Chapter 30

30.4K 1.1K 175
                                    

SEDRIC

When our basketball practice was finished nang alas sais, dumiretso na agad ako sa dorm para maghanda sa pagkikita naming dalawa ni Liam. I took a bath again. Nag-ayos ako ng aking sarili para magmukhang presentable sa harap niya mamaya.

Lumabas ako suot ang isang itim na pantalon at kulay asul na hooded jacket.

This is not the first time we will be at Brews Clues Café pero kahit gano'n, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pagkasabik lalo pa't si Liam 'yon. Thinking that we will be able to talk to each other again makes me happy and excited.

For almost fifteen minutes, I waited for him at the gate. Nagkaroon daw kasi ng biglaang meeting ang council nila so he had to be there. When he came, worth it ang paghihintay ko dahil ang presko nitong tingnan sa suot niyang sleeveless shirt na asul at short na maong. He's too hot to handle. Ang mga braso niya, ang balikat niya't maskuladong dibdib, lahat 'yon ay kapansin-pansin.

"Sorry for making you wait," paumanhin niya na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin. "I had to settle some things at the council," dagdag pa niya na marahan kong tinanguan.

Nakatitig pa rin ako sa dibdib niya. "I-It's okay..." awkward at hindi makapagfocus kong tugon rito but I contained myself from looking at his muscular body. "Ano? Tara na?" Anyaya ko rito na agad namang sumang-ayon sa akin.

We walked together. Lumabas kami ng campus patungo sana Brews Clues Café. Pero nang makatawid, pareho kaming na-dismaya. The coffee shop is closed. Ayon sa notice na nakasabit sa pintuan nito, bukas pa sila magbubukas due to some inconvenience.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Liam.

"Paano na 'yan, sarado sila?" Alalang sabi ko rito.

Ngumiti siya't tinapik ang balikat ko. "Marami pa namang coffee shops rito. We just have to find a good one," tugon nito. Good thing, he's calm. Hindi katulad ko na agad pinanghinaan na ng loob. "Lakad-lakad tayo?" Anyaya niya sa akin na agad kong sinang-ayunan.

Ngumiti ako sa ideya niya and we started walking away from that shop.

Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang mainis dahil sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede silang magsara ay ngayon pa.

It's just that, Brews Clues Café is different from any other coffee shops here. Isa pa, bukod sa quality ng product and service nila ay doon rin ang unang beses na nagkape kaming dalawa ni Liam. And now, we need to find a different one. What a hassle!

Sa kalagitnaan ng paglalakad-lakad naming dalawa ni Liam, napansin ko ang lugar sa kabilang kalsada. It is a coffee shop. Bago iyon dahil ngayon ko lang ito napansin sa lugar na 'to. The name of it is kind of weird, though. Ka Pepe.

Maybe, because it's a coffee shop kaya gano'n ang pangalan. Also, it can be the name of the owner. Kape is the main product and the owner is Pepe. That's just my theory.

"Try kaya natin doon?" I pointed it out to Liam na agad namang tiningnan ang tinuro ko sa kanya. "Mukhang maganda roon, eh." I added while looking at those bright lights from the outside of the shop.

"It seems to be a good place." Tumatango-tangong pag-sang ayon niya. "Let's go?" Sabi nito't tumawid na kaming pareho ng kalsada papunta roon.

We both entered the shop.

"Welcome to Ka Pepe, mga Sir!" Pagbati ng isang staff ng shop na agad kong binati pabalik. Liam did the same thing.

Walang gaanong customers rito kaya mabilis kaming nakahanap ng mapu-puwestuhan. Sa bandang gitna dahil iyon ang pinaka-kumportableng puwesto para sa akin. I asked him where he wants us be seated. Iyon rin ang pinili niyang puwesto.

"Anong gusto mo?" I asked him. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"Cappuccino," diretsahang sagot niya na agad kong tinanguan.

I went to the counter. In-order ko ang gusto ni Liam. Ako nama'y iced coffee ang kinuha. Lucky for me dahil hindi gaanong mahal rito. Sakto lang ang presyo at maganda ang kanilang serbisyo. They even gave me a discount for each drink dahil first time namin dito sa shop nila.

Bumalik ako kay Liam dala ang in-order kong inumin. I gave him his cup of cappuccino and sat in front of him with my drink.

"Thanks for this," nakangiti nitong sabi at uminom doon nang kaunti. I smiled.

Umiling ako. "Sinagot mo 'yong drink ko last time. It's nothing," nakangiti kong sabi rito.

Pareho naming pinagmasdan ang lugar kung nasaan kami ngayon. Its's actually a cozy place. Hindi na rin pala masama na sarado ngayon ang Brews Clues Café. At least, we got to try something new tonight.

For a few minutes, we talked about the Art Fest. He said that he was too busy arranging the sequence of programs that day kaya hindi siya nakalibot sa iba't ibang booth. I didn't told him that I was with Carter that day. I don't think he wants to hear what almost happened to us the night after the whole day of Art Festival.

Isa pa, all I want now is to focus on us. Sa mga kwento niya at sa mga bagay na binabahagi niya sa akin. It feels like I get to have bits of his daily life I've missed.

Talking now in front of him makes me wanna ask more about him. Parang gusto ko siyang tanungin ng kahit anong bagay to know him more. But I just don't know how to start.

"Masaya ang buong team na nagbalik ka na," pag-iiba ko sa usapan namin. Napangiti ito sa akin. "Mabuti na lang talaga at napapayag ka ni Coach Melvin to play for the tournament with us." Dagdag ko pa rito while sipping my iced coffee.

"Namiss ko rin ang maglaro at magpractice kasama ang buong team," sagot niya. "Kaya nang kausapin ako ni Coach to replace Ernie, I didn't hesitate to say yes." Nakangiti nitong sabi at uminom ng kape niya.

Tumango ako sa kanya't ngumiti. "You're the most multi-talented guy I know." Sambit ko na ikinagulat niya. Agad itong umiling habang natatawa. "You have a big responsibility being a President of the student council and yet, nagagawa mo pang maging magaling sa pagba-basketball. Just how can you do that?" Pagpuri ko rito, talking about how can he be the most valuable player of the team.

"That's way too much for a compliment but thanks," natatawa pa ring sabi nito na nginitian ko. He's really cute when he smile. "Siguro, gano'n lang talaga kahalaga sa akin ang bawat bagay na ginagawa ko. That's how it works for me," dagdag pa niya na sinang-ayunan ko. That's how responsible he is as a person.

For almost an hour, nagkwentuhan lang kami about random things. Iyong iba pa nga, paulit-ulit na dahil wala na akong maisip na itanong sa kanya. Then, he'll just laugh at me being this silly person as I am. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya.

"Ask me anything and I will try to answer it," suhestyon ko sa kanya nang wala na kaming mapag-usapang dalawa. Napangiti ito habang nag-iisip.

"How about..." pagbitin niya sa kanyang itatanong. "A girlfriend. Do you have one now?" Nakangiti nitong tanong na medyo ikinabigla ko. Why is he even asking me that? Alam naman niyang bakla ako, eh.

Nakangiti akong umiling rito. "Wala," sagot ko. "I don't want to close doors but I'm not into girls now. So, baka hindi rin magwork ang pagkakaroon ng girlfriend sa akin." Tapat ko siyang sinagot. Napatango ito nang marahan.

"Okay, okay. If you say so..." nakangiti nitong tugon sa akin. "How about...having a boyfriend?" Nag-alangan pa siyang itanong 'yon sa akin but I just smiled. He knows my true sexuality kaya hindi ako na-offend sa kanya.

The only thing that I feel now is...awkwardness.

Iyong tanong niya kasi, siya ang sagot.

"I'm very open having one someday..." ang sagot ko sa kanya while staring at him, seriously. Ayokong makaramdam siya ng pagka-ilang kaya agad ko 'yong inalis.

"Good for you," ang tanging sagot niya sa akin at ngumiti.

Talking about sexuality and having a boyfriend or girlfriend makes me wanna ask him the same thing, too. So, I did.

"Would you mind if I ask you if you have a girlfriend now?"

And when he heard that, he suddenly became serious.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now