Chapter 27

29.3K 1K 96
                                    

SEDRIC

"I just want to know something..." binasag nito ang katahimikan matapos ang ilang minutong pareho kaming hindi nagsasalita. Napatingin ako rito. He's smiling but he looks really serious. "Tungkol kay Liam, anong nagustuhan mo sa kanya?" Nagulat ako nang marinig 'yon kay Carter.

I never thought he'll ask me about that.

Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanya. Naiilang pa rin ako dahil best friend siya ni Liam. Aside from that, parang hindi ako kumportableng ibahagi pa 'yon sa kanya.

"Kailangan mo pa ba talagang malaman 'yon?" I laughed. "He's everyone's ideal guy at the campus. I like him for being who he is. Gano'n lang," sambit ko nang hindi iyon ine-elaborate sa kanya.

Napangiti ito. "Come on, Sed. Alam kong mayroon pang ibang rason kung ba't mo siya nagustuhan." Pamimilit pa nito sa akin. "At least tell me the real reason," dagdag pa niya kaya't napatingin ako rito nang may pagtatagka. He seems to be really interested to it and I don't know why.

Huminga ako nang malalim bago siya nginitian. "I guess, kailangan ko na talagang sabihin dahil mapilit ka." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango ito. "Sa totoo lang, nagsimula 'yon noong una ko siyang makita way back when we were freshmen. From the very first sight, I don't know but he just caught not only my eyes, also my heart. Kaya simula no'n, hinangaan ko na siya at hanggang ngayo'y 'di pa rin iyon nagbabago." Pagsasabi ko rito ng totoo while looking at the view of the sea.

Thinking about Liam makes me feel so kilig right now.

But sitting next to Carter makes me feel something I've never felt before.

Hindi sumagot si Carter sa ikinuwento ko. Ramdam kong nakatingin ito sa akin ngunit nang balingan ko siya ng tingin, umiwas siya at tumingin sa harap niya. He's laughing. Mahina iyon at pigil.

"Bakit ka tumatawa d'yan?" Pagpuna ko rito dahil ang seryoso ng usapan namin tapos bigla siyang tatawa, para itong baliw.

"Wala..." marahan niyang sabi at unti-unting napawi ang mga ngiti sa mukha niya. Nakatingin pa rin ito sa view ng dagat. "Sa tinagal-tagal naming magkaibigan ni Liam, ngayon lang ako nainggit sa kanya. He's everyone's favorite. Gusto siya ng lahat ng tao, samantalang ako..." hindi nito pinagpatuloy ang sinasabi niya't napailing habang tumatawa.

When I saw his eyes, nakita ko ang bahid ng lungkot sa mga 'yon. Nakita ko na naman 'yong Carter na nakita ko noong unang beses ko siyang kausapin sa gym. Malungkot at parang pasan ang problema ng daigdig.

"Ano bang sinasabi mo d'yan? Tumigil ka nga," nakatawa kong pagsaway rito, trying to make the mood lighter. "Heto nga't umiinom na tayo, oh?" Dagdag ko pa but he just smiled.

Bigla ako nitong tiningnan. "You woudn't understand..." Ngumiti siya bago nilagok ang hawak niyang beer.

Napa-kunot ang noo ko sa kanya. "Huwag ka ngang ganyan!" Natatawa ko pa ring sabi sa kanya't tinapik ang balikat nito. "Hindi bagay sa'yo ang magdrama!" Paulit-ulit ko siyang tinapik sa braso, trying to change his mood.

He looked at me with a very serious face. "Tell me, do you still look at me as a person you used to hate?" Nagulat ako sa bigla niyang pagtatanong. "Everyone hates me. Ang tingin sa akin ng lahat ay wala na akong ibang matinong gagawin bukod sa pagpasok sa iba't ibang gulo at pagdate ng mga babae. Well, I can't blame them dahil 'yon ang pinakita ko sa kanila from the very start. It's just that...nakakapagod din pala." When he said that, he looked up. Tila pinipigilan nito ang sarili sa pagluha. Ramdam ko ang lungkot sa mga sinabi niya.

"No..." agad ko siyang sinagot. Seryoso ko siyang tiningnan. "I know, mali ako na kinamuhian kita nang hindi kinikilala. Pero ngayon? Carter, kaibigan na kita at masayang-masaya akong kinaibigan kita. Para sa akin, alam kong mabuti kang tao. People are easy to judge but I know...I just know that you are much better than what they think you are." I told him, wholeheartedly.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now