapo ka...wait! Hindi! May sinabi ba akong gwapo ka?" Nataranta na ako dahil sa pamimilit niya kaya't halo-halo na ang mga sinasabi ko, dahilan para pagtawanan ako nito. Nakaramdam ako ng inis ngunit mas lamang 'yong hiya. Did I really say that he's handsome?

"Can you relax?" Tatawa-tawa nitong sabi sa akin. "Relax," hinawakan nito ang dalawang braso ko dahil napansin niya ang pagkataranta ko. Siya naman kasi, eh!

"Oh, ayan na." Nahihiya kong iniharap sa kanya ang painting ng mukha niyang ginawa ko. Sa totoo lang, kanina pa akong natapos pero paulit-ulit ko lang na nilaglagyan ng kulay ang sa akin. "Hindi 'yan gano'n kaganda pero sinubukan ko at ginawa ko 'yong kaya ko." Hindi ako tumingin sa kanya nang bitawan ako nito't tiningnan ang painting na ginawa ko.

"You know what? I love it," napatingin ako sa kanya nang i-usal niya ang mga salitang 'yon. Nakangiti itong nakatingin sa ginawa ko bago bumaling sa akin ng tingin. Nagkatitigan kaming dalawa.

Is he serious? Hindi ba siya magko-komento ng kahit anong hindi maganda sa ginawa ko? Alam ko naman na hindi iyon maganda at hindi ko nakuha nang maayos ang itsura niya pero ano 'tong sinasabi niya sa akin ngayon?

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now